"Aalis na ako." Mabilis kong sabi at aastang aalis na nang higitin niya ang kamay ko. Malamig ang tingin niya sa akin at umiigting din ang panga niya.
"The car." Malamig niyang sabi. Here we go again,
"Hindi ko sabi kailangan ng kotse na yon, ibalik mo na lang 'yon at sasakay ako sa jeep." Naaasar kong sabi. Eh, kasi naman paulit ulit na lang 'yong kotse na 'yon. 'Yong kotseng pinagtatalunan nila Janine at ngayon na binigay niya na sa akin pero tinanggihan ko kasi naman hindi ko kailangan at baka masamain pa no'ng mama niya at talagang pwede na niyang masabing isa nga akong gold digger.
"Baby," Kaagad umangat ang tingin ko sa kanya, naka-tingin lang siya sa akin na para bang may malaking problema o iniisip. Baka naman problema sa kompanya?
"Mhh," I just smiled at him, nang hawakan niya ang pisnge ko.
"May problema?" Marahan kong tanong rito, mabilis naman siyang umiling pero hindi nakatakas sa akin ang malungkot niyang mata na kaagad napalitan ng saya. I tip toe and kiss his cheeks, mas lalong lumaki ang ngisi niya dahil sa ginawa ko, nakaramdan agad ako ng pagkahiya.
Bakit ko nga ba 'yon ginawa? Nakakahiya!
"My baby is blushing," Natutuwa niyang sabi habang hinahaplos pataas at pababa ang pisngi ko. Inis ko naman 'yong hinawi at tinalikuran na siya dahil sa kahiyaan.
"Don't be shy, baby. Parang halik lang sa pisnge 'yon, eh." Natutuwa niya paring sabi, knilingan ko na lang siya at sa paligid na lang tinuon ang atensiyon. Narinig ko naman ang mahina nitong pagtawa.
"I have a gift for you baby." Para akong na bato ng maramdamang niyakap niya ako mula sa likod ko at siniksik ang ulo sa balikat ko, at mas lalo pa akong na bato ng amoyin niya ang leeg ko. Nawala tuloy ako sa sinabi niya.
"R-regalo?" Why I a'm stuttering? mas lalo lang tuloy siyang natuwa. Muli niyang inamoy ang aking leeg na mas lalong nagpainit ng pisngi ko. Hindi pa ako naliligo, baka ang baho ko
"Yes, a gift." Nahimigan ko ang tuwang tuwa sa boses niya habang inaamoy ang leeg ko. Hindi lang pala amoy, ramdam ko ang malambot na bagay na dumadampi sa leeg ko tanda na hinahalikan niya na iyon.
"S-Symon!" Another stuttering? really Portia?
"Mhhh, yes?" Nanlamig ako dahil sa husky'ng boses niya, bulong iyon sa tenga ko kaya nakaramdam ako ng kiliti.
"S-stop i-it." Oh, god, I said stop stuttering.
"Mhh, you're so cute baby, but my gift is waiting, so we're continuing this again inside our room. Is that okay to you?" Nag-init ang pisngi ko sa sinabi niya. Anong continue wala ng continue nito 'no! asa siya!
Kaagad niya akong inilalayang papunta sa gift daw niya kuno. Nakahawak siya sa bewang ko at hawak niya rin ang kamay ko na para bang tatakasan ko siya dahil sa mahigpit niyang paghawak sa akin.
"Close your eyes," Bago ako pumikit ay naramdaman kong naglalakad kami papuntang parking lot.
Oh my.. I know this— The car.
"Symon.." gusto ko siyang pigilan sa gusto niyang mangyari pero wala na, tapos na. Nasa harapan na ako ng kotse.
"Do you like it?" Bakas sa kanyang mukha ang pagkasabik nga niyang ibigay ito sa akin habang ako ay hindi alam kong ngingitian ko ba ito, ni hindi ko nga magawang ngumiti kahit pilit lang.
Nang nakita niya ang reaksiyon ko ay unti unting napalitan ang ngiti niya ng kunot noo at pagtataka sa mata.
"You don't like it." Hindi iyon tanong, parang sigurado na siya sa sinabi niya dahil sa muka ko. Kaagad kong pinilit na ngumiti at winasiwas pa ang kamay sa harapan para ipakitang mali siya sa sinabi niya.
"No, of course I like it, it just that..." Habang nangangapa ako ng sasabihin ay napamewang naman siya sa harapan ko habang nasa gilid niya ang kotse. Mas lalo akong nataranta ng umigting na ang panga niya.
"It just that..." Naghintay siya sa sasabihin ko pero talagang wala akong maisip. Kung sabihin ko na lang kayang hindi ko kailangan ng kotse?
"I don't need it." Thanks God hindi ako nautal. Hindi ko alam kong titignan ko ba siya o mananatili ang tingin sa kotse.
"Why?" Nahimigan ko na nalungkot siya sa sinabi ko.
"You know... pwede naman akong mag jeep. No need for a car, I mean no need for a new car." Nangapa pa ako ng sasabihin pero wala talaga akong maisip.
"No. You need it for your safety at para hindi ka na mahirapang humanap pa ng sasakyan. It's all yours." Safety? Mahihirapan?
"Nag-iingat naman ako Sy at saka hindi ako mahihirapang maghanap ng jeep kasi nakaugalian na 'yan sa amin, kaya sana 'yong perang pinambili mo niyan dapat inalaan mo na lang sa kompaya—" Natigil ako sa sinabi ko nang nakitang maslalong umigting ang panga niya at ramdam kong hindi niya nagustuhan ang lumabas sa bibig ko.
"The money I use here is for you, not for the company." Marahan akong tumango pero mali pa rin naman kasi.
"Kahit na Sy. Alam ko kung ano na ang nangyari sa kompanya—" Napatigil ulit ako ng magsalita siya.
"Don't you trust me?" Umiigting ang panga niya habang sinasabi 'yon at nakatingin din siya sa akin ng mariin kaya napaiwas ako ng tingin.
"Y-yes, of course yes." Mariin at totoo kong sabi.
"Then, why can't you take this car as a gift?" Nagulat ako ng tumaas ang boses niya sa akin.
He's mad now. God, Portia what did you do? pero kahit na... hindi ko pa rin pwedeng tanggapin ang kotseng 'yon. Kaya ko pa naman kasi.. mas kailangan 'yon ng kompanya.
"Sy please, just listen to me, you need the money than me. Hindi mo naman kailangan akong bigyan ng regalo, ikaw lang sapat na." Pumikit ako ng mariin at sa sandaling binaling ko sa kanya ang tingin ko ay nanlambot ako. Marahan na siya nakatingin sa akin pero hindi nakatakas ang sakit sa mata niya habang nakatingin sa akin.
"I said, that's for you!" Mariin niyang sabi sa akin, umiling iling lang ako.
Ang tigas ng ulo nito."Symon, please, hindi ko nga kailangan nito, pwede naman akong mag jeep na lang, mas mabuti pang atupagin mo nal ang ang kompanya." Mariin kong sabi sa kanya at tinaasan pa siya ng kilay. Mas lalong umigting ang panga niya, nagpipigil na.
"C'mon baby that's for you." Ba't ba hindi niya agad maintindihan ang ibig kong sabihin?
"Symon," Marahan at sa malabing na tunong sabi ko, kaagad namang lumambot ang tingin niya sa akin.
"Please," Bumalik sa inis ang tingin niya sa akin. Astang aalis na siya pero kaagad kong pinigilan.
"F-fine... fine!" Malakas kong sigaw na nagpatigil sa kanya. Ang kaninang umiigting ang panga at nagpipigil ng inis ay nakangisi na ngayon. Sa subrang laki ng ngisi nito sa labi ay mukhang mapupunit pa ata ang bibig niya.
Damn, he won again.
YOU ARE READING
The Billionaires Maid
Romance[ completed &. edited ] billionaires #1 Symon Axel Santilian, a living Multi Billionaire, who hates noisy people. He doesn't like anyone wandering around inside his mansion. He hates gardening or even flowers. And for the record, he hates vegetables...