"I DO NOT have a choice," ani Joshua sa asawa habang nagbibihis. "Hindi gustong umalis ng Pilipinas ang anak mo. Nakausap ko kahapon ang director ng Makati Medical. I can start my private clinic anytime," umiiling nitong sabi.
"Matagal ko na ring gustong sabihin sa iyong mamirmihan na tayo rito, Josh," ani Diana. Tinutulungan ang asawang ayusin ang kurbata nito. "Sa loob ng mahabang panahon, si Bernard ang nagpapalakad sa pabrika. Ang tanging komunikasyon natin sa kanya'y through the lawyers na siyang namamahala sa finances. Yes, I hated it nang malaman kong sariling pera niya ang nagsalba sa textile mills. But I guess, it's time to bend and swallow my pride a little. At kumikita na ang pabrika, nasa pangalan ko pa rin. Maybe we could pay him back now..."
Wala sa loob na tumango si Joshua. Muli ay nararamdaman nito ang pagsalakay ng takot at pangamba.
"And I missed my job terribly, darling..." patuloy ni Diana. "I'll talk to Bernard one of these days and set a meeting with the board."
"Hindi kita mapipigil doon, 'di ba?" wika nito sa nagbabarang lalamunan.Nagsalubong ang mga kilay na napatingala sa asawa si Diana. "Why would you do that?"Isang mapaklang ngiti ang pinakawalan ni Joshua. "No. Hindi kita pipigilan. Inheritance mo sa lolo mo ang kompanya at bagaman utang natin kay Bernard ang muling pagbangon ng pabrika'y sa iyo pa rin iyon. He didn't take over, Diana. Yes, I guess I owe him that..." he said bitterly.
Hinagkan ang asawa sa pisngi at dinampot ang susi ng bagong biling kotse.
Inihatid ni Diana ang asawa sa ibaba ng bahay. Nasa kotse na ito nang muli siyang magsalita."Josh..." Mula sa manibela'y nag-angat ng tingin si Joshua. Sa tingin ni Diana'y tila tumanda ang asawa. "I-it's silly of me to ask you this, pero nag—nagseselos ka ba sa muli naming pagkikita ni Bernard?"
Joshua reached his wife's nape and planted a soft kiss on her mouth. "No, honey. I know you love me. Hindi ako nagdududa roon, kahit minsan sa loob ng maraming taon. At kahit nang magkita kayong muli sa isla..."
"Then what is it? Bakit nitong ilang mga araw ay balisa ka? Of course, alam kong may problema ka sa anak mo. Pero may iba akong nararamdaman mula sa iyo..."
"Nothing. We'll talk about it one of these days. Pansamantala'y bantayan mo iyang anak mo. Huwag mong papayagang umalis nang hindi ka kasama..."
"Josh, aren't you overre—"
"Diana, alam mo ang dahilan, higit kanino man," mariing putol nito sa sinasabi ng asawa. Tumiim ang mukha. "Kaya hindi ko maintindihan kung bakit ganyan ka kaluwag pagdating sa kahibangan niya kay Lenny." Binuhay na nito ang makina ng sasakyan. "Bantayan mo ang anak mo!"
Isang buntong-hininga ang pinakawalan ni Diana habang sinusundan ng tanaw ang papalayong kotse ng asawa. Pagkatapos ay pumanhik na muli sa hagdan.Nakasalubong nito ang anak na papalabas ng banyo at nagpupunas ng basang buhok.
"Akala ko'y tulog ka pa, hija..."
"'Ma, aalis ako," wika ni Dana habang papasok sa silid. Sumunod si Diana."Puwede ko bang malaman kung saan ka pupunta?"
"Lenny's coming today, Mom, nandito man o wala si Daddy," sagot nito habang nagsisimulang magbihis. Nasa kilos at tinig ang determinasyon. "Well, I'm glad he left bago pa dumating si Lenny. I don't like scenes. Alam kong magagalit siya and I don't want to hurt him, too."
Huminga nang malalim si Diana. "Do you really love him, sweetheart?"Nilingon ni Dana ang ina. "Mom, I do. I love him so. And I am sure of my feelings. What happened between you and Lenny's father has got nothing to do with us. You said it yourself, you were pressured, you were scared, you had no one to turn to but Lenny's father. Hindi ganoon ang nangyayari sa akin. We love each other, Mom. And we are going to marry whether Dad likes it or not!"
"You can't marry without his blessings..."
Nagkalambong ang mukha ni Dana. "Mommy, I have always dreamt of my wedding to be perfect. With you and Dad... Please ask Dad not to do this to me. I want you both when I marry..." pakiusap niya.
Kasabay ng buntong-hininga'y tumango si Diana. "I promise to talk to your father..."
Niyakap ni Dana ang ina. "Thank you, Mom."
BINABASA MO ANG
Kristine 16 - Hasta La Proxima Vez (Till Next Time) (UNEDITED) (COMPLETED)
RomanceDana Isabella-Diana and Joshua's daughter- was curiously reading her dead grandmother's diary nang sa pag-angat niya ng ulo'y kakaiba na ang kanyang kapaligiran. She was in the same house... the same room and the same bed... tamang oras, araw, at bu...