CALIFORNIA
"BERNARD Fortalejo," marahang pag-ulit ni Joshua sa binanggit na pangalan ni Rustico Galvez. Pagkuwan ay nilingon si Diana na bale-walang umabot ng napkin at nagpunas ng bibig.
"Hindi ko alam na kakilala mo ang mga Fortalejo, Rustico," kalmanteng wika ni Diana bago sumubong muli ng pagkain.
Malayong kamag-anak na ni Joshua si Rustico Galvez at hindi naman ganoon kalapit ang dalawa. Subalit sa isang bansang tulad ng Amerika ay hindi maiwasang hindi sila magkalapit. At lalong higit ang mga anak nilang babae—si Dana at si Cielo. Ganoon man ay walang alam ang mag-asawang Galvez sa naging buhay ni Diana bago ito pinakasalan ni Joshua. Na minsan ay napaugnay siya sa buhay ni Bernard Fortalejo.
At naroon silang mag-anak sa tahanan ng mga Galvez dahil sa imbitasyon ni Elvira, ang asawa ni Rustico, para sa isang salusalo. Isang anunsiyo sa nalalapit na pakikipagkasundo ng panganay na anak ng mga itong si Cielo sa anak ni Bernard Fortalejo. Isang malalim na paghinga ang pinakawalan ni Rustico. Inabot ang tubig at uminom bago nagsalita.
"Magkaklase kami ni Bernard sa UT, Diana," sagot nito na nilinga ang asawa at matabang na ngumiti. "Dahil parehong Pilipino ay madaling nahulog ang loob namin sa isa't isa at naging magkaibigan. Pareho pa kaming mga bata noon. Minsan ay nakatuwaan naming pag-usapan na kung magkaasawa kami at magkakaanak ay ipagkakasundo namin sa isa't isa. Way back then, it was one of those things na sinasabi kapag bata ka pa..."
"If he hadn't become what he is now, then you could forget all about it, honey," agap ni Elvira sa sinasabi ng asawa. "Kailangan mong maging praktikal sa buhay. At hindi basta-basta ang mga Fortalejo."
Napailing si Rustico sa sinabi ng asawa. Muling tiningnan si Diana at nagpatuloy, "Nasa party kami ng boss ko na hindi ko alam ay business associate ni Bernard. Nagkagulatan pa kami. At hindi sinasadyang nabanggit ko nang pabiro ang tungkol sa usapang iyon. But Elvira here made it sure na maipasok sa isip ni Bernard na hindi iyon biro at taglay ko sa isip ko."
"Natural, Rustico!" mariing sabi ni Elvira. "Kung isang Fortalejo ang mapapangasawa ni Cielo ay mapapanatag ako!"
"Deci-nueve años pa lang ang anak mo, Elvira, at hindi gusto ni Cielo ang ginagawa mo," kontra ni Rustico sa asawa.
"Sa ngayon lang hindi magugustuhan ni Cielo ang mga plano ko, honey. Kapag natikman ng anak mo ang magbuhay-prinsesa'y pasasalamatan pa ako niyan."
Nagkatinginan sina Joshua at Diana sa pagtatalo ng mag-asawa sa harap ng mesa. Parehong nakita ng mga ito ang pagnanais ni Elvira na mapabilang ang pamilya sa angkan ng mga tinitingalang Fortalejo. At sa wari ay walang magawa si Rustico sa gustong mangyari ng asawa.
"Honorableng tao si Bernard, Elvira. May isang salita, kaya hindi ka niya napahindian. Pero sa nakikita ko'y hindi niya gugustuhing ipilit sa anak niya ang sinasabi mo."
"Maganda ang anak mo, Rustico. Matalino. Wala kang dapat ikahiya. Tinanggap nila ang photograph ng ating si Cielo upang ipakita sa kanyang binata. At tapos na ang usapan. Hinihintay na lang natin ang overseas call ni Bernard Fortalejo kung kailan pauuwiin sa Pilipinas si Cielo upang magkakilala ang dalawa."
Tumikhim si Joshua upang putulin ang pagtatalo ng mag-asawa.
"Gusto ba ni Cielo na mapangasawa ang anak ni Bernard, Elvira?"
Nagkibit ng mga balikat si Elvira at nasisiyahang ngumiti. "Masunuring bata si Cielo, Joshua. Kung ano ang gusto ko'y susundin niya. Hindi tanga ang anak ko upang hindi niya ibigin ang isang tulad ni Leonard Fortalejo na kung ang anyo ng ama ang pagbabasehan ay tiyak na magandang lalaki rin ito. Not to mention that they're one of the richest in the Philippines!"
Nilinga ni Joshua ang asawa. Nagkibit ng mga balikat si Diana. Hindi miminsang ipinaramdam sa kanya ni Elvira ang pagkainggit sa kanila dahil higit silang nakaaangat sa buhay kompara kay Rustico na hanggang sa mga sandaling iyon ay nananatiling empleyado.
Sinulyapan ni Diana si Rustico. Nasa anyo nito ang kawalang-magawa at nakadama siya ng habag dito. Isa si Elvira sa mga manipulative na asawang nakilala niya. At isa rin si Rustico sa mga asawang lalaking hindi magawang ilagay ang asawang babae sa dapat kalagyan.
Nilingon niya si Joshua and she smiled lovingly. Joshua was a gentleman. But he wasn't the one to be pushed aside. At alam ni Diana kung kailan hihintuan ang provocation sa asawa.
Pagkuwan ay naalala si Bernard Fortalejo. Sa nakalipas na mga taon ay hindi miminsang nakita niya sa mga social column ang mag-asawang Fortalejo. At hindi rin miminsang kinapa niya ang sarili kung pinagsisihan niyang ipa-annul ang kasal kay Bernard may dalawampu't dalawang taon na ngayon ang nakararaan.
With Joshua, she had never been happier and contented. She had done the right thing. She had made them all happy. Bernard had gone back to Jewel's arms at sa pagkakaalam niya ay dalawang babae pa ang naging anak ng mag-asawa bukod sa panganay na lalaki.
Joshua might never be as powerful and rich as Bernard. But he made her feel loved, secure and contented. Hindi niya kailanman naramdamang naging kaagaw niya ang kahit na ano o sino sa buhay nito. Para kay Joshua ay sumisikat at lumulubog ang araw sa kanya. Sa kanila ni Dana. Hindi katulad noong panahong magkasama sila ni Bernard, na simula pa lang ay naramdaman na niyang may ibang babaeng nasa tagong bahagi ng puso nito. And Bernard had never realized just how sick and scared she was.
Marahil dahil hindi siya ang sentro ng atensiyon ni Bernard... O marahil dahil sa kompanya na noon ay sinisimulang hawakan at palaguin nito... O marahil, dahil naroon ang mga di-malimot na alaala ng una nitong pag-ibig... O dahil sadyang hindi ganoon kalalim ang pag-ibig niya sa lalaki.
In all fairness to Bernard, simula pa lang nang magtagpo sila ay hindi nito ikinaila na gusto nitong makalimot sa piling niya.
"Go to hell!"
"Believe me, my love, I've been there. At gusto kong lumabas sandali at ikaw ang pases ko roon. Tonight."
Diana sighed at the memories. Maraming kahulugan ang sinabing iyon ni Bernard sa rooftop ng Kristine Hotel and Resort. Pumasok na sa isip niya sandali iyon. But like the next woman, she fell for the charming and gorgeous Bernard Fortalejo. Sinong babae ang hindi? But falling and loving were two different things.
She thought she loved him. He was kind, thoughtful, and everything a woman could ask for. But she was wrong. Later, she had realized that Bernard was her possession. Security blanket sa magulo niyang buhay bago siya natagpuan ng lolo niya at nang mamatay ang matanda. But she had been foolish to think that she could possess the mighty Fortalejo.
Huminga nang malalim si Diana at ginagap ang kamay ng asawa. Niyuko siya ni Joshua and smiled down at her lovingly. Tila nababasa ang laman ng isip niya.
At habang patuloy sa marahang pagtatalo si Rustico at Elvira ay bumulong si Joshua sa asawa.
"I love you..."
"And I love you back, darling."
*************Hello kay Ihgie na true frends ng Bookada at 2joints . Thank you sa patuloy na pagsuporta at pagcocollect ng mga books ni Ms. MC . See you soon beshie Ihgie. :) Take care and God bless. :) - Admin A ************************
BINABASA MO ANG
Kristine 16 - Hasta La Proxima Vez (Till Next Time) (UNEDITED) (COMPLETED)
RomanceDana Isabella-Diana and Joshua's daughter- was curiously reading her dead grandmother's diary nang sa pag-angat niya ng ulo'y kakaiba na ang kanyang kapaligiran. She was in the same house... the same room and the same bed... tamang oras, araw, at bu...