Binaba kaagad ako nang driver sa tapat ng building, ihahatid niya pa sana ako kaso umayaw na lang ako, subra na 'pag gano'n. May ihahatid pa naman siyang iba. Si Janine naman kasi binantaan pa si manong driver na kapag daw may nangyari sa akin o nagasgasan, eh malalagot siya, ayon tuloy kabadong kabado si manong driver. Napabuntong hininga na lang ako.
Pumasok kaagad ako sa loob nang building, nagtaka pa nga 'yong guard kung bakit daw nandito ako sa gan'tong oras, tinanong pa ako kung ano raw ang ginagawa ko rito. Sinabi ko sa kaniya na kakilala ko si Symon, hindi siya naniwala noong una pero pinilit nang pinilit ko hanggang sa sumuko na siya. Sinabihan pa ako no'ng guard na pumunta lang daw ako doon sa babaeng nasa front desk kaya sinunud ko na lang siya.
"Good evening ma'am. What can I do for you, ma'am?" Masiglang bati nito habang ngiting ngiti pa. Hindi ba siya pagod? nakatayo lang ata siya dito sa front desk simula umaga, eh kung ako nyan uupo talaga ako, nakakapagod kaya.
"Ah, H-hello, Good evening too, amh.. I'm looking for Symon?" Nahihiyang tanong ko. Nakakahiya ata 'tong ginagawa ko, tinanong ko ba naman kung nasaan 'yong CEO rito na para bang ang dali lang gawin no'n.
Tinignan ako mula ulo hanggang paa noong babae, bumaba tuloy ang tingin ko sa sarili ko. Maayos naman ang suot ko, okay na siguro para pumayag siya 'di ba? Tinignan ko ulit siya at naka-taas na ang kilay niy ngayon habang pinagmamasdan ako nang maigi.
"Do you have a schedule with Mr. Santilian, ma'am?" She asked politely. Kinabahan ako bigla sa sinabi niya. Kailangan pa ba 'yon? Napakamot tuloy ako sa ulo ko, mas lalo tuloy akong pinagmasdan noong babae nang mahalata niya atang kinakabahan ako.
"Amh, no I dont have, b-but you can tell him it's me...." Kinakabahan kong sabi rito.
"I'm sorry ma'am, were not allowed to call him directly just by saying that you're here, but give me a minute ma'am i'm going to leave a message in his office." Tinaasan niya pa ako ng kilay pagkatapos no'n. Marahan na lang akong tumango at napapahiyang gumilid dahil sininyasan niya akong maghintay.
Nilibot ko ang paningin ko at naghahanap ng mauupuan dahil parang matatagalan pa siya sa ginagawa niya. Alam kong busy iyong babae dahil no'ng pagdating ko ay may binabasa siyang mga papeles o kaya naman pinipirmahan niya pa iyon. Naabala ko pa siya sa ginagawa niya, dapat pala hinintay ko na lang talaga si Sy sa bahay, eh. Kung umuwi na lang kaya ako?
Dumaan pa ang mga ilang minuto sa paghihintay ay hindi pa rin ako tinawag no'ng babae. Napabuntong hininga na lang ako at nilibot ulit ang paningin ko, marami rami pa naman ang tao kaya ayos lang pero mayamaya nararamdaman ko na lang ang sarili kong pumipikit na.
"Sir, may meeting pa po kayo pagkatapos nito, tapos may schedule pa po kayo for the latest report and also dinner with Miss. Resyan." Nasapo ko na lang ang noo ko sa dami ng sinabi ng sekretarya ko. Ang dami kong meeting na skip, mhh but I really miss my baby.
"Sir, alin po 'yong uunahin niyo sa mga meeting?" Sa mga... ang dami, mukhang matatagalan ako bago maka-uwi sa bahay.
"I should go first to Miss. Resyan and the rest is tommorow." Tumango tango naman ang sekretarya ko.
"Sure, sir I-reschedule ko na lang po ulit 'tong mga natira ngayong araw."
"Okay, thats for to night, you can go." Napangiti naman ang sekretarya ko sa sinabi ko.
"Thank you sir and have a good night." Tumango lang ako,
Sumakay kaagad ako sa elevator para maka-baba, "Good evening sir" Lahat ng tao sa hallway ay bumati kaagad sa akin, ang iba ay yumuyuko na lang bilang tanda ng paggalang. Tinanguan ko lang silang lahat.
"Ms. Irish," Tawag ko sa assign sa front desk.
"S-sir? good evening po." Tumango lang ako.
"Cancel the rest of my meeting." Tumango lang siya at kaagad kinalikot ang mga papelis. Kaagad naman akong tumalikod na.
"Sir?" Napalingon ulit ako ng tawagin niya ako,
"What" Pagod kong tanong dito.
"Amh, may naghahanap po kasi sa inyo kanina." Napataas tuloy ang kilay ko.
"Who?" Bagot kong sabi. I'm tired, okay? so this feeling is normal.
"Hindi ko po alam," What? What the fuck— Inis akong napatingin sa kaniya. Is she serious?
"P-pero, s-sir n-nandoon po ata siya sa waiting area." God, should I fire her for not taking her job seriously? pero dahil pagod na ako ay tumango na lang ako at dumiretso na sa waiting area.
I dinial ko ang numero ng secretary ko, "Hello, text Miss Reysan that I will be late, give me 10 mins." Kaagad kong pinatay ang tawag.
inilibot ko ang paningin ko at hinanap ang kung sino mang hinahanap ako.
Napatingil ako sa pagtingin nang may mapansin akong familiar na buhok.Fuck—
"Hey, baby wake up." Ramdam kong parang may bumubulong sa tainga ko. Hinawi ko 'yon at gumilid pa.
"Hey baby, damn." Kainis naman 'to, eh. Kitang natutulog 'yong tao.
"5 minutes, please?" Irita kong sabi. Nang naramandaman kong tumigil na siya ay dahan dahan kong idinilat ang mata ko at naramdaman ko na lang na may dumaping malambot na bagay sa labi ko.
"Ay— Symon!" Irita kong singhal rito, itinigil naman niya ang paghalik sa akin at tumingin sa 'kin na pagod na pagod.
"What are you doing here?" Malumanay niyang sabi.
"Amh, susunduin sana kita at dinalhan kita ng food.... ay! shit 'yong pagkain, argh! hindi na masarap!" Pagmamaktol ko pa nang makitang hindi na mainit ang lalagyan.
"What do you mean? ilang minuto kang naghintay sa akin?" Minuto? baka oras Sy.
"Oras baby, mhhh.. I think 3 hours." Nagbago kaagad ang mukha niya sa sinabi ko.
"Too long for you, you should just go straight to my office." Napangiwi tuloy ako sa sinabi niya.
"Nakakahiya naman kyng gano'n, tinanong ko 'yong babae kanina kung puwede ba pero sabi niya kung may schedule ba raw ako kaso wala, eh kaya naghintay na lang ako rito."
"Who?" Takang tanong niya.
"Ayon oh, 'yong babae sa front desk." Aabay turo ko nga doon. Inis naman siyang napabaling doon.
"Let's go." Hinila niya kaagad ako papunta doon.
"You're fired." Gulat akong napatingin kay Sy dahil sa sinabi niya, nagulat din 'yong babae.
"Huh? s-sir, w-wala naman po a-akong maling g-ginawa," Utal utal na sabi niya. Halata ritong nagulat talaga siya sa sinabi ni Symon, at halata ring kinakabahan siya sa mga oras na 'to.
"I don't need your explanation, just leave and never comeback." He said with a cold voice.
"Symon," Mahinang saway ko sa kaniya pero hindi niya ako pinansin.
"Sir, please? bigyan niyo pa ako ng chance." Naawa naman kaagad ako sa babae no'ng nagmakaawa na.
"Chance you say? no. Hinayaan mong maghintay ang baby ko ng tatlong oras and you're asking for a chance? nah, never." Ano raw? nalaglag ang panga ko sa sinabi niya. 'Yon lang? 'yon lang ang dahilan niya para sesantihin yong babae?
"S-sir, hindi ko naman po alam na g-girlfriend niyo po pala siya." Tinignan ako no'ng babae at parang humihingi pa ng tulong.
"Tama siya naman Sy, hindi naman niya alam, eh." Pangungunbinsi ko pa rito.
"Oh, c'mon baby, let's just go, i'm fucking tired, I want cuddle." Parang bata niyang reklamo. Nalaglag ulit ang panga ko ko sa gulat. What the— wala ba siya hiya na sabihin iyon sa harapan ng maraming tao? Nasampal ko na lang ang noo ko at hindi siya makapaniwalang tinignan.
Inosente niya akong tinignan at ang mga mata nito ay parang nagtatanong pa kung anong maling ginawa nito.
Seriously, Sy?
YOU ARE READING
The Billionaires Maid
Romance[ completed &. edited ] billionaires #1 Symon Axel Santilian, a living Multi Billionaire, who hates noisy people. He doesn't like anyone wandering around inside his mansion. He hates gardening or even flowers. And for the record, he hates vegetables...