CHAPTER 36- Liligawan Kita

4.5K 152 1
                                    

"I'm sorry, baby." Malambing niyang sabi, pero hindi ko lang siya pinansin.
Para saan pa diba?

"Hey baby, please.. look at me?" Inisang hakbang niya lang ang distansiya naming dalaa. Nasa harapan ko siya ngayon. Marahan niyang inangat ang panga ko, at una ko agad nakita ang nagsusumamo niyang mga mata, nagmamaka-awa siyang tignan ko siya.

"Bumalik ka na doon." Inayos ko ang pagkaing binili ko.

"No, lets eat together. Janine told me you're hungry."

"Hindi ka ba pupunta rito kung hindi sasabihin ni Janine na gutom na ako?" Malungkot kong tanong sa kaniya, mabilis ang pag-iling-iling na ginawa niya.

"I'm really sorry, baby." Malambing niyang sabi, ako naman ngayon ang umiling. Kapag ba talaga nagkakasala nag so-sorry? pero bakit parang ayaw ko nang marining ang sorry sa bibig niya?

"Umalis ka na, hinahanap ka na siguro noong girlfriend mo." Wala sa sariling sambit ko.

"Hello no, she's not my girlfriend, okay?" Saglit akong natigilan doon, pero kahit na ganoon ay hindi ako nagpadala sa kaniya, kahit umiigting pa ang panga niya at mukhang galit sa sinabi ko.

Hindi nga ba talaga? tks, liar.

"Okay." Malamig ko lang na sagot dito.

"Please? don't be too cold to me, hindi ako sanay..." Asar at hindi ako makapaniwalang tinignan siya.

"Edi masanay ka na." Malamig ko pa ring sagot sa kaniya.

Deserve mo 'yan. Sanay ka man o hindi, deserve mo pa rin ang galit ko.

"Baby please? i'm really sorry, please forgive me." Tumango na lang ako para matapos na siya kahit deep inside ay hindi ko pa rin siya pinapatawad.  Ewan ko ba at parang nawalan ako ng gana sa kaniya.
I admit I like him pero parang unti unting nawalan na ako ng gana.

"Bati na ba tayo?" Puno ng pag-asa ang mga nito, at hindi ko mawari kung bakit parang nakikita ko sa mga mata nito ang takot, takot na aayaw ako, pero namamalikmata lang siguro ako.

"I thinks so." Mas pinasaya ko ang boses ko pero talagang nandoon pa rin ang sarkastiko.

Umupo siya sa harap ko saka niya kinuha ang kutsara na nasa pinggan ko. Nagulat ako dahil sa ginawa niya,
nilagyan niya iyon nang kanin at ulam saka niya inangat patungo sa bibig ko. Susubuan niya ba ako? Gaya ng... g-gaya nang pagsubo niya kay Pershen? Mabilis ang pag-iwas na ginawa ko. Nakita ko agad na nasaktan siya dahil roon.

Puwede naman sigutong kalimutan kong may pershen na siya 'di ba? at magpakasaya naman akong kasama siya. Puwede naman 'yon 'di ba? kahit ngayon lang naman, eh.

Nang subukan niya uling subuan ako ay doon ko na binuksan ang bibig ko,
napa-ngiti siya roon. Tuloy tuloy ang pagsubo niya sa 'kin. Unti unting gumaan na rin ang loob ko. Nawala na rin ang sakit na dinadama ko kanina lang. I think this is better but of course ibabalik ko rin siya sa tunay na nagmamayari sa kaniya but for now, akin muna siya.

"Baby, do you like here?" Pagkatapos naming kumain pumunta kami sa hardin nitong ospital. Nagustuhan ko naman dahil ang dami dami ng bulaklak sa paligid at ang presko pa ng hangin dito.

"Oo naman, ang ganda kaya rito." Natutuwa kong sagot sa kaniya.

"Mas maganda ka...."

"Bumanat na naman, naka-ilan ka na?" Nakangiti kong pang-aasar, ngumisi lang siya.

"I want to stay here and be with you forever." Rinig kong mahinang bulong niya sa likuran ko. Paglingon ko sa kaniya ay nagulat ako sa dala dala niyang palumpon ng mga bulaklak, napangiti na lang din ako.

"Me too, I want to stay here." And that's not a lie. Mula sa kalob-looban ko, gusto kong manatili kung saan puwede kaming magkasama dalawa, 'yong walang epal at sagabal, 'yong kami lang talagang dalawa. Just the two of us.

"Do you want me to be with you too?" Mas lalo akong napangiti sa naging tanong nito sa akin.

"Kung puwede, oo naman bakit hindi 'di ba?" Saka ko tinanggap ang hawak hawak nitong mga bulaklak.

"Do you really want to be with me forever?" Paulit ulit ka na, huh?

"Oo nga."

"Then say yes." Ano raw? Anong ibig niyang sabihan?

"Para saan?" Nagtataka kong tanong. 

"Liligawan kita, baby. Say yes if you want us to be together." H-huh?

The Billionaires MaidWhere stories live. Discover now