CHAPTER 11- Gold

7.5K 225 6
                                    

"You will feed me then I will stop" Napa-singhap naman ako sa kanya, landi talaga nitong boss ko.

"Opo at ito na nga po kamahalan sinusuboan ka na po." Maslalong lumaki ang naglalarong ngisi sa labi niya.

"Oh, wait baby," Tumaas ang kilay ko sa kanya.

"My favor is just feed me and not feed me and sit on my lap." Kaagad umakyat halos lahat ng dugo ko sa mukha ko, tatayo na sana ako pero mabilis niyang hinigit ang bewang ko paupo ulit sa hita niya.

"But it's okay, pabor sa akin ang pag-upo mo diyan." Kinalabutan ako sa sinabi niya. Ang lapit lapit ng mukha niya sa 'kin, ramdam na ramdam ko rin ang hininga niya sa leeg ko.

"D-doon nalang a-ako," Hindi ako makatingin sa kanya ng diretso. Ano ba kasing naisip ko at umupo ako sa hita niya? nakipag-usap lang naman siya sa Marie na 'yon... Tks! edi mag usap sila, ano namang pake ko?

I tks-ed.

"You're jealous." Mataman niyang sabi nag salubong ang kilay ko at namula ang pisnge.

"Hindi no." I lied. Yes, parang tama nga siya.

Pero bakit? bakit ako mag se-selos? Unang una walang kami at pangalawa amo ko siya, as in boss. Yaya niya lang at secretary ako, 'yon lang, hindi na hihigit doon ang relasyon na meron kasi.

Kumirot ang puso ko sa mga iniisip ko, dapat siguro mag pa-check up na ako. Tama!

Kumuha nalang ulit ako ng kanin at ulam saka isinubo sa kanya. Siya naman ay ngiting ngiti lang, gustong gusto ata nito ang pwesto namin.

"Night." Nabalik ako sa sarili ko nang mag salita siya. Tapos na kaming kumain at nandito kami ngayon sa hagdan. Maghihiwalay na— I mean matutulog na, ibang side kasi kwarto ko at iba rin ang kanya.

"Good Night, too." Balik kong sabi at humakbang na papuntang kwarto ko.

"Hope you'll dream about me." Rinig kong mahinang bulong niya, uminit naman ang pisnge ko. Ramdam kong nakatitig parin siya sa akin ngayon. Nakakainis talaga 'tong Sy, ang galing magpakilig—mph, halikan kita jan eh!

Humakbang na ako papasok sa kwarto ko, tinignan kong muli si Symon, papaalis na ito ngayon. Tinignan ko lang ito hanggang sa nawala na siya sa paningin ko.

Napatingin naman ako sa human size mirror na nasa harapan ko, tinignan kong mabuti ang mukha ko roon, napadako ang tingin ko sa brown eyes ko.

"Hala, hindi ko natanggal, patay ako kay Chang Linda." Ang tinutukoy ko ay ang contact lense ko. Pinapasuot ito ni Chang Linda para hindi makita ang golden eyes ko, 'yong pinaghalong brown na may gold sa gilid.

Sabi ni Chang sa 'kin, "Portia iha, suotin mo lang 'yan palagi, tapos tanggalin mo nalang kapag ikaw lang mag isa at gabi na."

"Bakit po chang?"

"Naku! wag ka nang mag tanong basta sundin mo lahat ng bilin ko sa 'yo. Makakabuti iyon sayo iha. Naintindihan mo ba?"

"Opo."

Nalilito nga ako kong bakit. Sabi naman sa 'kin ng mga kapit bahay ko no'ng hindi pa ako nag su-suot nito eh kay ganda raw ng mata ko. Pinasuot niya na ito sa 'kin noong 8 years old na ako, kahit matagal na, nakakalimutan ko paring hubarin.  Kasi naman, nasanay na ang mata ko dito.

Pinagmasdan ko ulit ang mukha ko, lalo na ang mata ko. Nang tatalikod na sana ako nang umalon ang aking buhok ay napa-tingin din tuloy ako, tandang tanda ko kong ano ang bilin sa 'kin ni chang tungkol sa buhok ko.

"Chang anong ginagawa niyo sa buhok ko?" Tila nagulat siya sa tanong ko. Nahuli ko siya kinukulayan ng ibang kulay ang buhok ko.

"Naku Portia, hindi bagay ang golden hair mo rito, para kang mayaman. Naku! baka pag deskatihan ka pa ng mga manloloko riyan sa labas at saka ang pangit tignan." Napa-tingin ako sa kulay na inilagay niya, black na iyon. Parang nag lahong bula ang golden hair ko.

"Sayang po." 'Yon lang ang nasabi ko.

Nalilito ako kay Chang, lahat ng gold na bagay sa akin ay inaalis niya o 'di kaya'y pinapalitan. May namuo tuloy sa isip ko, 'Di kaya ang gold ay makakatulog sa akin para bumalik ang alaala ko?

A/N:
Gold hair and eyes? wews. Ano kaya meron sa gold? Malay ko, itanong niyo sa chang niya.

The Billionaires MaidWhere stories live. Discover now