27

16.3K 600 105
                                    


"WHAT was that all about, Leonard." si Jewel nang malabasan ang anak sa portico. 

"Nagmamagandang-loob lamang si Cielo na alagaan ang pinsan niya."

"Nada, Mama. I just thought that Cielo was here as our guest, not as a nurse," he lied. Nais sana niyang siya mismo ang magbantay kay Dana hanggang sa magising ito. Hindi niya masasabi sa ina iyon. Magtataka itong tiyak.

Sandaling hindi nagsalita si Jewel. Nasiyahan sa isinagot ng anak. Marahil ay unti-unti nang napapalapit si Lenny kay Cielo. Kapagkuwa'y tumingala sa anak. "Ang—ang pinsan niya?"

"What about her?"

"Paano siyang nakarating sa mausuleo? Surely, she wasn't lost. Malinaw ang mga palatandaan kung hanggang saan lamang maaaring mangabayo ang mga guest..."

"Natitiyak kong hindi siya naligaw," sang-ayon ng binata na bahagyang lumiit ang mga mata. 

"She must have wanted to see Cielo. Ang ipinagtataka ko lang ay kung bakit hindi na lang siya tumawag dito or asked someone at the reception to contact her." Hindi nito gustong sabihin sa ina na nang iniuuwi na niya ang dalaga'y nagsalita ito. In her delirium state, she had called 'Leon' a couple of times.

She must have reached the mausuleo before dark and have read the name on the tomb. Iyon ang lohikong paliwanag kung bakit inuusal ni Dana ang pangalan ng lolo niya.

"She is very beautiful," wala sa loob na nasabi ni Jewel. Nasa balintataw ang magandang mukha ng walang-malay na si Dana. Nang maisip na isinatinig ang nasasaisip ay, "Well, both cousins are beautiful in their own ways, aren't they, hijo?"

Hindi sumagot si Lenny at nagkibit ng mga balikat.

"HOW IS she?"

Napapitlag sa pagkakahilig sa sofa si Cielo nang bumukas ang pinto ng guest room at magsalita si Lenny.

"H-hindi na siya nilalagnat. She even moaned a while ago pero siguro'y hindi pa nawawalan ng bisa ang pampatulog na ibinigay ng doktor." Sinulyapan nito si Dana na tahimik na natutulog. Nakatuon din doon ang mga mata ng binata. Kapagkuwa'y ibinalik kay Cielo.

"Gusto ng Papa't Mama na dalhin dito ang hapunan mo. Pero naisip kong gusto mong kumain sa komedor. Kanina ka pa nakaupo riyan sa sofa. Maybe you want to stretch out." At bago pa muling makapagsalita si Cielo ay idinugtong, "She's out of fever now so there's no need to worry anymore. Hinihintay ka nila sa komedor."

"W-what about you?"

"I'll eat later." Tumango si Cielo at agad na lumabas ng silid. Si Lenny ay humakbang palapit sa kama. Matiim na pinagmasdan si Dana.

Alam niyang maganda ang babaeng ibinunggo ang cart sa may sakong niya. Subalit hindi niya akalaing sa malapitan ay hindi lang ito basta maganda. She was very beautiful. With skin so fair and so soft that would bruise with so much as a touch.

And her eyelashes were so dark against the whiteness of her skin. Her curly coppered hair looked so soft and silky that he had the longing to run his fingers on it.

Yuyuko sana ang binata upang hawiin mula sa noo ni Dana ang ilang hibla ng buhok nang umungol ang dalaga. Mabilis na binawi ni Lenny ang kamay at tumuwid ng tayo.

"Hmm..." si Dana, kasabay ng marahang pag-ungol. She felt a slight throbbing in her head. Tumaas ang kamay niya upang hawakan ang noo subalit nadagil na ng braso niya ang sa pakiramdam niya'y unan. It was soft. She wanted to think that she had just come to bed. Pero bakit siya nagising? Dapat bang bumangon na siya?

But she was so tired she could not believe it was morning yet. Nagmulat siya ng mga mata. Unti-unting nagkakahugis ang bultong nasa harap niya. Hanggang sa luminaw iyon sa kanyang mga paningin.

"Leon!" malakas niyang usal kasabay ng akmang pagbangon subalit nahawakan siya ng binata sa magkabilang balikat at muling ibinalik sa pagkakahiga.

"My name's Leonard, pero hindi Leon ang tawag sa akin," wika ng binata na sandaling nagsalubong ang mga kilay sa pagkamanghang nasa mukha ng dalaga. "Leon's my grandfather..."

Si Dana ay titig na titig sa kaharap. May kung ilang beses bumaba-tumaas ang mga mata sa binata. Ang royal blue sports shirt ay nakapailalaim sa kupas na maong. Though of the same height, Leon was lean and fair. This one's bigger and muscular and had a bronze skin. But those were the same features. Kahit ang paggalaw at facial expression ay pareho. Almost...except for the moustache and the color of the eyes.

"Y-you look like him—no. He looked like y—oh!" Bewildered, mariing ipinikit ni Dana ang mga mata. Subalit nanatiling nasa balintataw ang mukha ni Lenny. Agad ang paggana ng isip. This was the man she met at the airport!

Si Lenny ay yumuko. Itinaas ang kamay at dinama ang pisngi niya. Her eyes flew open. The touch was all too familiar that a shiver ran down her spine. But those were not brown eyes but coal-black eyes were boring into hers as if searching her very soul.

"Hindi ka na nilalagnat," wika ng binata. "So I don't think you are still in a delirious state."

"I-ikaw ang... ang hindi sinasadyang nabunggo ko sa airport..."He twisted his lips upward para sa isang matabang na ngiti. "Now, I'm sure you're okay..."

"S-saan ako naroroon?"

"Nasa Villa Kristine ka, Miss Romulo. My family's ancestral home. Natagpuan kita kaninang umaga sa mausuleo ng pamilya. You must have been there since yesterday afternoon...""M-mausuleo?"

"Yes. At walang malay kang nakasubsob sa mismong paanan ng nitso ni Don Leon Fortalejo."

Dana groaned. Unti-unting nagbalik sa isip ang nangyari kahapon ng hapon. Inabutan siya ng ulan at dilim. At wala siyang ideya na ang pinasok niya'y isang mausuleo.

"Huwag mong guluhin ang isip mo, Miss Romulo," ani Lenny. "Lalabas muna ako at magpapakuha ako ng pagkain mo. You must be very hungry. You've slept the day out." Humakbang ang binata patungo sa pinto.

May ilang sandali nang nakalabas si Lenny ay nakatitig pa rin sa pinto si Dana. Nagsasalit-salit sa isip ang anyo ni Leon Fortalejo at ang binatang kaharap niya.

No wonder Leon was so familiar when she first saw him in her time travel. Ang apo nitong nakabangga niya sa airport ang nasa isip niya. Maliban na lamang sa moustache ni Leon.

And he said his name was Leonard. Leonard Fortalejo. Ang lalaking ipinagkasundo kay Cielo!



**************Maraming salamat sa inyong lahat mga beshie. Hoping everything will be okay. Thank you again and take care and God bless. - Admin  A *************

Kristine 16 - Hasta La Proxima Vez (Till Next Time) (UNEDITED) (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon