"Ako? bakit ako?" Nakangisi niyang sabi, namula kaagad ang pisnge ko.
"Amh, I m-mean ikaw 'di ba gutom kana k-kase gutom na rin ako. Kain na tayo, hehehe." Awkward naman ng hangin dito.
"Oh, if thats what you want." Nakataas kilay niyang sabi, bakla talaga 'to eh... poging bakla.
"Saan mo gusto?" Napatingin ako sa kanya, hindi ko alam dahil unang una hindi naman ako naka-punta rito. Pangalawa hindi ko alam ang mga pangalan ng mga pagka-inan rito.
"Mhh, hindi ko alam ang mga pagka-inan dito, eh." Parang tangang sagot ko.
"Well, is Jollibee okay with you?" Napangiti naman ako sa sinabi niya.
"Jollibe? naalala ko tuloy si terance." Naka-ngiting sabi ko, nakita ko kong paano kumunot ang noo niya at nag salubong ang kilay. Cute niya 'no hehehe kaso ang sungit.
"Who's terance?" Nagtatakang tanong niya habang papasok kami sa loob.
"Symon, kung pwede ikaw nalang ang pumila kasi hindi ako sanay, hindi naman kasi ako bumibili rito." Nahihiyang sabi ko rito. He tks-ed.
"Were not yet done. We will discuss about this Terance later." Mariin niyang sabi. Bakit parang galit siya? An'yare don?
"O-okay?" Mariin niya lang ulit akong tinignan at dumiresto na sa linya. Hindi ko nalang ito inisip at naghanap nalang ako ng ma-uupuan.
Sa wakas, sa ilang minutong paghahanap ko nakahanap rin ako ng mesa. Punoan kasi talaga, buti naka-hanap ako ng pang-dalawahang tao. Umupo nalang ako doon at naghintay kay Sy.
"Alam niyo girls no'ng nakapila ako roon, may nakatabi akong gwapo. Oh my god!!" Ang ingay naman nitong katabi kong table, puno ng mga babae, sinabayan pa nang mga tili nila.
"Talaga. Omg!! sana pala ako nalang ang pumila." Tumili ulit sila.
"Ano ba 'yan, ang i-ingay." Mahinang bulong ko. Napa-tingin naman sa 'kin 'yong mga babae at inirapan ako— teka teka, ako ba iniirapan nila? tks wala naman akong ginagawa ah, sila nga 'tong ang lalandi, tumitili pa. Ang ingay.
"Mhp, wag niyo nalang pansinin 'yang babae, hindi lang naka-pila kaya hindi nakita 'yong pogi." Nagsi-tanguan sila. Talaga! hindi na kailangang pumila at tyaka mas pogi naman ata si Symon— hoy walang malisya nag sasabi lang ako ng totoo.
"Hey," Nabalik ako sa wisyo ko nang marinig ko si Symon.
"Yeah?" Hindi ko na siya narinig dahil sa tili noong mga babae sa kabilang pwesto.
"Oh my god girls! siya 'yon... siya 'yong naka-tabi ko. Oh diba ang pogi."
"Oo nga ang pogi." Sangayon noong mga kasamahan nila. Napa-ngisi nalang ako, 'di ba sabi nila na na-iinggit lang ako dahil hindi ko nakita ang pogi, ows talaga 'di ko nakita? hindi ko nga nakatabi sa pilahan, hindi ko man nakita roon, nakita ko naman siya rito at kasama ko pa. Kayo ang ma-inggit ngayon!
"Sy, nandito ka na pala." Naka-ngiti kong sabi, kumunot lang ang noo niya.
"Who's Terance?" Hindi ba siya naka-get over doon?
"Ha? Amh—hehehe si Terance 'yong amo ko noon."
"Talaga?" Grabe ang sarcastic niya naman. Narinig kong nag singhapan ang mga babae sa gilid. Ano na naman ang problena ng mga babaeng ito?
"Omg girls, bakit nasa table nang inggitirang 'yan si pogi?"
"Ewan ko, baka naki-table. 'Di ba punoan?" Mga bulongan nila pero naririnig ko naman.
"Portia." Sa bigla ko napa-lingon ako sa kanya. Namula kaagad ako nang lumapat ang ilong niya sa pisnge ko.
"S-sorry, "Kaagad akong umatras. Narinig ko ulit ang mga 'oa' na singhapan nila.
"Amo mo? bakit naman naalala mo siya sa jollibee?" Napa-kamot naman ako sa batok ko.
"Eh kasi kapag lumalabas kami, sa jollibe niya ako palagi dinadala." Tinaasan niya muli ako nang kilay.
"Ah talaga, anong ginagawa niyo?" Napa-kunot naman ang noo ko.
"Ide syempre k-kumakain"Inilapit niya ang mukha niya sa akin.
"Bakit ka nauutal?" Napano ko ba 'to? bakit ang raming tanong niya?
"Bakit—" Naputol ang itatanong ko nang may umepal sa likuran ko.
"Excuse me pogi, hehehe my name is Ija pwede ka saming maki-table. You know, we have a vacant seat there." Sabay turo pa sa bakanteng upuan.
Pigilan niyo ko, susugurin ko talaga 'to. Anong sinasabi niya? Ang landi talaga nito.
Napatingin sa akin 'yong babae tyaka inirapan ako— at talagang... tignan natin ngayon.
"Baby, do you know her?"Malambing kong ani sabay lingon ko sa babaeng laglag na ang panga ngayon.
"Excuse me miss—mhh ija right? nakakaistorbo ka kasi sa date namin," Naka-ngisi kong sabi, nakita kong yumuko siya.
"S-sorry, akala namin—" Napa-irap nalang ako.
"Tks, akala niyo nakiki-table lang siya kaya niyo aayain tumi-ble sainyo. What a bitch style." Inirapan ko ulit ito, nakita kong umatras siya nang kaunti.
"Miss, you can go now. My girlfriend is so territorial and I as well." Napatingin ako kay Symon, mariin itong naka-tingin sa 'kin.
Anong problema niya?
A/N:
Si Symon at Portia ang patunay na mas masaya kapag walang label. Kaya sa mga may jowa jan, mag break na kayo tapos mag comeback kayo pero this time wala ng label HAHAHAHA.
YOU ARE READING
The Billionaires Maid
Romance[ completed &. edited ] billionaires #1 Symon Axel Santilian, a living Multi Billionaire, who hates noisy people. He doesn't like anyone wandering around inside his mansion. He hates gardening or even flowers. And for the record, he hates vegetables...