40

17.1K 576 63
                                    


"ARE YOU all right?"

Tiningala ni Dana ang nagsalita. A smoky blue eyed Adonis was staring down at her with concern.

"You must have fainted there for a second," patuloy nito. Still holding her.

"I–I am fine," she said. Still gazing at the tall and attractive man before her. Wala siyang natatandaang naipakilala sa kanya ang binatang ito kanina. Marahil ay late na itong dumating sa party. "T-thank you."

"Anytime. Do you want to get out—" hindi naituloy ng lalaki ang sasabihin nang dumantay sa balikat nito ang palad ni Lenny na nakalapit na kaagad.

"Thank you, Renz," wika ng binata at kinuha mula kay Renz si Dana. Possessively inakbayan nito si Dana. "Ako na ang bahala sa fiancée ko."

Not wanting to create a scene ay nagpaubaya ang dalaga sa kabila ng nagngingitngit ang loob.

"Congratulations, pare," nakangising sabi ni Renz Navarro, deep dimples appeared on both cheeks.

Iniabot nito ang kamay kay Lenny at pagkatapos ng mahigpit na pakikipagkamay sa kaibigan ay muling binalingan si Dana at inabot din ang kamay ng dalaga at dinala sa mga labi.

"Where have you been all my life? How could fate be so unfair?" he said in dramatic humor. The smoky blue eyes were sparkling as he stared down at her with obvious admiration.

She was speechless. His lips were warm on her skin. At ni hindi pa man lang siya nakaka-recover sa matinding pagkabigla. Yet she smiled at Renz gratefully. Pagkatapos ay tiningala si Lenny. Nawala ang ngiti.

"Get me out of here," bulong niya sa pagalit na tono. Alam niyang maraming tao ang nagnanais na batiin sila. She was thankful na hinila siya ni Renz sa may pasilyo nang may ilang segundong nagdilim ang paningin niya.

Tinapik ni Lenny ang balikat ng kaibigan. "Bahala ka nang magpaliwanag, pare. Lalabas kami mamaya lang."

"No problemo," nakangiti pa ring sabi nito, at saka idinagdag, "I can't believe you've got all the luck, pare. Huwag mo nang pakawalan or else..." ibinitin nito ang pabirong threat.

"Find your own woman, Renz. I don't share what's mine," tonong-pabiro ang sagot ni Lenny subalit sa ilalim ng tinig ay naroon ang paniniyak.

"Shut up, you two!" hindi nakapagpigil na singhal ni Dana. "Kung mag-usap kayo'y parang wala ako rito... parang hindi ako ang pinag-uusapan ninyo. And I am not yours!" nanlilisik ang mga matang wika nito kay Lenny.

"Whew!" si Renz na itinaas ang mga kamay sa ere. "You've got a handful, pare. Ako na ang bahala sa mga kaibigan natin." He gave Dana a gentle smile at saka tumalikod.

Si Dana ay mabilis na tumalikod, nagmamadaling humakbang pabalik sa pinanggalingan nila kanina. Sa verandah. Subalit nahawakan ni Lenny ang braso niya at hinila siya nito papasok sa guest room.

"Bitiwan mo ako, ano ba!" Akma siyang lalabas subalit isinara ni Lenny ang pinto.

"Calma, por favor?"

"No!" singhal niya. "You expect me to calm down pagkatapos ng ginawa mo? Wala kang karapatang ianunsiyo ang walang katotohanang engagement na iyon!"

Ni hindi natigatig ang binata. Sumandal sa may pinto. "Would you rather me announced my engagement to your cousin?"

"Yes! No!" Then she groaned in frustration.Lenny smiled faintly at the anger and confusion in her face. She was beautiful beyond description, even in anger.

"See?"

"See what? Wala akong nakikitang mabuti sa ginawa mo!" she said. "Paano ko ipaliliwanag sa lahat ang ginawa mo? Sa mga magulang mo? Sa mga magulang ko?"

Kristine 16 - Hasta La Proxima Vez (Till Next Time) (UNEDITED) (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon