"BAKIT hindi ninyo itinawag kay Daddy ang tungkol sa kalagayan ng Lola Isabel, Attorney?" tanong ng dalaga habang patungo sila sa Binondo.
"Si Donya Isabel na rin ang may gustong huwag na kayong tawagan pa, hija. She was dying and she wanted to leave quitely. In fact, she wondered why she had lived this long when she had wanted to die a long time ago."
Hindi siya kumibo. Naalala niya na noong trese años siya ay narinig na niyang sinabi iyon ng matanda. The irony of life.
Wala na silang kibuan hanggang sa makarating sila sa Binondo. Sa isang kalye roon ay lumiko ang sasakyang minamaneho ng abogado. Huminto ito sa tapat ng isang malaking lumang bahay na may puno ng kaimito sa tagiliran, kung saan mula sa kalsada ay matatanaw ang tagiliran ng isang malaking azotea. Ang bakod ay tila magigiba sa isang mahinang ihip ng hangin.
"Here we are," wika ng abogado. Hindi na hinintay ni Dana na pagbuksan siya ng pinto ng kotse at nauna pang bumaba kaysa sa matandang lalaki.
Sinuyod ng tingin ni Dana ang façade ng bahay. Typical old house in Spanish-style. Luma at sira na ang ilang bahagi.
Nang itulak pabukas ng abogado ang kalawanging gate na bakal at makapasok siya ay tila may malamig na hanging nagdaan na gustong ginawin ni Dana.
Walang ipinagbago ang bahay sa pagkakatanda niya. Brick tiles ang pinakadingding sa ground floor na siyang pinakagarahe ng mga sasakyan at working area. Tuklap na ang ilang Vigan floor tiles.
Ang ikalawang palapag ay yari sa kahoy. Capiz ang mga sliding windows na mga nakabukas lahat. Sa tagiliran ng bahay ay ang malaking sementadong hagdanan na may landing bago ang pagpapatuloy ng mga baitang patungo sa balkon na siyang pinakaentrada sa ikalawang palapag.
"Pumanhik ka, hija," anyaya ng abogado na huminto sa landing bago nagpatuloy sa pagpanhik.
Sumunod siya rito. Tulad ng inaasahan niya ay umuuga na ang barandilyang kahoy. Bitak-bitak na ang mapulang sementadong baitang. Sa itaas ay itinulak ng abogado pabukas ang dalawang panels na pintong narra. Napuna niyang giba na ang kahoy ng pinto sa may bandang ibaba.
Walang kibong pumasok ang dalaga kasunod ni Attorney Palomares. Natambad ang malaki at maluwang na kabahayan. Malinis sa kabila ng kalumaan. Ang malalaking tablang sahig ay tila salamin sa kintab sa kabila ng may ilang bitak at butas at nasisilip na niya ang silong.
"Tiniyak kong malinis ang bahay pagdating mo," nakangiting sabi ng abogado. "May binabayaran akong katiwala na siyang nagmimintina sa bahay na ito. Baka umalis sandali si Aling Andeng."
Nilinga ni Dana ang bulwagan ng bahay. Isang grandfather's clock ang naroon sa isang sulok. Hindi na umaandar. Antique collectors would have loved to have their hands on that clock. Naroon din sa isa pang sulok ang grand piano. The black varnish was flat and dry. Humakbang siya patungo roon. Binuksan iyon at tinipa ang mga teklado. Tila matandang inuubo ang inilabas na tunog.
She looked up. Dalawang malalaking aranya ang nakasabit sa itaas. Hindi na marahil umiilaw ang mga bombilya ng mga iyon dahil may daylight siyang nakikitang nakasabit sa pagitan ng mga aranya.
Pagkuwan ay dinaanan ng daliri ang isang ponograpong antigo and smiled silently. Napakalayo na ng inilakbay at iniunlad ng teknolohiya mula sa panahon ni Donya Isabel. Hinaplos din niya ng kamay ang mga sandalan ng solihiyang silya. May ilang uway nang humu-hulagpos mula sa frame na narra. Ang bilog na mesa ay tinakasan na rin ng ganda. Solidong narra ang iilang kasangkapan pero nakabakas ang mga tanda ng kalumaan.
Maliban sa mga bagay na nakita niya ay bakante ang napakaluwang na sala. Puwedeng magbisikleta sa loob. She smiled at the thought.
"I wonder why she didn't even bother to buy new things," wika niya. More to herself. "Like a small television. O di kaya'y radio. Upang okupahin ang buong maghapon niya."
BINABASA MO ANG
Kristine 16 - Hasta La Proxima Vez (Till Next Time) (UNEDITED) (COMPLETED)
RomanceDana Isabella-Diana and Joshua's daughter- was curiously reading her dead grandmother's diary nang sa pag-angat niya ng ulo'y kakaiba na ang kanyang kapaligiran. She was in the same house... the same room and the same bed... tamang oras, araw, at bu...