54

15.3K 533 48
                                    


"BILISAN mo, Dana Isabella," ani Joshua sa anak na nanatiling nakatayo sa munting pantalan. 

"Ano pa ang hinihintay mo?"

Hindi sumagot ang dalaga. Nilingon ang hotel at ang dalampasigan. Umaasang makikita roon si Lenny. Kanina pa niya pinipigil ang sariling umiyak. Hindi siya makapaniwalang aalis siya nang hindi sila nagkikita at nagkakausap.

Ganoon lang ba siya kadaling pinakawalan nito? Wala bang kabuluhan ang mga sinabi nito sa kanya? Ang mga pangako? Hindi sinabi sa kanya ni Lenny na iniibig siya nito... na mahal siya. But he promised her so many things. Na kung sakaling makasal sila'y gagawin nito ang lahat upang maging matagumpay ang pagsasama nila.

Kagabi'y inaasahan niyang pupuntahan siya nito sa hotel. It would be easy for him to do so. Pero hanggang sa magmadaling-araw ay hindi dumating ang binata.

"Dana, ano ba?" muling tawag ni Joshua na nasa loob na ng ferry boat.

Mabigat ang dibdib na humakbang ang dalaga patungo sa lantsa. Her hand on her mouth to keep her from bursting into tears. Ilang hakbang na lang at sasampa na siya sa andamyo ng ferry boat nang marinig ang tawag.

"Dana!"

Mabilis ang ginawang paglingon ng dalaga. Si Lenny ay tumalon mula sa kabayo. Ang akmang pagtakbo ni Dana upang salubungin ang binata'y napigil ng malakas na hiyaw ng ama.

"Dana, I'm warning you! Sumakay ka na."

"Please, Josh," pigil ni Diana sa asawa nang akma itong bababa ng ferry. "Hayaan mo sila sandali..."

Tumiim ang mga bagang ni Joshua. Humigpit ang pagkakakapit sa barandilya ng lantsa.

Ang driver ng ferry boat na naiinis na ay napakamot ng ulo nang makita kung sino ang dumarating.Tumingala si Dana kay Lenny. Nanlalabo ang mga mata sa pinipigil na luha.

"I thought you won't see me go," she said in a broken voice.

Inabot ni Lenny ang dalaga at hinapit. Mahigpit na ikinulong sa mga bisig.

"Lord, Te quierro... te quierro mucho..."

Tuluyan nang napahagulhol si Dana sa dibdib ng binata. Sinabi ni Lenny ang salitang gusto niyang marinig. It washed away all the pains and insecurities. Ngayong alam niyang mahal siya nito'y nakahanda siyang ipaglaban ang damdamin nila sa isa't isa.

"Take me with you." she was sobbing unabashedly. "Ayokong sumama sa kanila. Dalhin mo ako kahit saan, Lenny..."

Hinagkan ni Lenny ang ibabaw ng ulo niya. Sinisikap pigilin ang emosyon. Ilang beses itong tumingala upang punuin ng hangin ang dibdib. Bahagyang inilayo ang dalaga at niyuko and cupped her face.

"Do you think I haven't thought of that?" he said in a constricted throat. "Iyan ang gusto kong gawin kagabi pa. Pero ikaw ang inaalala ko. I know you love your parents and they love you, too. Hindi natin parehong gugustuhing magkasama at patuloy na tumatakas mula sa mga magulang mo..."

"Ilalayo ako ng Daddy sa iyo..." her voice frantic, her fingers clutching at his shirt, her tears unstoppable.

A faint, tender smile formed his lips. "Saang bahagi ng mundo ka nila maitatago sa akin?" Pinahid nito ng mga daliri ang luha sa pisngi niya. "And don't you cry, my darling. We will see each other sooner than you expect."

"Paano kung hindi ko mapahinuhod si Daddy?" pahikbing tanong niya."Sshh..." He kissed her lips softly. "Let us reason it out with them, at kung walang mangyari'y..." he took a deep breath, at sa determinadong tinig ay, "Love has waited for such a long time, Dana. Nothing and no one will take you away from me. You are mine, mi alma. And I'll get you back. Promise."

Suminghot ang dalaga at tumango. Itinaas ni Lenny ang mukha niya, and whispered: "Tell me you love me... tell me so..."

"Oh, I love you so. You know I do," she whispered back. Maybe I have always loved you. In another time, another place. Maybe when we first met at the airport I subconsciously took your 

image with me back in time.

Atubiling pinakawalan na ni Lenny ang dalaga. "Adios, querida..."She shook her head frantically. "No! Anything but good-bye, Lenny..."Again, a little smile broke his lips. "Hasta la proxima vez, my darling..."She gasped softly. Suddenly she felt cold. She felt a certain deja vu. Tumalikod siya at humakbang patungo sa ferry boat. Ilang metro na ang layo niyon mula sa pantalan nang sumigaw ang binata.

"You can date... you can party and dance. But please don't fall in love!"

"I won't even dare look another man, I promise!" ganting sigaw ni Dana. Hindi umaalis sa barandilya ng ferry boat. Hindi niya gustong isiping nauulit ang paghihiwalay nila ni Leon noong 1928.

Ganoon din si Lenny na nanatili sa pantalan hanggang sa tila tuldok na lang sa karagatan ang ferry boat. 


**********Pasensya na mga beshie , ngayon lang. Medyo busy na kasi sa work kaya wala na me gaanong time sa inyo at medyo pagod na rin kasi ako pero don't worry,  kapag may time naman ay mag uupdate ako, tiwala lang. Thanks mga beshie. Enjoy reading. - Admin A ************

Kristine 16 - Hasta La Proxima Vez (Till Next Time) (UNEDITED) (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon