"Ang daya mo Sy. Nagpapanggap ka lang palang natutulog." Parang nag tatampong sabi ko
"HAHAHA, kanina pa kaya kita naririnig sa labas ng pinto." Namula naman kaagad ako nang malala na ako pala ang password niya.
"K-kakain na kasi tayo kaya ako nandito." Pag-iiba ko kaagad ng topic. Pinilit kong alisin ang kamay na naka-pulupot sa bewang ko.
"That's good, I'm hungry." Kinalas na rin niya ang pagkaka-pulupot sa akin.
"T-tara na," Mahinang bulong ko dahil hindi pa siya kumikilos, naka-higa lang siya sa kama at parang may iniisip.
"Hoy!" Tinapik ko ang kamay niya para tumayo na siya, tinignan niya lang ako, nagulat nalang ako ng bigla itong ngumisi.
Ano na naman kayang iniisip nito?
"last time I checked. I want food like— " Umupo siya sa kama at inilagay ang hintuturo sa ulo niya na parang may iniisip.
"Like?" kinakabahang tanong ko.
"Like you... I want you, can I?" Nakangisi niyang sabi, namula naman kaagad ako.
"Bahala ka na nga jan!" Mabilis akong lumayo dito, narinig ko pa ang malakas niyang pagtawa bago ako tuluyang nakaalis sa kwarto niya.
Kung tatanggalin niya ako, bahala siya! Naaasar ako sa kanya, pero bakit namumula ang pisnge ko? Dala lang ba 'to ng inis? Mhp! Mas lalo tuloy naaasar. Pati kasi katawan ko ay ayaw sumunod sa akin, gustong gusto pa atang magpakulong do'n kasama siya.
"Hey, baby I'm sorry." Tinapunan ko ito ng matalim na tingin pero nawala kaagad 'yon no'ng makita ko siya. Nakaboxer lang pala siya kanina? All this time? Omg, mas lalo tuloy namula ang pisnge ko.
"Baby mo, mukha mo." Mariin kong sabi. Umiwas ako ng tingin at padabog akong umupo sa upuan. Naka-ngisi naman siya sumunod sa 'kin
"Sorry na," Malambing niyang sabi. Nakaramdam ako ng kong ano sa tiyan ko pero hindi parin ako madadala sa kanya.
"Hindi bagay sa 'yo." pero ang totoo bagay na bagay. Konting push pa at bibigay na ata ako sa kanya... teka nga, akala ko ba hindi ako bibigay? eh kasi naman eh! ang cute-cute niya!
"Mhh, talaga? bakit iba ang sinasabi ng mga mata mo?" Naka-ngisi niyang sabi. Seriously nakikita ba 'yon sa mata? Hindi naman siguro halatang halata sa 'kin na nacucute-tan ako sa kanya ah.
"What's that? "Basag niya sa katahimikan no'ng hindi ako sumagot sa kanya. Umupo naman siya sa harap ko habahg tinitignan ang niluto kong gulay, parang nandidiri pa siya roon.
"Pagkain." Bagot kong sabi.
"What kind of food is that?" Napa-ngisi ako sa sinabi niya, kani-kanina lang eh nag iisip ako kong magugustuhan niya ba 'to. Dahil na bad mood ako sa kalandian niya maglalaro muna tayo sa prinsipeng ito.
"Penakbet po prinsipe," Magalang kong sabi, kumunot naman ang noo niya.
"Hindi ako kumakain ng ganyan." Maslalo akong napa-ngisi, samatalang siya ay nasa pagkain parin ang tingin, diring diri dito.
"Oh wait— " Nagulat ako nang may mapaglarong ngisi ang binigay niya sa 'kin.
"Feed me." Kampanteng sabi niya, laglag naman ang panga ko.
"Ayoko." Mariin kong sabi. Nag simula na akong kumain habang siya ay nakatingin lang sa pag-kain at pabalik sa 'kin.
"C'mon you can eat that by your own." Frustrated kong sabi, baliktarin man ang mundo AYAW parin. Nagulat nalang ako nang kinuha niya ang cellphone niya at mukhang may tatawagan pa.
"Yes Marie.. oh you're free? I'm here... yes alone... can you perhaps accompany me?—" Mabilis pa sa alas kwatrong tumayo ako at umupo sa hita niya, mabilis kong sinubo sa naka-ngangang bibig niya ang pagkain.
"I will feed you, so stop it." Matalim kong sabi sa kanya.
A/N:
May subuan nang nagaganap, What's next? Naku Sy, no'ng nagpaulan ng katalinuhan nando'n ka sa labas lumalangoy HAHAHA. Bilib na ako sa 'yo Sy.
YOU ARE READING
The Billionaires Maid
Romance[ completed &. edited ] billionaires #1 Symon Axel Santilian, a living Multi Billionaire, who hates noisy people. He doesn't like anyone wandering around inside his mansion. He hates gardening or even flowers. And for the record, he hates vegetables...