CHAPTER 44- Medicine

4K 126 0
                                    

"Hi, 'di ba ikaw 'yong secretary ni sir?pansin ko parati kang wala rito sa opisina, ah." Kaagad akong napa-tingin sa isang babae. Maganda siya at sexy rin pero hindi sa nang-iinsulto pero nerdy kasi style niya sa damit at mukha naman din siyang mabait kaya pwedeng namang siguro 'tong kausapin, 'di ba?

"Ah oo, ano kasi..." Ano bang sasabihin ko? na 'yong boss nila hindi ako pinagtra-trabaho? Oh god, ano na lang sasabihin nila.

"Ah.. hahaha okay lang kung hindi mo sabihin sa 'kin, sorry kung fc ako sa 'yo hehehe.." Nahihiyang sabi niya sabay kamot sa ulo.

"Ah, okay lang.." Nakangiti kong sabi sa kaniya, napangiti na lang din siya.

"Puwede bang makipag-kaibigan?..."

"Why not?" At 'yon na nga, naging magkaibigan nga kami sa kaunting oras na 'yon. Pansin ko lang sa kaniya na puro si Sy ang kinukuwento niya. Kung gaano raw 'to ka-sungit pero hot daw. Marami siyang kuwentong tungkol talaga lahat kay Sy, tapos tinatanong pa niya ako kung kaibigan ko raw si Sy o kung ano, dahil nakita raw niya kaming sabay na bumaba sa sasakyan niya. Kinabahan ako roon nang kaunti pero noong sinabi niyang baka guni guni raw lang niya 'yon dahil paano raw kami magkakasabay, eh secretay lang naman ako.

Pansin ko rin, parang gusto niya si Sy, at wala namang masama doon 'di ba? Sa guwapo ba naman kasi ni Symon, 'di na rin nakakapagtaka.

"Hmm Ele, food daw bigay ni sir, hindi ka raw kasi bumaba noong break time." Hindi nga ako bumaba dahil madami akong inaasikaso sa mga papeles ni Sy na kailangan niyang pirmahan.

"Ahhh.. sige, thank you, pakisabi na ring thank you sa kaniya hehehe." Naka-ngiti kong sabi, nagulat ako nang nakita ko sa gilid nang mata ko ang galit sa mata ni Jelan.

Jelan ang pangalan noong kaninang kumausap sa akin.

"Ah.. ano tinatawag ka rin kasi niya." Natigilan ako sa sanang sasabihin nang magsalita si Jelan.

"No need, kung may kailangan siya ako na lang tutal kakain pa si Ele." Bigla akong nagtaka doon.

"Ah? hindi, eh gusto niya raw si Ele talaga." Nakita kong mas lalong naiinis si Jelan doon.

Halatang halata na gusto niya si Sy,
mabait naman siya o baka naman nag ba-bait baitan lang siya dahil sa koneksyon ko kay Sy.

"No, ako na Jela, kaya ko naman." Bumaling ang inis na tingin ni Jelan sa akin.

"No, 'di ba sabi ko kaibigan na tayo? kaya ako mun, kakain ka pa naman, siguradong gutom ka na." Umiling lang ako.

Bakit pinagpipilitan niya pa? Sabing ako na, eh

"Trabaho ko namang paglingkudan siya, eh kaya ayos lang." Tumayo na ako at astang aalis na pero pinigilan niya ang kamay ko. Pagsasabihan ko na sana siya nang may nag-salita sa likuran mo.

"Ele, pasensiya na talaga pero dapat ka na talagang pumunta kay Sir, galit na kasi eh.." Mabilis kong hinawi ang kamay ni Jelan sa kamay ko at pumunta na sa opisina ni Sy.

"Symon..." Mahinang sabi ko, nadatnan ko kasi siyang hininilot ang sintido kaya malamang at galit nga.

"What take you so long?" Galit niyang tanong. Sabi sa inyo eh.

"Ano kasi... Si Jelan-"

"Who's that? is that a boy or a girl?" Inis niyang sabi tanong, napairap naman ako.

"Obviously, a girl of course." Doon na nawala ang pagkainis niya saka bumalik ito sa mapupungay at naglalambing na mata.

"Come here baby, I need energy..."

"Bigyan kita kuryente?" Pilosong sabi ko, natawa lang siya sa akin.

"Sure, why not? I want yakapsul and kisspirin for my energy... can you give it to me?" Ako naman ngayon ang natawa dahil sa sinabi niya.

"Badoy mo Sy."

"Mahal mo namam..." Inisang hakbang niya ang pagitan namin at hinigit ako sa mainit na yakap.

"Hmm, I'm full now."

"Busog ka? Anong kinain mo?"

"Ikaw." Biglang nag-int ang pisngi ko.

"Ang manyak mo Sy." Sabay irap ko kahit hindi niya naman nakikita dahil naka-yakap pa rin siya sa 'kin hanggang ngayon.

Pagod na pagod talaga siguro siya.

"Anong gusto mo? sa iba ako manyak-" Kaagad ko siya pinutol.

"Sa akin lang!" Buong lakas ko na sigaw, bigla siyang umalis sa pagkakayakap sa akin at ngaumising tumingin sa akin.

"Sure, baby." Doon lang ako bumalik sa reyalidad at napagtanto ang kabaliwalang sinabi ko.

Ano ba Portia Ele?! Ang tanga mo!

The Billionaires MaidWhere stories live. Discover now