2

21.1K 589 29
                                    

"TITA Elvie couldn't be that cruel!" galit na bulalas ni Dana habang nasa balkon sila ni Cielo at ang mga magulang naman ay nasa dining room.

"Any day from now ay uuwi ako sa Pilipinas, Dana. At wala akong magagawa," pahikbing sagot ni Cielo. "Parang hindi mo kilala si Mama..."

Naniningkit ang mga matang napasulyap sa pinto ng balkonahe si Dana. Ipinagkasundo ng mga magulang si Cielo upang ipakasal sa lalaking hindi pa man lang nito nakikita. Ang ama ng lalaking ipinagkasundo sa pinsan ay nakita na niya sa mga magazine. There were a few of those in her parents' bedroom.

Hindi ipinagkaila sa kanya ng mga magulang na bago naging asawa ng ama ang ina ay naging asawa ito ng prominenteng si Bernard Fortalejo.

"Siya ba ito, Mommy?" minsan ay itinuro niya ang isang babasahin kung saan naka-feature si Bernard Fortalejo sa isang business column.

"Yes, darling. That's him."

"Hmm... he looks gorgeous," aniya nang sipatin ang black-and-white photos ni Bernard sa magazine.

"Breathtakingly gorgeous, Dana," nakangiting dugtong ni Diana sa dalagitang anak.

"Why did you annul your marriage to him, Mom?" she asked curiously.Huminga nang malalim si Diana at sa simpleng mga salita ay sinabi sa anak ang kuwento nila ni Bernard.

At hindi kayang tanggapin ng kalooban niyang ang isang tulad ng pinsang si Cielo ay sapilitang mapapakasal sa pamilya ng ex-husband ng ina. Ayon sa pagkakaalam niya ay makapangyarihan at masalapi. A family of arrogant and domineering men.

Paano pakikitunguhan ni Cielo ang pamilya Fortalejo? Sinulyapan niya ang pinsan. Pretty and so sweet and gentle. Na kahit sa ina ay hindi magawang tumutol. Paano pa sa isang Leonard Fortalejo?

Gustong maghimagsik ni Dana. Si Cielo ay bata sa kanya nang isang taon at kahit na malayong magpinsan sila ay itinuring na niya itong nakababatang kapatid. Ganoon din naman ang turing ni Cielo sa kanya.

Sa Pilipinas ipinanganak si Dana at nagkaisip. Subalit nag-migrate silang mag-anak sa Amerika anim na buwan matapos mamatay ang Lola Antonia niya, ang ina ng daddy niya. She was fifteen then. Doon sila nagsimulang magkalapit ni Cielo na minsan na niyang nakita nang dumalaw ang mga ito sa Pilipinas.

Dana inherited her mother's beauty and her father's diplomatic attitude. She was smart, free- spirited, at may sariling disposisyon. Subalit hindi ganoon si Cielo. Mahiyain ito. Lumaking kontrolado ng ina ang bawat gawin. Masunurin, to a fault.

"At paano na kayo ni Charles?" tanong niya sa pinsang nakayuko at lumong-lumo. "Alam ba niya ang plano ng Tita Elvie?"

"Yes. And he wants me to elope with him. At hindi ko magagawa iyon, Dana." She raised a helpless face to her. "Natatakot ako sa maaaring gawin ni Mama. If only Papa would do something to stop her..." Muling napahikbi ang dalaga. At sa gumagaralgal na tinig ay, "I–I love, Charles, Dana. Pero hindi ko magawang sumuway sa mama."

"At hindi kita mapapayuhang suwayin ang mama mo dahil hindi mo gagawin," she said in frustration. At saka mariing idinagdag, "Sukdulang mawala sa iyo ang lalaking mahal mo!""Charles will understand..."

Umikot ang mga mata ni Dana. Magkasamang inis at awa ang nararamdaman para sa nakababatang pinsan.

"M-maybe my mother's right, Dana. B-baka mapapabuti ang buhay ko sa pagpapakasal sa anak ni Bernard Fortalejo..."

"Baka... baka..." itinaas niya ang mga kamay sa ere. "Paano kung hindi?" Then she sighed at niyuko ang pinsan. "Gusto kitang tulungan, Cielo. But you have to help yourself, too."

"I—am sorry," wika nito sa maliit na tinig. "Iniisip ko pa lang na suwayin ang mama'y kinakabahan na ako." Ginagap nito ang kamay niya. "Ang tanging pag-asa ko na lang ay ang mismong pagtanggi ng anak ni Mr. Fortalejo. Hindi ang tulad ng pamilya nila ang papayag sa isang arranged marriage. And... and I've heard that this Leonard is a notorious playboy. He may not like me..."

"Saan mo narinig iyan?" She frowned at her cousin. "I mean, this playboy thing?"

"May... nabasa akong isang artikulo sa isang magazine about him a couple of months ago when my parents started talking about this arranged meeting with him. It seems this Leonard Fortalejo doesn't like publicities dahil nakaharang ang kamay niya nang kuhanan siya ng photographer... His date was Alicia Silverstone..."

Nagkibit ng mga balikat si Dana at bahagyang ngumiti. "Perhaps you are right. Pray that you are not his type. Though you are so pretty, ang mga nasa alta sociedad, karaniwan na'y pumipili ng ka-level nila. And maybe this Leonard Fortalejo would stand up to his father..."

Kristine 16 - Hasta La Proxima Vez (Till Next Time) (UNEDITED) (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon