45

14.8K 525 18
                                    


NAPADAING si Dana sa nasaktang balakang. Nang tumingala siya'y madilim ang buong paligid maliban sa mumunting sinag ng liwanag na nanggagaling sa silid na lumulusot sa maliliit na siwang ng bookshelves.

"W-where am I?" kinakabahang tanong niya sa sarili.

Hindi siya kumikilos mula sa kinalulugmukan nang may kung ilang sandali. Sinasanay niya ang mga mata sa dilim.

Makalipas ang ilang saglit ay natanto niyang nasa likod niya ang bookshelves. Kung gayo'y umikot lamang siya at nasa isang lihim na lagusan. Amazed, dahan-dahan siyang tumayo. Still, she didn't want to move from where she was. Nang maaninag niya ang makipot na hagdanan pababa.

"Oh!" bulalas ng dalaga.

Ang hagdanan ay isang hakbang lamang mula sa kinatatayuan niya. Kung lumakad pa siya'y baka nahulog siya pababa.

Kung susundin niya ang dikta ng kanyang isip, dapat ay hanapin niya ang paraan para makabalik sa loob ng silid ni Lenny. Though not that easy, she could easily shout for help, kung hindi niya mahanap ang paraan pabalik sa silid ng binata. Pero natitiyak niyang hindi lahat ng tao'y alam ang lihim na lagusang iyon.

At ang kabilang bahagi ng isip niya'y nagdidiktang alamin kung saan patungo ang makipot na hagdanang nasa harap niya.

Nanaig ang curiosity. Slowly... carefully, humakbang siya patungo sa hagdan. Not wanting to trip, kinapa niya ang dingding upang alalayan ang sarili sa pagbaba sa madilim na hagdan. Nang maramdaman niyang bumaba siya sa isang landing. Huminto sandali si Dana.

"There must be a lamp switch somewhere. Hindi maaaring walang ilaw ang hagdanang ito. Lenny must have known this secret place." She was talking to herself loudly.

Kinapa niya ang gilid ng dingding nang may kung ilang sandali rin bago niya nahagip ang isang switch ng ilaw. Binuksan niya iyon at nagliwanag ang buong paligid. Tiningala niya ang pinanggalingan. Pitong baitang mula sa itaas. At pagkatapos ng landing ay limang baitang pa uli pakanan.

She walked to where the stairs were. Subalit mula sa landing ay nakita na niya ang ibaba. Isang hindi kalakihang silid na ang dingding ay adobe. It was varnished, dahil makintab.

Nakita niya rin ang maliit na bintana sa bandang tagiliran. Bagaman may bahagyang liwanag na nanggagaling doon ay hindi sapat upang magbigay liwanag sa buong silid dahil natatakpan iyon ng mga halaman. Malalagong halaman.

Sa sulok ay isang airconditioner. Iyong uring panloob, hindi window type. At isang antigong bench that served as a bed, too, dahil sa kutsong nasa ibabaw nito. May ilang throw pillows doon.

At sa gilid ay isang antigong mesa. Sa ibabaw niyon ay study lamp. Fascinated and intrigued, ipinagpatuloy ng dalaga ang pagbaba sa natitirang limang baitang. Nagtuloy sa mesa. Umupo sa upuang nasa likod niyon. May mga kung ano-anong papel ang nasa ibabaw ng mesa. Ang crystal penholders ay puno ng kung ano-anong pens and ball points.

"This room must be in constant use," wika niya.

Wala sa loob na binuksan ang drawer sa harapan ng mesa. Then closed it again nang makitang kung ano-anong papel lang ang laman. Isinunod na binuksan ang malaking drawer sa tagiliran.Bahagyang nanlaki ang mga mata niya. Ang naroroo'y isang antigong jewelry box. Sa tabi niyon ay isang lumang librong kulay itim. Nababakbak na ang paligid ng libro sa katandaan.

Gusto niyang buksan ang jewelry box subalit mas nanaig ang curiosity niya sa lumang libro. She took it, at inilapag sa mesa at binuksan.

"Leon Fortalejo..." She closed her eyes and groaned softly nang matiyak na diary iyon ni Leon.Puno ng pananabik ang dibdib na binuksan ng dalaga ang mga pahina sa nanginginig na mga kamay.

"Palawan, July 1928..." she started reading. "Isang buwang mahigit mula nang umalis ako sa Maynila..."

Lalong tumindi ang pananabik at kaba sa dibdib ni Dana. Sinimulan ni Leon ang diary matapos na umalis ito ng Binondo. Ipinagpatuloy niya ang pagbabasa.

...isang buwang mahigit mula nang magkawalay kami ni Isabelita. Hindi ko alam kung paano papawiin ang sakit sa aking puso. Hindi ko sinisisi si Isabelita sa pagpili kay Eman. Kung ako ang pinili niya'y habang-buhay naming tataglayin sa aming konsiyensiya ang kahihiyang idudulot niyon sa pamilya niya at sa pamilya ni Eman. Mula kay Isabelita ay natutuhan ko ang kahalagahan at dangal ng salita...

Walang hindi napaghihilom ang panahon. Malilimutan ko marahil ang aking unang pag-ibig. 


Kung paano'y hindi ko alam... 


Kristine 16 - Hasta La Proxima Vez (Till Next Time) (UNEDITED) (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon