CHAPTER 45- Soon

3.9K 115 3
                                    

"Ibibigay mo na ba 'yan kay Sir Axel?" Mahinang tanong sa akin ni Jelan
nang makita niya atang papatapos na ako sa papeles ni Sy tumango na lang ako bilang pagsang-ayon.

"Oo, kasi kailangan niya na raw ito ngayon." Nakangiti kong sabi, ngumiti rin naman siya pabalik.

"Ako na, baka may gagawin ka pa." Nagtaka tuloy ako kung bakit ba gutso niyang pumunta kay Symon.

May sasabihin ba siya sa kaniya?

"Huh? wala naman. Sabi kasi niya ako raw mismo ang magbigay nito." Namuo ang inis sa mukha niya.

"Ako na lang. Alam ko na may gagawin ka pa, saka ibibigay ko lang naman 'yan kay sir 'di ba? 'yon lang naman pala, eh." Pilit na ngiti lang ang binigay ko sa kaniya.

Paano ba to ngayon? ibibigay ko ba 'to sa kaniya nang sa ganoon ay tumigil na siya?  Hula ko talaga gusto niya si Sy, per kasi..

"Hmm s-sige." Napipilitan at hindi pa ring siguradong sabi ko, samantalang napapalakpak naman siya sa tuwa.

Weird, right?

"Thank you, Ele!" Natutuwa niyang sabi at dali daling hinablot ang papeles sa kamay ko kahit na hindi pa ako natatapos.

"Mhh hindi pa kasi ano.. tapos." Natigilan naman siya roon.

"No need, ako na lang ang pipirma."

"Pero.." May sasabihin pa sana ako kaso nagmadali na siyang pumasok sa opisina ni Sy.

Tingin niyo? gutso niya talaga si Sy to the point na kinakaibigan niya lang ako dahil kay Symon. Napabuntong hininga na lang ako. Hindi ko alam kung ano ang magiging reaksyon ko. Hindi ko rin alam kung bakit parang hindi ako naiinis, dahil noong kay Pershen naman ay palagi akong naiinis. Dahil pa sa magkaiba ang kay Pershen at kay Jelan? o dahil ba nililigawan ako ngayon ni sy at noon hindi kaya parang ang kampante ko lang? Gosh, nakaka-baliw naman 'to.

Bumalik ako sa reyalidad nang nakita ko nang palabas na si Jelan sa opisina ni Sy.  Kita sa mukha niya ang lungkot, inis, galit at kung ano pa.

"May problema ba, Jel?" Kaagad siyang humarap sa akin na g may inis sa mukha.

Anong... bakit parang kasalanan ko?

"Ikaw." Galit at mariin niyang sabi.

"H-huh?" Kinakabahang kong tanong.

Hindi ko kasi siya maintindihan.

"I-I mean ikaw daw, tawag ka kasi ni sir." Alam ko na kung bakit siya mukhang galit sa akin, at nakompirma ko na ring gusto niya talaga si Symon. Hindi naman na rin nakakapagtaka.

"O-okay.." kaagad akong tumayo pagkatapos no'n. Bakas na bakas la rin sa mukha niya ang lungkot pero namumutawi ang galit, pero hindi ko na lang din 'yon pinansin at dumiretso na sa opisina ni Symon.

"Hi Sy.." Kaagad napa-baling ng tingin sa akin si Sy.

"Hmm hi baby!" Lumapit kaagad siya sa akin at niyakap ako. 

Manliligaw ba ito o boyfriend ko na? Ang feeling kasi kung nakayakap parang sinagot ko na.

"Bakit nga pala 'yong si Jelan ang nagbigay nang papeles sa akin? bakit hindi ikaw? ayaw mo na ba akong makita, huh?" Parang bata niyang tanong, tunog nag ta-tampo pa ito.

"Nah, nagsawa lang kasi ako sa mukha mo." Natatawa kong pang-aasar dito, kaagad siyang napabalikwas at tumingin sa akin nang may takot sa mga nata.

"Ano?! bakit? mahaba na ba buhok ko? Gusto mo mag pa gupit ako? o ibahin ko na lang ang style?" Kinakabahan niyang tanong at natataranta pa.

"No need, guwapo ka na naman, eh." Bigla naman siyang napa-ngisi.

"Swerte mo." Eh?

"Bakit ako?"

"Boyfriend mo kasi guwapo." Nagmamayabang ang itsura nito habang sinasabi iyon sa akin nang may pagmamalaki.

"Naku Sy, una hindi kita boyfriend at mas guwapo naman sayo si Simon no." Nanghahamon ang tingin ko rito,
bigla naman siyang sumimangot dahil sa sinabi ko.

"Not now but soon," he smirked, "I will assure you na ako ang magiging boyfriend mo at wala nang iba, baka nga maging asawa kaagad kita, eh." tinapik tapik nito ang ulo ko, "At sinabi mo bang mas guwapo si Simon? pff, alam naman nating hindi bagay sa iyong magsinungaling baby kaya tigilan mo na 'yan, huh?"

Ang yabang...

A/N:
Anong gusto niyong gawin ko kay Jelan? Anyway, message niyo ako sa sayout ko, ty and enjoy this chap!

sayout.me/say/missashemae

The Billionaires MaidWhere stories live. Discover now