CHAPTER 74- Two Problem

3.3K 92 6
                                    

Dumaan ang mga araw at naging okay naman ang lahat. Tungkol naman sa pageant, nanalo kami. Yes, subrang saya namin no'n, lumabas pa nga kami no'n, eh at 'yong tungkol naman sa kaguluhan na ginawa ni Sy? ayos na rin, nag-sorry 'yong emcee sa 'kin at sinabi niyang hindi naman daw niya sinadya na sabihin ang mga iyon kundi dahil lang daw iyon sa trabaho niya. Galit pa rin si Sy tungkol doon pero pinilit kong maiba ang iniisip niya, mas lumambing ako sa kaniya kaya nawala na doon ang atensiyon niya. Paaalisin niya nga sana 'yong emcee— I mean mawawalan sana siya ng trabaho pero talagang pinilit namin si Sy.

Tungkol naman doon sa sakit ni chang, naging maayos na rin pero kailangan pa raw ng pera para sa susunod na operasyon. Hindi ko pa rin sinabi kay Sy at Janine ang tungkol doon dahil alam ko nang mangingialam na naman si Sy.

Nawala agad ang atensiyon ko sa iniisip ko nang biglang tumunog ang cellphone ko.

"Hello?"

"Hello, is this Miss Portia Ele Del Gatilio?"

"Yes po."

"Good evening, ma'am. I just want to inform you na papalapit na po ang susunod na operasyon ng pasyente."

"Hmm, kailan po ba iyon Doc? para naman makahanda ako."

"We would like to operate next next week miss, if that's okay with you."

"Ayos na po iyon, Doc. Maraming salamat po."

"You're welcome, miss." At pinatay ko na ang tawag.

Next next week? naku, kailangan ko na namang makahanap ng ibang trabaho. 'Yong 1 day 1 pay agad.

Naglakad lakad na lang ako sa labas para naman maka amoy ng sariwang hangin.

"Hays, paano na kaya 'to?"

"Paano ang alin, baby?" Napatingin agad ako kay Sy na kakarating lang, ngitian ko lang siya.

"Hmm, wala." Hinalikan niya ang noo ko at niyakap ako galing sa likuran ko.

"Hmm, what are you doing here?" Sinulyapan ko siya at nginitian.

"Wala lang, gusto ko lang makita 'yong mga bituin at saka umamoy ng sariwang hangin." Naramdaman kong ipinatong niya 'yong ulo niya sa balikat ko.

"Hmm, may mas maganda pa riyan, wanna see?" Sinulyapan ko kaagad siya. Kuminang ata 'yong mata ko sa sinabi niya. Ngumisi lang siya sa 'kin.

"Talaga? ano naman "yon?" Sabik na sabi ko.

"Tara sa kuwarto." Nawala kaagad ang ngiti sa mukha ko dahil sa sinabi niya.

"Tangina mo naman." Tumawa lang siya roon. Ang manyak talaga nito.

"Oh, bakit totoo naman, ah tara na sa kuwarto."

"Tangina mo po." Inirapan ko ito.

"Joke lang, baby, hindi 'yon." Tinaasan ko lang siya ng kilay.

"Aalis tayo," Ayown, kuminang ulit 'yong mga mata ko sa tuwa at excitement na nararamdam

"Talaga?" tumango ito, "Saan tayo pupunta?" Kuryuso kong tanong dito.

"Hmm, sa lugar kung saan walang problema." Nagtaka ko siya tinignan.

"May ganoon ba?" Tinawanan niya lang ako.

"Syempre, may gano'n." Ngitian ko nalang siya. Excited na ako sa kung saan man niya ako dadalhin!

"Pasok na tayo, lumalamig na." Aya nito sa akin at hinila na ako papasok ng bahay.

Hating gabi na at 'di pa rin ako inaantok kakaisip sa susunod kong raket para naman mag ka-pera ako para sa dadating na operasyon ni chang.

"Jusko naman kasi, eh ano bang gagawin ko? Sa bar kaya? Hmm.. waiter— ay 'wag siguradong, hindi papayag si Sy 'pag nalaman niya."

"Ay, kainis naman!" Tumayo na agad ako at lumabas sa kuwarto. Iinom na lang ako ng tubig o kung ano, kakain na rin siguro. Nakakagutom pala mag-isip, no?

"wala namang tao rito." Nagpatuloy ako sa paglalakad.

"Wala paring tao," Hanggang sa nakarating ako sa kusina, pumunta ako sa harapan ng reef at kumuha nang maiinom at pagkain, syempre. Food si life ika nga nila.

"I'm done." Ilalagay ko na sana ito sa lababo nang may marinig ako nag-uusap sa kung saan.

"Kuya, nababaliw ka na ba?!asikasuhin mo 'yong kompanya!"

"I know but I should have time with my baby, hindi lang sa kompanya."

"I know kuya but our company is falling! makakahintay naman siguro si Ele."

"Tks! she can wait, but I can't wait, damn it!"

Ano raw? anong nagyari sa kompanya nila? ang tagal ko na bang nawala roon at bumaba na? gosh, ang taas taas naman ng kompanya nila, ah ba't bumaba?

"As much as I want to be with her then I don't have problem with the company."

"Ano?! tangina naman kuya, alam mo namang sigurong papa-uwi na si dad at mom."

"Magagawan ko pa ng paraan ang pagbalik ni mom and dad by that day babalik sa dati ang kompanya"

"Akala mo ba 'yon lang ang problema?how about Portia?"

"What about Portia?"

"Tks, alam mo na naman siguro kung gaano ka-taas ang standard ni mom at dad about your girl and Portia—"

"Shut up Janine! I dont want to talk this again."

"Tks! is that what you want?whatever!" Uuwi na sila? Uuwi na ang mama at papa nila? Patay!

The Billionaires MaidWhere stories live. Discover now