CHAPTER 53- Lindol

3.8K 125 11
                                    

"Nagkita lang kami tapos nagkamustahan—"

"I said when we get home, Portia." Bakas pa rin ang galit at inis sa tuno niya. 

Naku naman, oh. Bakit ba ang malas ko naman ata? Argh! Alam ko talagang magagalit siya kapag narinig niyo 'yong pinagsasabi ko kanina pero hindi ko naman inaasahang maririnig niya nga kami kasi malayo naman siya sa amin, ah.

"Symon, please—" Paglalambing ko pa rito sabay hawak sa dibdib nito na ikinatingin niya sa 'kin nang masama. Napa-pout ako, nagpapacute naman sa kaniya.

Sana gumana!

"Sa kuwarto na 'yan." Halos matawa ako sa sinabi niya. Kahit na galit siya lalandi pa rin talaga. Alam ko namang hindi niya ako matitiis kapag sinakyan ko ang kalandian niya.

"Sige.." Inosente kong sagot sa kaniya, napatingin tuloy siya sa akin nang masama ulit.

"Oh, sabi mo sa kuwarto na? gusto mo ba rito na lang, hmm?" Sabay kagat ko nang labi ko. Natawa ako nang mahina nang mapalunok siya at tumingin ulit sa kalsada.

"Damn it." Rinig kong bulong niya.

Napakagat na lang ako sa labi sa subrang pagpipigil ngayon nang tawa. Ang galing galing ko naman kasi talaga, eh.

"Sy, hindi mo talaga ako papansinin?" Mayamayang pangungulit ko pa rito.

"Oy, baka naman... kahit tango lang, oh?" Pangungulit ko pa pero hindi pa rin, mhp.

"Oh, baka gusto mo ungol ko—" Nagulat ako sa biglaang paghinto nang kotse.

"Whe the fuck, Portia?!" Ang sakit sa noo, huhuhu. Sa subrang bilis no'n, ni hindi ako nakahanda at nauntog tuloy ako.

"Peace yow!" Pagpapa-cute ko na lang rito, nawala naman ang inis sa mata niya at umiling iling na lang sa akin.

"Damn, so naughty." Napakagat ulit ako sa sariling labi para pigilan ang ngiting malapit nang lumabas.

Kaunting push na lang talaga self, malapit na! Kaya mo 'yan!

Pagdating namin sa bahay hindi niya pa rin ako pinansin pero nahuhuli ko siyang tinitignan ako. 

Huli ka, kala niya ata hindi ko nakikita ang paminsan minsan at pagnakaw-nakaw niya nang tingin sa akin, eh.

"Oy, anong mayroon sa inyo? kanina lang sweet sweet niyo, ah tapos ngayon mukha nang ewan."

"Huh? Wala, ah." Mabilisang pagtanggi ko sa nakangising si Janine.
Ngumisi na lang din ako nang nahuli ko ulit ang tingin ni Sy sa akin.

"Anyway, nabili mo na ba lahat nang kailangan mo, Ele?" Tanong ni Janine, tumango lang ako.

"Oh siya, alis na ako, alam ko naman kasing mag-uusap pa kayo, eh " Hindi pa rin nagsalita si Sy pero alam kong pag-alis nang pagalis ni Janine bubugahan na ako nito.

"Okay, you can go na hehehe, ako na maghuhugas ng plato—"

"No, we will still talk. Janine, you wash the dishes." Mariin na sabi nito kay Janine, at kahit kay Janine niya 'yon sinasabi sa akin pa rin siya nakatingin.

Napapout naman si Janine, "Eh? bakit ako? nadamay pa ako sa lq niyo." Natawa na lang ako sa ka ka-cute-tan ni Janine.

"I'll go now. Follow me, Portia." Malamig na ani ni Sy saka siya tumayo at umakyat na paalis.

"Sorry.." Mahinang sabi ko kay Janine na ngayo'y naka-pout pa rin at mukhang ayaw niya talaga sa ideya ni Symon.

"Babawi na lang ako, ah? nagseselos na naman kasi 'yon, kaya ayon." Nahihiyang sabi ko sa kaniya, napangiwi lang siya.

"Eh? sige na nga. Punta ka na doon at baka gumawa na kayo nang baby." Mabilis nag-init ang buong mukha ko sa sinabi kom

"And kindly remember, iba magselos si kuya, Ele." she smirked playfully, "Kapag si kuya nagselos, maglilindol." The hell? Tumakbo na si Janine habang tumatawa, maiwan naman akong tulala at kinakabahan.

Anong lindol ba? As in lindol?

Nagulat ako nang sumilip ang ulo ni Janine mula sa kusina, "Ay! oo nga pala, gusto ko babae ang panganay, huh?" At talaga may isisingit pa.

Jusko! Paano na ba 'to ngayon? Nagsisisi na tuloy akong nag-cr ako at nakita ko si Terance. Oo nga't miss ko siya pero may ibang araw naman ata kung kailan puwede kaming magkita, 'yong hindi sana kami nagdadate ni Sy o hindi ko siya kasama. Argh! Sana talaga hindi na ako tumayo sa lamesa namin at naghintay na lang sa pagkain, kaasar!

The Billionaires MaidWhere stories live. Discover now