19

15K 478 40
                                    


"DANA, wake up!" yugyog ni Charles sa dalagang umiiyak habang natutulog. "Dana, wake up. You're dreaming..."

Napabalikwas ng gising si Dana. Namangha pa ito nang mamulatan si Charles.

"C–Charles?"

"You are crying in your sleep," wika ng binata at inabot ang tubig na ipinasok lang ni Aling Andeng.

"Charles, it's you!"

"Of course, it's me." Bahagyang nangiti ang binata. Alam na hindi inaasahan ni Dana na matutunan nito ang bahay ng abuela. "Here, uminom ka muna."

Subalit hindi pinansin ng dalaga ang baso ng tubig bagkus ay mabilis na tumayo at nagmamadaling lumabas ng silid. Tinakbo niya ang bintana at nanungaw. Abala ang buong paligid sa pang-araw-araw na takbo ng buhay. Ang groserya sa tapat ng bahay ay maraming mamimili. Maingay ang busina ng ilang pampasaherong jeep sa dako pa roon ng main road. May mga taxi siyang natanaw.

She was back!

Muling nagbalik sa silid ang dalaga. Nilampasan ang nagtatakang si Charles at si Aling Andeng. Binuksan niya ang lumang aparador. Naroon ang mga damit niya.

"N-nasaan ang mga damit ng Lola Isabel?"

"Hindi ba at nasabi ko sa iyo noong Martes na inilipat ko sa baul at nasa kabilang kuwarto," ani Aling Andeng. "Aanhin mo ang damit ng matanda, ineng?"

Hindi siya sumagot. Muling lumabas ng silid at pinasok ang unang silid na nakita. May natanaw na malaki at lumang baul. Binuksan iyon. Ang tumambad sa kanya'y ang mga baro't saya ng matanda at ang iba pang mga gamit ng isang may edad. Wala na roon ang mga gamit nito noong dalaga. Niluma na marahil ng panahon.

Humihingal na napaupo sa gilid ng katre si Dana.

"Hey, what's wrong?" si Charles na nakasandal sa hamba ng pinto. Takang-taka sa inaakto ng dalaga.

"N-nothing," she said.

"It's almost eleven in the morning, Dana," patuloy ni Charles. "Pero inabutan kitang tulog pa rin. And you were crying. That must have been some dream..."

Nanaginip nga lang ba siya? Bakit kay bigat-bigat ng dibdib niya? Bakit parang gusto pa rin niyang umiyak? Bakit tila isang mahalagang bahagi ng buhay niya ang nawala?

"Care to tell me what the dream was all about?"

"I–I can't remember anymore," sagot niya. Litong-lito. Tumayo at humakbang palabas. Dinadaanan ng tingin ang bawat bahagi ng bahay. Bumalik siya sa sariling silid. Dinampot ang baso ng tubig sa lamesita at inubos iyon. Pagkatapos ay hapong naupo sa gilid ng kama.

"Have I arrived at the wrong time, Dana?"

Tumaas ang tingin niya sa binata. "N-no. I–I am glad you came, Charles. I really am. You couldn't have arrived at a better time. P-papaano mong nalaman ang bahay na ito?"

"Isang araw lang ang pagitan ng biyahe natin. At nang dalawang araw na at hindi mo pa ako tinatawagan sa bahay namin sa Quezon City ay nag-overseas ako sa daddy mo at itinanong ko ang address dito sa Binondo."

Tumango siya. "Mabuti naman at natutuhan mo kaagad..." wala sa loob niyang sabi. She was still dazed.

"I was here yesterday and the day before," ani Charles. "Pero laging saradong lahat ang mga bintana. Kahapon ay gabi na akong pumarito pero madilim ang buong bahay. Naisip ko pa ngang baka sa hotel ka nagtuloy. Kung sa pagbabalik ko ngayon at wala ka pa rin ay tatawag na akong talaga sa Amerika upang itanong sa mommy mo kung saan kita makikita." Bahagyang nangunot ang noo nito sa pagkamangha sa mukha ni Dana.

Kristine 16 - Hasta La Proxima Vez (Till Next Time) (UNEDITED) (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon