WHY IT felt heaven in his arms she couldn't tell. Hindi waltz ang nakapailanlang na musika kundi tango. Mas higit na mahirap isayaw ang tango kaysa waltz. And never in her life had she danced the tango. Subalit nakapagtatakang ni minsan man ay hindi kumabisala ang kanyang mga paa. Mahusay siyang isinasayaw ng lalaki. At may pakiramdam pa nga siyang tila kay gaan niya sa mga bisig ng estranghero.
"Alam mo ba ang pamagat ng ating isinasayaw?" bulong ng lalaki sa kanya nang sa isang pag-ikot ay hapitin siya nito. Ang hininga nito sa tainga niya ay nagdulot ng kakaibang init sa kanyang buong katawan.
"S-so tell me..."
"Kiss of Fire," he smiled as he twirled her around.
"Oh..." She almost gasped nang kumawala ang buhok niya sa pagkakaipit sa payneta. Inabot iyon ng lalaki bago mahulog at muling inilagay sa buhok niya sa papaanong paraan na lang.
"You have fiery hair, mi dulzura. May apoy din ba ang iyong mga halik?" Ang tinig nito ay nanunukso. At pilyo ang ngiting nasa mga labi nito.
"You are very forward..." she hissed softly. Inikot ang mga mata sa mga nakapaligid. Kinakabahang baka may mga nakarinig sa sinasabi ng lalaki. Her father had just announced her forthcoming marriage to Eman and here she was listening to another man's flirtation.
"Umalis tayo sa mga mata ng karamihan, Isabel," anyaya ng lalaki na tila nahuhulaan ang nasa isip niya. Dahan-dahan siyang isinayaw palayo sa gitna.
At hindi magawang tumanggi ng dalaga nang unti-unti silang humihiwalay sa karamihan. At sa ilang sandali pa ay nasa labas na sila sa may azotea, kung saan hindi gaanong abot ng liwanag mula sa bulwagan.
"H-hindi tayo dapat na lumabas dito," mabuway niyang protesta. "Baka hanapin ako ni Eman..."
"Hindi ako naniniwalang nag-aalala kang baka hinahanap ka ng iyong novio, Isabel." His handsome face was shadowed in the low light coming from the hall.
"Paano ka nakapagsasalita nang ganyan?" Bahagyang nanlaki ang mga mata niya sa sinabi nito.
"Inanunsiyo lang ni Papa ang aming nalalapit na kasal!"
"Hindi mo siya iniibig," marahang sabi nito. Subalit naulinigan ni Dana ang diin sa ilalim ng tinig. Pagkuwan ay hinapit siya nito at napasinghap si Dana sa kapangahasan. At napilitan siyang itukod ang dalawang palad sa dibdib ng lalaki. "Tulad ko sa iyo'y alam kong may damdamin ka sa akin, Isabel..."
"B-bitiwan mo ako... ni hindi kita nakikilala!"
Nagsalubong ang mga kilay ng lalaki nang may kung ilang sandali bago muling lumitaw ang ngiti nito.
"Hindi mo ako nakikilala?" ulit nito. "Paano kang nakapagkukunwari nang ganyan, mi amor? Iyan ba ang paraan mo para ako itaboy? Patutunayan ko sa iyong iba ang sinasabi ng iyong mga labi kaysa sa laman ng iyong puso..." Yumuko ito at alam ni Dana na hahagkan siya nito.
She would have waited for his lips to come down on hers with longing nang sa sulok ng mga mata niya ay mahagip ang isang anino sa may entrada ng azotea.
Mabilis niyang iniwas ang mukha, but his lips caught the corner of her lips. Ubod-lakas niyang itinulak ang lalaki at hawak ang saya ay nagmamadaling pumasok sa kabahayan. Nilampasan ang babaeng una niyang nabungaran sa silid niya. Si Consuelo.
Sa silid niya siya balak magtuloy subalit bago siya makarating doon ay nahawakan siya ni Consuelo sa braso.
"Hindi mabuti ang iyong ginagawa," akusa nito. "Paano kung si Eman ang naroon at hindi ako?"
"W-wala akong ginagawang masama," depensa niya. Hindi niya gusto ang nangyayari. In her damned dream, she was attracted to a handsome stranger. Bakit kay tagal naman ng kanyang panaginip? Bakit hindi siya magising-gising?
"Hindi pa ba masama sa iyo ang aking dinatnan? Halos hagkan ka niya at marahil ay nagpaubaya ka kung hindi mo ako nakita sa may pinto!"
"Wala kang karapatang—!"
"Narito lang pala kayong dalawa." si Eman na nakangiti at palapit sa kanila. "Masyado pang maaga para pag-isipan ninyong magpahinga. Hindi pa tapos ang kasayahan. At ikaw, Consuelo, nagdaramdam ang ibang mga kabinataan dahil wala ka roon..."
"Isayaw mo ang nobya mo, Eman," wika ni Consuelo na makahulugang tinitigan si Dana. "At huwag mong hihiwalayan ng tingin." Pagkasabi niyon ay ang sariling silid ang mabilis na tinungo ni Consuelo.
"Nagkakagalit ba kayong dalawa, Isabel?"
Umiling siya habang sinusundan ng tanaw si Consuelo. "H- hindi..." Ibinalik niya ang tingin kay Eman. "Tayo na sa bulwagan..."
BINABASA MO ANG
Kristine 16 - Hasta La Proxima Vez (Till Next Time) (UNEDITED) (COMPLETED)
RomanceDana Isabella-Diana and Joshua's daughter- was curiously reading her dead grandmother's diary nang sa pag-angat niya ng ulo'y kakaiba na ang kanyang kapaligiran. She was in the same house... the same room and the same bed... tamang oras, araw, at bu...