CHAPTER 64- Miss Gold U

3.3K 94 0
                                    

Nagising ako sa ibang tunog, at alam kong hindi 'yon alarm clock.

Napabuntong hininga ako, "Ano ba 'yon?" Mabilis akong tumayo at kinuha ang cellphone ko.

Oh... yes! 'yong cellphone ko ang tumutunog at talagang ngayon pa tumawag.

Sinong tanga ang tatawag nang ganitong oras? Nang tignan ko ang pangalan nang caller ay kinabahan kaagad ako.

Si chong.

"Chong? napa-tawag ka ata?" Nagtatakang tanong ko pero mas kinabahan lang ako nang hindi siya sumagot sapagkat iba ang narinig ko.

"Sir, kailangan na po namin nang pera para maoperahan si Misis... Bakit pera ang uunahin niyo? unahin niyo muna ang misis ko... sir, hindi po naman magagawa 'yon, protocol po namin ito... Tangina! protocol kayo nang protocol, operahan niyo na, oh susunugin ko 'tong tanginang ospital niyo?!"

"Chong anong nangyari?" Kinakabahan kong tanong.

Nasa ospital siya? B-bakit?

"Sir kailangan—.... magbabayad kami kinabukasan pero ngayon asikasuhin mo muna, tangina!"

"Chong huminahon ka po, sabihin mo sa akin anong nangyari.."

"Si Linda, inatake na naman nang sakit, kanina lang dinala ko siya rito pero hindi man lang siya inasikaso nang mga 'to!" Bumilis ang tibok nang puso ko dahil sa kaba.

Si chang?

"Saang ospital chong?" Nag-aalala kong tanong. Hindi ko aakalaing lalala ang sakit ni chang. Akala ko kasi noong umalis ako ay maayos-ayos na pero nagkakamali pala ako.

"'Yong ospital kong saan ka namin dinala." Natigilan ako sa sinabi niya.

B-bakit doon?

Ayaw na ayaw ko sa ospital na 'yon
dahil doon ako nagising nang wala ni isang maalala.

B-bakit?

"Gising na siya."

"Linda! gising na 'yong bata!" Napahawak ako sa ulo ko dahil sa subrang sakit no'n.

"W-where am... I?" Lumingon lingon ako sa paligid, nagbabakasakaling pamilyar sa akin pero hindi, wala ni isa rito ang pamilyar.

"Kamusta, iha? ayos na ba ang pakiramdam mo?"

"W-who are y-you? h-hindi ko k-kayo k-kilala..." Dumaing ako nang muling kumirot ang ulo ko pero noong nakita kong mas lumalapit sila ay kinakabahan at puno nang takot akong umatras hanggang sa masandal na ako sa pader.

"'Wag kang matakot, iha...mababait kami.."

"Sinabi ko naman sa 'yo Linda, eh ba't mo pa kasi kinuha 'yan! 'Yan tuloy makaka-bayad pa tayo nito. Tks!"

"Tumahimik ka nga! sa 'yo ata natatakot itong bata, eh." Hindi ko sila pinansin kahit mukhang mag-aaway na sila, dahil pilit ko pa ring iniisip kung sino ako, nasaan ako, at kung bakit ako nandito.

"S-sino... sino a-ako?" Dumaing ulit ako.

Hindi ko alam... hindi ko alam kung sino ako.

"Iha, huminahon ka... ikaw si.. ikaw si Portia Ele, t-tama! ikaw si Portia Ele Del gatilo!"

Napadaing ako. Sumasakit na naman ang ulo ko, pero walang oras para indahin iyon dahil kailangan ako nang taong minahal at inampon ako kahit hindi nila ako ka dugo.

Mabilis akong nagbihis at kumaripas nang takbo palabas. Hindi naman siguro malalaman si Sy, hindi ba? kailangan maaga lang ako umuwi. Hindi ko na din siya gigisingin baka siya na naman ang gumastos.  Ayaw ko na no. May sarili akong paa para tumayo at kung kaya ko ako na ang gagawa. Medyo may naipon na rin naman ako... hindi ko nga lang alam kung sasapat ba 'yon— pero kung hindi, edi hahanap nang paraan.

"Chong!" mabilis kong tawag pansin dito nang makita siya, "Nasaan si chang?" Kahit humahangos pa rin dahil sa pagtakbo ay nagawa ko pa rin iyong itanong sa kaniyam

"Inooperahan na, pero kailangan kaagad nating bayaran, kung hindi, eh hindi nila itutuloy ang pangalawang opera." Kaagad akong napahawak sa noo ko.

Ang daming problema.

"P-paano na 'to?"

"Eh... kyng hingan mo nang pera :yong amo mo?" Hindi na ako magtatakang sasabihin niya 'yan. Sanay na ako.

"Hindi puwede, chong."

Sumama ang tingin nito sa akin, "kung magtrabaho ka na lang sa bar? mas madali ang pera roon!" Pumikit ako, pilit pinapakalma ang sarili. Dahil hindi ito ang oras kung saan sasagutin ko ang mga walang kuwenta nitong suhestiyon.

"Hindi ko kaya." 'Yon lang, 'yon lang ang nasabi ko at umalis na ako.

Hahanap ako nang paraan. Hindi puwedeng hindi.

Para akong zombie na naglalakad sa hallway nang school. Isip ako nang isip kung papaano ako magkakapera. Pati nga 'yong sinabi ni chong iniiisip ko na rin, eh pero talagang ayaw ko no'n at hindi ko kaya.

Naasar na tuloy ako sa sarili ko kung bakit ang tagal kong mag-isip kung paano magkakapera— "500k!" Ano daw 'yon? Natigilan ako at bumalik kaagad sa kyng saan ko nakita ang 500k.

Bumilis ang tibok nang puso ko.

Join!
Miss Gold U
Win 500 thousands!
For more info dial this 09#########

Sa school siya gaganapin.. oh my.. thank you lord!

The Billionaires MaidWhere stories live. Discover now