15

15.8K 490 63
                                    


"ISABEL," salubong ni Eman at inabot ang kamay ni Dana at hinagkan iyon. "Nakaalis na ba ang papa mo?"

"Kinabukasan din ng gabi matapos ang kasayahan," sagot niya. Umalis si Don Jose patungong Estados Unidos tulad ng sinabi nito sa kanya.

"Kumusta ka na?"

"Mabuti naman, Eman," sagot niya at nagpaakay sa binata patungo sa mahabang solihiyang sofa. Nagpaalam sa kanya ang binata nang gabi ng kasayahan na ihahatid sa Laguna ang mga magulang.

"Limang araw kitang pinanabikan, Isabel. Walang laman ang isip ko sa gabi't araw kundi ikaw..." masuyong sabi nito.

"A-ako ma'y ganoon din, Eman..." Liar! sigaw ng isip niya. Sa nakalipas na mga araw ay wala siyang ginawa kundi lihim na katagpuin si Leon sa sandaling malingat sina Consuelo at Yaya Rosa.

At noong isang araw lang ay sinundo siya ni Leon sa Colegio de Sta. Isabel at ginugol nila ang buong maghapon sa pamamasyal.

"Nagpaplano na ang aking mga magulang, Isabel," sabik nitong kuwento. "Katunayan ay kumakausap na ang papa ng mga taong gagawa sa araw ng ating kasal. Isang en grandeng kasalan ang gaganapin sa Laguna. Nakahanda na ang lahat, mahal ko..."

Hindi niya alam ang isasagot. Wala sa loob na napalingon siya sa may hagdan. Huling-huli niya ang matinding lungkot at kapaitan sa mukha ni Consuelo bago ito tuluyang bumaba.

Nagsalubong ang mga kilay ni Dana. Ang nakita niyang kapaitan sa mukha ng pinsan ay anyo ng isang umiibig na... na walang katugon. Umiibig ba si Consuelo kay Eman?

Ang babala ba ni Consuelo na huwag niyang pag-ukulan ng pansin si Leon ay upang protektahan si Eman? Yes! Hindi nito gustong masaktan si Eman. At nag-isip pa man din siyang baka kay Leon may pagtingin si Consuelo.

"MAHAL mo si Eman, hindi ba, Consuelo?" aniya sa pinsan na nakadapa sa katre nito.

Napabalikwas ng bangon ang dalaga at nakita ni Dana na lihim itong nagpapahid ng mga luha.

"S-saan mo nakuha ang ideyang iyan, Isabel?" Gumagaralgal ang tinig nito at humarap subalit ang mga mata ay nakatutok sa higaan.

"Nakikita ko iyon sa iyong mga mata. Please don't lie. Babae rin ako at alam ko ang nararamdaman mo."

Napahikbi si Consuelo at muling dumapa sa unan nito. "H-huwag mong sasabihin kahit kanino iyan, Isabel," gumagaralgal nitong sabi. "Ayokong kahabagan ako kahit ni Yaya Rosa. Ikaw ang mahal ni Eman, hindi ako."

Napabuntong-hininga siya. Humakbang papasok at umupo sa gilid ng kama ni Consuelo. "Hindi ko matiyak sa sarili ko kung may pag-ibig ako kay Eman, Consuelo. What I feel for him must be fondness dahil magkababata kami." Hindi na niya alam kung siya pa ang nagsasalita o si Isabel. 

"Iyon siguro ang dahilan kung bakit hindi ko natanggihan si Papa nang ipagkasundo kaming dalawa..."

"Ano... ang gusto mong sabihin?""I am happy and excited when I am with Leon, Consuelo," aniya. Kumikislap ang mga mata. 

"Hindi ko kailanman pinanabikan ang muling pagkikita namin ni Eman. Kung dumarating siya ay natural lamang ang aking damdamin na tila ba dinadalaw ako ng isang kaibigan. Subalit hinahanap ko parati ang presensiya ni Leon. I–I think I am in love with him. No. I am in love with him. I truly do."

Nanlaki ang mga mata ni Consuelo. "Hindi ka maaaring umurong sa kasal ninyo ni Eman, Isabel! Narinig kong nakahanda na ang lahat..."

"Siguro kung tatalikod ako sa usapan nina Papa at ng mga magulang ni Eman ay posibleng mabaling ang tingin ni Eman sa iyo."

"Hindi mangyayari iyon!" Tuluyan nang napaiyak ang dalaga. "Mula pa noong mga bata kayo'y nariyan na si Eman. Lihim na umiibig sa iyo. Umaasang mapagtutuunan mo siya ng pansin. Ni hindi ginawa ni Eman na tumingin sa ibang babae... o sa akin. Ikaw ang mahal at iniibig niya, Isabel. At nakahanda akong magparaya..."

Gustong mahabag ni Dana sa dalaga. Hindi alam kung ano ang sasabihin at gagawin. Ano ang dahilan at narito siya sa panahong ito? May dapat bang baguhin sa kasaysayan ni Donya Isabel? At siya, bakit tila totoong nahuhulog ang loob niya kay Leon?



*************Pasensya na sa mga naghihintay at gabi na masyado. Nagsipag lang muna me sa work para kunwari mabait ako char hahahaha. Bawi na lang tayo kapag may free time na. Enjoy reading everyone sana walang naguguluhan sa kwento. Take care and God bless mga beshie - Admin A ******

Kristine 16 - Hasta La Proxima Vez (Till Next Time) (UNEDITED) (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon