14

14.7K 471 41
                                    


"NAPAPAGOD ka na ba, Isabel?" tanong ni Leon habang ang kamay nito ay patuloy sa pagguhit sa canvass.

Isang ngiti ang pinakawalan niya. "Nakaupo lang ako rito, Leon. Bakit ako mapapagod?"

Gumanti ng ngiti ang binata. "You have an American accent, alam mo ba iyon?"

"Dahil maraming taon akong—" She stopped in midsentence.

"Maraming taon kang ano?" kaswal nitong tanong habang patuloy sa ginagawa. Nagkibit siya ng mga balikat. "Hindi ko alam na nasimulan mo na palang iguhit ang larawan ko?" pag-iba niya sa usapan.

"Lihim kong sinimulang ipinta ang larawan mo mula sa aking alaala pagdating ng gabi... I like that mood... Si. Ganyan nga. Kay ganda mo, Isabel, kapag lumalabi ka nang ganyan," he said huskily. Sa isang sandali ay nakita ng dalaga ang pagnanasa sa mga mata nito bago ibinalik sa canvass ang paningin.

Hindi siya kumilos at sinunod ang gusto nitong mangyari. Pagkuwan ay, "tagasaan ka, Leon? Sino ang mga magulang mo? Bakit kailangan mong mangupahan dito sa bahay?"

"Don't move, Isabel," saway nito. Ilang sandaling hindi kumibo ang binata at seryosong iginuhit siya. "There..." Tumuwid ito ng tayo at ngumiti. Inilapag ang brush sa may easel at humakbang palapit sa kanya.

"Now, to answer your question—Ang ama ko'y isang purong Espanyol. But my mother's infieles—""Infieles?"

"Yes." Sandaling nagkalambong ang mga mata ni Leon. Subalit agad iyong nawala at matabang na ngumiti. "Sa literal na kahulugan ay unfaithful. Subalit iyon ang tawag ng mga Spaniards sa mga katutubo noong araw dahil hindi sila Kristiano..."

"I don't understand..." naguguluhang sabi niya.

"Ang aking ina'y anak ng isang katutubo sa Palawan. But then, let's not talk about her. Matagal na siyang wala."

Hindi matiyak ni Dana kung galit ang nakita niyang sandaling gumuhit sa mga mata nito.

"Sa Palawan nagmula ang pamilya ko, Isabel," patuloy nito. "Dalawang araw halos ang biyahe sa bapor bago makarating doon at ipinadala ako ng aking ama sa Maynila upang mag-aral. At gusto kitang dalhin doon." Kumislap ang mga mata nito sa pagkakatitig sa kanya. "Ipakita sa iyo ang kagandahan ng isla. There's nothing like it in the whole world."

"Gusto ko ring makita ang lugar na sinasabi mo, Leon," she whispered breathlessly. Nakatukod sa armrest ng silya niya ang mga bisig ni Leon at nakayuko ito sa kanya. At gusto niyang pagtakhan ang sarili kung bakit nananabik siyang mahagkan nito. At bakit maraming gabing laman ng isip niya ang binata? Bakit pinanabikan niya ang pag-uwi nito mula sa kolehiyong pinapasukan?

"At may di-kalakihang isla sa kalapit ng Palawan, Isabel." Ang hininga nito ay humahaplos sa pisngi ni Dana. Pinigil niya ang sariling huwag abutin ang leeg ng binata upang ilapit ang mga labi sa mga labi nito. "Pangarap kong maging akin ang islang iyon. Dalhin doon ang babaeng magiging kabiyak ng aking puso..."

She closed her eyes when she felt his lips murmuring against hers. "At ikaw iyon, mi dulzura... ikaw iyon. Te quierro mucho, Isabel...."

She closed her eyes and she had this aching desire to be loved by him. At ang hagkan siya hanggang sa dako pa roon. But she wasn't Isabel.

She was Dana. And she didn't belong to his time. May sarili siyang panahon. Though she had no desire to leave his time now, gusto niyang patuloy pang humaba ang panahong magkasama silang dalawa.

"I love you, Leon..." she sobbed as she said those words.

Hindi niya matiyak sa sarili kung bakit may kahalong lungkot ang pagbigkas niya ng pag-ibig dito. Hindi rin niya tiyak kung sino ang nagsabi niyon. Siya bilang si Isabel o siya bilang si Dana?

"I love you, too, Isabel. Alam kong alam mo iyan unang araw pa lang na makita kita rito sa azotea nang ipakilala ako sa iyo ng iyong ama..."

"Wala akong karapatang ibigin ka..."

"Iniibig mo na ako." He was softly nibbling her lower lip. "Hindi mo nagawang pigilan iyon, amada."

"I–I am engaged to be married, Leon," nalilitong sagot niya.

"You are not engaged, Dana!" protesta ng isip niya. "Si Isabel ang nakatakdang pakasal at hindi ikaw."

"Pero siya ay ako sa panahong ito. Oh, god! Ano ang gagawin ko?"

"Es a mi a quien amas y no a el. Ako ang mahal mo, hindi siya!" he said forcefully.

Bago pa siya makasagot ay hangos na lumabas sa azotea si Consuelo. "Tumayo ka at ayusin ang sarili, Isabel! Nariyan si Eman. Nakita ko ang pagdating ng kanyang coche." Isang masamang tingin ang ibinigay nito kay Leon at babala naman kay Dana bago ito muling mabilis na tumalikod.

"Iniibig mo ako, Isabel, at ganoon din ako sa iyo. Huwag mong parusahan ang ating mga sarili, por favor..." He almost begged.

Naguguluhang tumayo si Dana. Hindi niya kayang pakitunguhan ang nangyayari. Kumikilos siya sa dalawang katauhan.

"S-saka na lang tayo muling mag-usap. Please...."

Matagal bago sumagot ang binata. Pagkuwan ay tumango. "Si, mi amor. Mag-uusap tayong muli."

"T-thank you." Pagkasabi niyon ay mabilis siyang pumasok sa kabahayan tungo sa kanyang silid.

Si Leon ay tumayo rin at humakbang patungo sa canvass. Tinitigan ang nakaguhit na mukha ng babaeng kauna-unahang nagpatibok sa batang puso. Naroon ang walang kasiguruhan sa kanyang dibdib. Tumingala ito sa kalangitan at humugot ng malalim na paghinga. Sa salas ay naririnig niya ang maligayang pagsalubong ni Consuelo sa bagong dating na bisita.

Hindi na niya hinintay na lumabas si Isabel at marinig ang magiliw na pagbati nito sa kasintahan. Sa malaking hagdan sa azotea siya bumaba patungo sa likod-bahay at sa silid niya sa silong.


Kasalukuyang inaayos ni Dana ang sarili nang pumasok si Yaya Rosa sa kanyang silid.

"Gusto kitang makausap, Isabel..."

"Mahaba po ba ang sasabihin ninyo?" nakangiting tanong niya. "Naghihintay po sa labas si Eman..."

"Alam ko. Nakita kong sinalubong siya ni Consuelo." Huminga nang malalim ang matandang babae. "Isa lamang akong tagapag-alaga mo at katiwala sa bahay na ito, Isabel. Subalit itinuring kitang tunay na anak..."

Nagsasalubong ang mga kilay na binitiwan niya ang suklay sa tokador. "Bakit ganyan ang mga sinasabi ninyo?"

"Dahil ako ang kinakabahan sa ginagawa mo," wika nito na tumingin nang deretso sa kanya. "Sa akala mo ba'y maililihim mo sa akin ang pagkahumaling mo sa binatang Espanyol?""Oh."

Isang nakakaunawang buntong-hininga ang pinakawalan ng matandang babae. "Hindi kita gustong sisihin, hija. Si Leon ay makisig at muy simpatico. Subalit ikakasal ka na..."

Hindi siya makakibo. Ano ba ang dapat niyang sabihin? At kung ang damdamin niya para kay Leon ang pagbabasehan ay may katotohanan ang sinasabi ni Yaya Rosa.

"At hindi natin kilala si Leon maliban sa siya'y naging estudyante ng iyong papa. Si Eman ay kababata mo. Mula pa noong mga bata pa kayo'y hindi na inilihim ni Eman ang pagtatangi sa iyo. Sana'y huwag kang mabubulagan, Isabel."

Nag-angat siya ng tingin. "P-paano po kung sabihin ko sa inyong iniibig ko si Leon?"

"Madre de dios!" bulalas ng matanda. "Huwag mong sabihin iyan. Mapapahiya si Eman... ang papa mo... ang mga magulang niya!"

"Iyon ang aking nararamdaman, Yaya Rosa..." malungkot niyang pag-amin.

"Hindi ako naniniwalang pag-ibig ang nararamdaman mo sa binatang Espanyol, Isabel," mariing tanggi ng matandang babae. "Iyo'y paghanga lamang dahil siya'y makisig... dahil siya'y may pagkapilyo at masuyo at kasabay niyon ay ang awtoridad na tila ba nakatatak na sa kanyang katauhan."

Yes. Leon was all those things.

"L-lalabas na ako, Yaya..."

"Hija," pahabol na wika ng matandang babae. "Huwag mong hayaang guluhin ni Leon ang iyong pag-iisip. Si Eman ang lalaking nababagay sa iyo."

Kristine 16 - Hasta La Proxima Vez (Till Next Time) (UNEDITED) (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon