TULOY-TULOY ang dalaga sa silid ng pinsan at binuksan iyon nang walang pasubali. Subalit wala roon ang mga hinahanap niya. Binuksan din niya ang isa pang guest room but it was empty. Binaybay niya ang pasilyo. Ang dulo niyon ay labasan patungo sa back garden.
Hindi gaanong maliwanag ang bahaging iyon ng hardin. And she was expecting to find Charles and Cielo outside. Subalit sinalubong siya ng malamig na simoy ng hangin at ang samyo ng mga bulaklak sa ere. Hinanap ng mga mata sa paligid ang pinsan at si Charles subalit wala rin doon ang dalawa.
She groaned. Then filled her lungs with air. She would have loved to stay a little while at damhin ang katahimikan ng paligid subalit kailangang makita niya ang dalawa.
She was about to go back inside nang mapatda siya sa kinatatayuan. Nasa entrada si Lenny. Nakahilig sa nakatuping French doors. Ang mga kamay ay nakapasok sa bulsa ng pantalon.
"Hinahanap mo ba ang pinsan mo at ang... lover mo?"The soft light from afar silhouetted one side of his face. And it made him look like a phantom.
"He is not my—" she stopped in midsentence.
"He is not your what?" he mocked. "Not your lover?"
"Wala kang pakialam kung ano man ang relasyon ko kay Charles..." she hissed.
"I am making it my business," wika nito sa superyor na tono. "Because I cannot allow people clandestining in my home."
Nanlaki ang mga mata ng dalaga. "Did you think that Charles and I were—" Hindi niya mabigkas ang gustong sabihin.
"No. Hindi ko iniisip na may ginagawa kayong milagro ni Charles sa pamamahay ko. Dahil bukod sa hindi mangyayari iyon ay natitiyak kong wala kayong kaugnayang dalawa." Knowing it to be true sent relief to his tortured mind.
Napahinga nang malalim si Dana. "Why, you're very inconsistent, Mr. Fortalejo. Kahapon lang sa hotel ay inakusahan mo akong may ginagawa kami ni Charles sa loob ng silid. What made you change your opinion of me?" sarkastikong sabi niya.
"Relax, Dana. I am not picking a fight," he said lazily. Lumakad patungo sa wicker chair na nasa malapit sa dalaga at umupo roon. Itinaas ang dalawang binti sa wicker table. "I am sorry if I misjudged you yesterday... and even this morning, nang makita ko kayong nag-uusap sa labas."
Namangha ang dalaga, mula sa sinabi ng binata na lihim sila nitong pinagmasdan ni Charles at sa paghingi nito ng paumanhin. "Humihingi ka ng paumanhin? Tama ba ang narinig ko?"
Hindi pinansin ni Lenny ang panunuya niya. "Kahit wala pa marahil si Cielo na tila gustong umiyak sa tuwing nakikita ang malalagkit mong titig kay Charles ay hindi pa rin ako maniniwalang may relasyon ka sa lalaking iyon. Oh, well... not until I met him this morning at harapang makita kayong dalawa."
Kumunot ang noo niya. "At ano ang ibig mong sabihin?"
"Charles is too mild for you, querida. You practically treated him as if he were your younger brother. I couldn't be fooled by the intended flirtations," he said in an amused tone.She sighed. Hindi niya akalaing ang charade nila ni Charles ay agad na nahalata ng lalaking ito. Muli niyang itinuon ang mga mata sa dilim na para bang anumang sandali'y lilitaw sa likod ng mga halaman ang dalawa.
"I–I am trying to make my cousin jealous so she'd come to her senses. And I–I couldn't find them..."
"You took the wrong turn." Hindi itinago ni Lenny ang ngiti. Lumakad si Dana patungo sa naroroong mga wicker chairs at umupo sa katabing sofa.
"Mahal nila ang isa't isa. Hindi lang magawang sumuway ni Cielo sa mga magulang niya. Pero kung sa iyo manggagaling ang pag-ayaw ay—"
"Perhaps that can be remedied..."
BINABASA MO ANG
Kristine 16 - Hasta La Proxima Vez (Till Next Time) (UNEDITED) (COMPLETED)
RomanceDana Isabella-Diana and Joshua's daughter- was curiously reading her dead grandmother's diary nang sa pag-angat niya ng ulo'y kakaiba na ang kanyang kapaligiran. She was in the same house... the same room and the same bed... tamang oras, araw, at bu...