31

14.8K 504 20
                                    


"THOUGH I am enjoying this place, Dana, importante pa rin sa aking magkita kami ni Cielo. At ni hindi ko alam kung paano mong nagawang magtungo riyan sa villa nang hindi nagpapaalam sa akin..." naghihinanakit na sabi ni Charles sa kabilang linya.

"Hindi ko intensiyong dito magtuloy, Charles. I got lost," paliwanag niya. "And be patient. Tumawag na si Tita Elvira dito nang dalawang beses at alam na sumunod ka. She was so angry at natakot na naman niya si Cielo. And Cielo's determined to follow her mother's wishes now more than ever dahil nakiusap na rin pati si Tito Rustico."

Napaungol si Charles. "Let me talk to her. I'll put some sense into her head..." Gustong mag-panic ng binata. "And Dana, apart from being very rich, I've heard that this Lenny Fortalejo is so attractive that I think Cielo might have—"

"Nonsense!" awat niya sa sinasabi nito. "Mahal ka ni Cielo. I know that for sure. And you are a good-looking man, too. I'll talk to her. Give me time." Pinayapa niya ang loob ni Charles bago niya tuluyang ibinaba ang telepono.

Pabalik na siya sa guest room nang mapunang nakatayo sa may entrada ng bahay si Lenny. The sun from the outside silhouetted his back at hindi agad niya makita ang mukha nito. Pero hindi niya maintindihan kung bakit nagsimula siyang kabahan.

"Kausap mo ang boyfriend mo sa hotel?" The all-so-familiar voice echoed through the hall. Deep and mellow. It ran up her spine like velvet claws.

"L-Leon?"

Nagsalubong ang mga kilay ni Lenny at humakbang papasok sa kabahayan. Ang nagpuputik na riding boots ay gumawa ng bakas sa vigan tiles.

"Alam kong kahawig ko ang Lolo. Many times in my life, hindi nagkukulang sa pagsasabi niyan ang matatanda sa islang ito. I wished I had the chance of meeting my own grandfather. I heard so many tales about him. But he died even before I was born. But for the life of me, I couldn't understand why everytime you see me, you whispered his name," he said in supreme annoyance.

Lihim na napaungol si Dana. She couldn't be this foolish everytime she met the grandson. Sinikap niyang salubungin ang nang-uuring mga mata nito.

"W-where's Cielo?"

"Forget her!" he said sharply. "Sagutin mo ang gusto kong malaman. Bakit lagi mo akong tinatawag na Leon? Ano ang ginagawa mo sa family mausuleo?"

Naningkit ang mga mata ng dalaga. "Guest ako ng hotel. Nangabayo ako and I got lost and don't snap at me!"

"Got lost!" he countered. "Nakausap na ng Uncle Nathaniel ang groom na nagbigay sa iyo ng kabayo. Hindi pa man tinatanong iyong tao'y nagsabi na ng totoo. You bribed the poor man. And that really puzzles me."

Biglang nagbago ang anyo ng dalaga. Sa nag-aalalang mga mata'y tumingala siya sa binata.

"P-please... h-hindi niya gustong ituro sa akin ang daan. Pinilit ko siya. Huwag ninyo siyang tanggalan ng trabaho..."

"Kung nagawa niya sa iyo'y gagawin din niya sa ibang guest na bibigyan siya ng pera. At mawawalan ng privacy ang lugar na ito sa mga katulad mo."

Nanlumo ang dalaga. Kasalanan pa niyang mawalan ng trabaho ang groom. Hindi niya kayang dalhin sa konsiyensiya iyon.

"W-what do you want me to do para huwag siyang matanggal sa trabaho?"

"Try honesty." Bumaba ang tinig ni Lenny. And with a conceal amusement, hindi nito maawat ang sariling hindi pag-aralan ang dalaga. A face that launched a thousand ships. She could be Helen of Troy incarnate. And her eyes, surely more than one man had lost himself in them and despaired of ever finding his way out.

And he hadn't seen her smile yet. Would she be as lovely?You wouldn't believe me kung sasabihin ko ang totoo, sa isip ni Dana.

"Is... is curiosity sufficient enough?"

"Try harder. Sinabi ng curator na nagkainteres ka sa isang painting ni Señor Leon. Itinanong mo kung naroon pa ang lugar na iyon at kung paano pupunta roon. You even lied about being a writer."

Nanlaki ang mga mata ng dalaga. Hindi makapaniwalang napaimbestigahan na kaagad siya. "Who are you people? The NBI? CIA...?"

"We have strict rules for our guests, Miss Romulo. And we value the privacy and security of this island so much."

Huminga nang malalim ang dalaga. "Just plain curiosity, Mr. Fortalejo. That's all there is to it. Nothing more, nothing less. If you cannot believe that, then that is your problem."

Muling tinitigan ni Lenny ang dalaga. Nakita nito ang sandaling paniningkit ng mga mata ni Dana, then to weariness.

"Pagdating ko kagabi'y sinabi ni Mama kung sino ka. Kung kanino kang anak. Were you curious why your mother annulled the marriage? O nanghihinayang ka dahil iniwan ng mother mo ang ganitong uri ng kalagayan?"

"Why you—!" Kung ano man ang sasabihin ni Dana'y napigil nang sa sulok ng mga mata'y makita ang pagbaba ni Jewel sa hagdan. Sa nagpupuyos na loob ay mabilis na lumakad patungo sa guest room.

"Ano ba ang pinagsasasabi mong bata ka," saway ni Jewel sa anak nang makababa.

Nagkibit ng mga balikat si Lenny. Naupo sa sofa at hinubad ang nagpuputik na boots.

"Ano ang nangyayari sa iyo, Leonard? Hindi ba napag-usapan na nating hindi mo na kailangang sitahin pa si Dana kung bakit nasa private premises siya? She is Cielo's cousin. And Diana's daughter. Not really a stranger for that matter."

Hindi sumagot ang binata at inihilig ang ulo sa sandalan at tumingin sa kisame. Hindi rin niya maintindihan ang sarili kung bakit kailangang inisin niya si Dana. Much as he disliked it, nagsisiksik sa isip niya ang mukha ng dalaga parati magmula nang makita niya ito sa mausuleo tatlong araw na ang nakararaan.

Kahapon maghapon ay sila ni Cielo ang magkasama. Subalit ang isip niya'y naglalakbay kay Dana. Tumingin siya sa ina.

"Twice, she called me Leon..."

"The first four letters of your name," walang-anumang sagot ni Jewel. "What is so unusual about that."

"'Ma, walang tumatawag sa akin nang ganyan kahit na sino. Alam mo iyan. She was the first. At nang una niyang sabihin sa akin iyon ay nang magkamalay siya at mamulatan niya ako. And she did the same thing today, nang malingunan niya ako sa pinto. Surely, that's strange."

"Gusto ka niyang tawaging Leon. Ano ang masama roon?"

"Yeah..." mabuway na sang-ayon ng binata at tumayo. "I'll take a shower..."

"Nasaan si Cielo?"

"Nasa kabilang farm. Inimbitahan ni Auntie Emerald na doon mananghalian."

Kristine 16 - Hasta La Proxima Vez (Till Next Time) (UNEDITED) (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon