41

16K 580 32
                                    


NI HINDI nakuhang kumawala ni Dana mula sa mga bisig ni Lenny; na sa palagay niya'y wala rin namang intensiyong pakawalan siya sa kabila ng pagpasok ng mga magulang.

"Oh!" banayad na bulalas ni Jewel nang abutan sila sa ganoong ayos. At akma itong aatras kasabay ng paghila sa braso ng asawa subalit pinigil ni Lenny ang ina.

"It is all right, Mama... Papa," wika ng binata. Ang isang kamay ay bumaba sa baywang ni Dana. Bahagya lang lumuwag ang pagkakahawak nito, but still she couldn't set herself free from his hold. "There's no need to leave the room."

"Que paso?" usisa ni Bernard na matapos sulyapan ang anak ay ibinaling kay Dana ang paningin na agad na nagyuko ng ulo. "Sinabi ni Renz na nahilo ka, hija..."

Hindi malaman ng dalaga kung saan ibabaling ang paningin. Hindi niya magawang salubungin ang tingin ni Jewel at Bernard. Alam niyang namumula siya sa kahihiyan subalit ang hindi niya matiyak ay kung nakabakas pa sa mukha niya ang telltale ng lovemakings ni Lenny.And damn him for putting her in this predicament!

"Y-yes. B-but—"

"It must be the heat..." agap ni Jewel sa mabuway na tinig nang makitang hindi malaman ni Dana ang sasabihin. Kunot ang noo at nagdududang tinitigan ang anak. Pagkatapos ay inilipat ang tingin kay Dana. "or it could be from the unexpected announcement," matabang nitong idinagdag. "Are you all right, Dana?"

"I–I'm fine, ma'am. T-thank you..." How she wished na sana'y bumuka ang sahig at lamunin siya. O di kaya'y maglaho siyang parang bula sa matinding kahihiyan.

Sa disimuladong paraan ay kumawala siya at sa nanginginig na mga binti'y humakbang patungo sa settee at umupo.

"What was that announcement all about, Leonard?" sita ni Jewel sa anak. "Was it for real?"

"Naturalmente, Mama," mabilis na sagot ni Lenny. Sandaling nilingon ang dalaga na ang akmang pagpoprotesta'y napigil. "An important announcement such that couldn't be a joke. Could it?"

"Claro que si," sagot ni Bernard. A mysterious smile was lurking behind the formal tone. "Sa harap ng mga kamag-anak at mga kaibigan natin, hindi biro iyon, darling," wika nito kay Jewel.

"Then you both owe us an explanation." si Jewel na umiiling. "Bakit nagkabaliktad yata ang mga pangyayari? Cielo was supposed to be your fiancée, Lenny?"

"I–I can explain—"

"Allow me the explaining, sweetheart," agap ni Lenny sa sinasabi ni Dana, in a voice that was a little too sweet. May emphasis ang endearment bilang warning. Binalingan ang mga magulang at pinaglipat-lipat ang tingin sa mga ito.

"Mama, Papa, Cielo tiene un novio. Si Charles, who followed her here from America. Hindi niya talagang gusto na magtungo rito subalit napilitan siya dahil sa udyok ng mga magulang niya at dahil sa usapan ninyo, Papa..."

"That was obvious," ani Jewel na bumuntong-hininga. "Naghihinala na nga ba ako sa lihim na tinginan ng dalawang iyon. Subalit paanong sa maikling sandali'y kayo ni Dana ang—"

"Darling," putol ni Bernard sa sasabihin ng asawa. "Must you ask all the smallest details? Ang importante'y ang anak mo na mismo ang nagpahayag ng engagement nila ni Dana. Tulad ng gusto ng anak mo, siya ang pumili ng kanyang mapapangasawa..."

"Mapapangasawa!" bulalas ni Dana na halos mapatayo sa kinauupuan. Her fist clutched the armrest.

"Sweetheart," Lenny said indulgently. "It isn't as if we are going to be married tomorrow. So calm down, querida..." Humakbang ito patungo sa settee at umupo sa tabi niya. Inabot ang kamay niya at pinisil. Ang pisil na iyo'y alam niyang nagbabadya ng babala.

Dana groaned inwardly.

"But what about your parents, Dana? Natitiyak kong hindi nila alam ito..." Niyuko ni Jewel ang dalaga who seemed to be at a lost.

"We will inform them, Mama." muli'y si Lenny ang sumagot. "Bukas din marahil."Bumaba ang tingin ni Jewel sa anak and gave him a suspicious look. Pagkuwa'y inilipat ang tingin kay Dana. Nagdududa man sa kalituhan sa mukha ng dalaga at sa bilis ng mga pangyayari ay hindi na isinatinig iyon. Nginitian nito ang dalaga; yumuko at hinagkan sa pisngi.

"Welcome to the family, hija..." she said sincerely though a little bit worried.

"T-thank you," nauutal niyang sagot. Hindi magawang linawin ni Dana ang magulong kaisipan. She couldn't believe that this was happening. That suddenly, she was officially engaged to one of the most famous bachelors in the world.

"Mabibigla ang mga magulang mo, Dana," ani Bernard. "Walang press people sa okasyong ito subalit natitiyak kong bukas o sa makalawa'y nasa peryodiko na ang announcement ng inyong engagement. How they do that, beat me. Kaya kung ako sa inyo'y ipaalam na ninyo kaagad kina Joshua at Diana ito." Nagkibit ito ng mga balikat.

Niyaya nang lumabas ni Jewel ang asawa. Sa may pinto ay binalingan ang dalawa.

"Sumunod na kayong lumabas at harapin ang mga gustong bumati at makilala ang fiancée mo, Leonard. Ang Auntie Emerald mo'y gustong makaharap si Dana."

Nang makalabas ang mag-asawa'y tinangkang pakawalan ni Dana ang kamay mula sa pagkakahawak ng binata. Subalit nanatiling hawak iyon ni Lenny.

"I could kill you for this!"

He smiled at her, kasabay ng pagdala ng kamay niya sa mga labi nito at hinagkan ang palad niya. "You don't mean that."

"Hindi ako makapaniwalang nagawa mo ito," she said furiously. Marahas na binawi ang palad. Hindi gustong i-entertain sa isip ang sensasyong nararamdaman mula sa mainit na mga labi ng binata sa palad niya.

"Sinunod ko lang ang payo mo, querida. Pinakawalan ko ang pinsan mo para kay Charles. Iyon ang gusto mo, hindi ba?"

"Pero bakit kailangang ianunsiyo mong magkasintahan tayo? Alam mong walang katotohanan iyon!"

Umangat ang mga kilay ni Lenny. "Wala pa bang katotohanan ngayon iyon? Sa harap ng mga magulang at mga kamag-anak ko'y magkasintahan na tayo, formally. And I've forewarned you, haven't I? You will take Cielo's place..."

Bago pa makuhang makasagot ni Dana ay umangat ang kamay ni Lenny sa batok niya. Then pulled her to him and claimed her mouth in a tongue-kiss. Then hesitantly released her. His thumb finger brushed the wetness on her lips.

"You won't be as lucky next time, mi alma." Naghahayag ng pangako ang tinig at mga mata nito that a shiver ran down her spine.

Hindi kailangang mag-isip ni Dana kung ano ang ibig nitong sabihin. She almost gave herself to him kung hindi pumasok sa silid sina Bernard at Jewel. Na sa mga sandaling iyon ay labis niyang ipinagpapasalamat.

Tumayo si Lenny. Inabot ang kamay sa kanya. "Vamos, querida. Let's face them together."

Kristine 16 - Hasta La Proxima Vez (Till Next Time) (UNEDITED) (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon