34

14.7K 558 56
                                    

MAHIGIT isang oras na nag-usap ang dalawa sa silid ni Charles bago tumayo si Dana.

"Sisikapin kong magawan ng paraan na imbitahan ka ng mag-asawang Fortalejo sa anniversary party nila bukas ng gabi, Charles. Then we can implement our plan..."

"Thank you, Dana. Kung wala ang tulong mo'y baka nawalan na ako ng pag-asa..."

"Huwag ka munang magpasalamat. Aalis na ako. Tatawagan kita sa sandaling napapayag ko ang mga Fortalejo na maimbita ka sa party."

Tumango si Charles at humakbang na si Dana patungo sa pinto. Nakabig na niya pasarang muli ang pinto nang sa pagharap niya'y nagulat pa siya. Nakasandal sa may dingding sa pasilyo si Lenny at nag-aabang sa kanya.

"Sated?" wika nito. Ang mga matang humahagod sa kanya'y puno ng malisya.

"W-what do you mean?"

Umismid ang binata. "Your boyfriend must have missed you so much. Kulang dalawang oras kayong—" sadya nitong ibinitin ang salita. "And you've got me waiting for almost two hours. That's wonderful!"


Tumalim ang mga mata ni Dana sa ipinahihiwatig nito. "Hindi ko sinabing hintayin mo ako!" she hissed. Mabilis na lumakad at nilampasan ang binata.

"Tama naman," patuyang sang-ayon ni Lenny na sa malalaking hakbang ay umagapay sa kanya. 

"Pero paano sa palagay mo ikaw uuwi sa villa? Bribe another groom?"

Nahinto sa paghakbang si Dana. Hinarap ang binata. "Do you have to remind me that always? Humingi na ako ng paumanhin. Ano pa ba ang gusto mo?"

"Iyong kaunting konsiderasyon na naghihintay ako sa ibaba. Considering na ginawa mo akong driver. Ganoon lang naman," tuloy ito sa panunuya.

"All right, I'm sorry!" she said half-sincerely. "Hindi ko alam na hihintayin mo ako..." Sinabayan niya iyon ng buntong-hininga at humakbang na uli. "Isa pa'y hindi naman kami ganoon katagal nag-usap..."

"Nag-usap?" ulit nito. "Nag-usap nga lang ba kayo?"

Muling huminto si Dana. Sinikap kontrolin ang namumuong bagyo sa dibdib. At sa naghahamong mga mata ay tumingala sa binata.

"Ano ba ang gusto mong sabihin ko? That we made love? And if we did, eh, ano ba sa iyo?"

Sandaling natilihan si Lenny. Eh, ano nga ba?Without a word, he turned his back. Naunang bumaba sa hagdan. Ni hindi na ginamit ang elevator. He was a fool. If he hadn't known better, gusto niyang isiping nagseselos siya sa Charles na iyon. And she was right. Eh, ano nga ba ang pakialam niya kung ano man ang ginagawa ng dalawa sa loob ng silid sa loob ng mahigit isang oras?

"Porque estas muy enfadado?"

"I am angry because she made me wait na para bang isa akong common driver!"

"La mujer es muy bella."

"So?"

"You are attracted to her."

"Get out of my mind, gran!"

"If you think I am only a figment of your imagination, you are very wrong, nieto..."

Pabalyang binuksan ng binata ang pinto ng Ford Expedition at pumasok sa driver's seat. Sa naguguluhang isip at banayad na galit ay hinintay si Dana. Impatiently tapping his fingers on the steering wheel kasabay ng pagsulyap-sulyap sa hotel entrance.At hindi ito nainip. Lumabas ang dalaga mula sa hotel.

And Lenny almost forgot how to breath. He had never seen a more beautiful woman. She was walking towards him casually yet with a grace of a goddess. Her hair was almost red mula sa repleksiyon ng araw, creating a halo over her head. Her skin like alabaster.

Sa isang sandali'y naisip ng binatang hindi totoo ang lumabas mula sa sliding glass panel ng hotel. No flesh-and-blood woman could be so lovely, could she? A mirage perhaps, a figment of his wild imagination.

And the thought that he might be attracted to her angered him more. And his thoughts kept on coming back to that fleeting kiss, hindi man nito gustuhin.

Bloody hell! he thought. Hindi niya mahiwalayan ng titig ang papalapit na dalaga. She had fascinated him from the moment he craddled her in his arms when he found her at the family mausuleo.

No, kontra ng isip niya. He realized that his fascination had begun the day they met at the airport. And he still did not understand the strange shock of awareness that had gone through him when his lips touched hers, gaano man kasandali ang halik na iyon.

At kanina habang naghihintay siya sa dalaga ay naglalaro sa imahinasyon ang maaaring ginagawa ng dalawa sa loob ng silid ng kasama nitong lalaki. At tila nagpawala iyon sa katinuan ng isip niya sandali. Gusto niyang pasukin ang mga ito. He had wanted to strangle the man.The sensation that had washed through him in that moment had been deep and disturbing, almost savage in its intensity.

It made no sense. There was no logic to his feelings.

He wanted her.

BINUKSAN ng dalaga ang pinto sa may passenger side pero hindi pumasok. Nagbuntong-hininga at tinitigan ang binata.

"What are you waiting for?" ani Lenny sa bahagyang naiiritang tono. "Bakit hindi ka pa sumakay?"

"Why do you dislike me so?" she asked softly.

Nagsalubong ang mga kilay ni Lenny doon. Hindi inaasahan ang sinabi niya. "I–I don't dislike you," he almost stammered.

"So let's call it then 'clash of personalities,'" wika niya na sinamahan ng tipid na ngiti. "Let's have a truce, okay?"

Nagkibit ng mga balikat ang binata. "Sinabi mo, eh."

"It's almost lunch time," patuloy ng dalaga na tumingin sa wristwatch niya. "Inaasahan ba tayo ng Tita Jewel sa villa sa tanghalian?"

"Not really. Why?"

"I'll buy you lunch." nilinga nito sandali ang restaurant sa itaas ng cliff bago muling ibinalik ang mga mata sa binata.

"You want to buy me lunch?" He was half-amused.

"Sure. I owe you that. Ipinag-drive mo ako rito."

"Nakalimutan mo na bang pag-aari ng pamilya ang hotel at resort na ito?"Umarko ang mga kilay ng dalaga. "As if I'll ever forget."

"So, food and services are free to us."

"Tsk... tsk... tsk. That's bad business. Owners and business are two different things." Sinisikap ng dalagang huwag ngumiti, but her eyes were sparkling as she teased.And Lenny's heart plummeted to his stomach, then bounced back to his throat. She was getting lovelier every passing minute.

"Are you trying to lecture me on the subject of management?" he asked.

"I am trying to remind you how it is to be a gentleman," she said lightly. Kapagkuwa'y idinagdag sa tila banayad na pag-aakusa. "You could have, at least, invited me to lunch first before I did."

"It's never too late para magbangong-puri." He was still grinning at her. While Dana's heart did a sommersault by the oh-so-familiar grin. "I'll take you to the cliff restaurant on one condition..." dugtong ng binata.

Napakurap siya. "W-what condition?"

"Call me Lenny."

Kristine 16 - Hasta La Proxima Vez (Till Next Time) (UNEDITED) (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon