3

19.7K 620 38
                                    


"'MORNING," bati ni Dana sa mga magulang pagpasok sa dining room. Humila ng upuan at naupo sa harap ng ama at inabot ang coffee percolator. Nilunod ng tanong niya ang magkapanabay na sagot ng mga magulang. "Kaninong sulat iyang binabasa mo, Dad?" Hawak ni Joshua ang isang sulat at pormal ang anyo nito.

"Sa Pilipinas, Dana. Sa abogado ng Tiya Isabel..."

She frowned thoughtfully. Ang tinutukoy ng ama ay ang nakatatandang tiyahin nitong si Donya Isabel. Pinsang-makalawa ng Lola Antonia niya, ang namayapang ina ng ama. Donya Isabel was more than ten years older kaysa ina ni Joshua. Sa buong buhay niya ay mabibilang sa daliri ang pagkikita nila ng matandang babae.

Donya Isabel was already very old, in her early eighties, nang huli niya itong makita. And that was eight years ago, nang mamatay nga ang Lola Antonia niya. Naroon ito kasama ang dalawang bayarang pribadong nurses. A very eccentric old woman. At isa sa mga dahilan kung bakit hindi ito madalas na dalawin ng daddy niya ay dahil nagagalit at hindi pa naman daw ito mamamatay.

Sa kanya lamang malambot ang pakikitungo ni Donya Isabel. At ayon pa sa daddy niya, naroon ito mismo sa ospital nang ipanganak siya at mariing isinuhestiyon na tawagin siyang 'Isabel.' Sunod sa pangalan nito.

Diana protested strongly. Subalit mapilit ang matandang babae at nakiusap ang ina ni Joshua na pagbigyan na.

Napahinuhod si Diana. Subalit hindi ang mismong isinuhestiyon ng matandang babae. She was christened Dana Isabella. At habang lumalaki siya, at sa bibihirang pagkakataong naroroon silang mag-anak sa bahay nito, ay hindi miminsang sinabi ni Donya Isabel na kahawig siya nito noong kabataan nito.

At upang patunayan sa kanya ang sinasabi nito ay pinakitaan siya ng matanda ng isang lumang photo album kung saan marami itong larawan.

The photographs were black-and-white. Creased and faded. At bagaman nakita ng batang Dana na maganda si Donya Isabel noong kadalagahan nito ay hindi niya makita ang pagkakahawig nilang sinasabi nito. At sa batang isip niya ay hindi niya makuhang tanggapin iyon dahil malaki ang pagkakahawig niya sa ina. Pero hindi niya minsan man sinalungat si Donya Isabel sa sinasabi nito.

Nag-angat siya ng mukha sa ama. "What about her, Dad?"

"She died a week ago," tahimik na sagot ni Joshua. Then raised a guilty face to his wife. "I should have been there."

"Huwag mong sisihin ang sarili mo," ani Diana at naupo sa kanang bahagi ng mesa. "Sa pagkakakilala ko kay Tiya Isabel ay hindi niya gustong naroon tayo at pagmasdan ang anumang nararamdaman niya. She preferred to be with her nurses."

Agad ang pagkalat ng lungkot sa puso ni Dana. Kahit paano ay alam niyang mahal siya ng matandang tiyahin ng ama.

"Kapag ako'y namatay, Isabella," wika nito, refusing to use the name 'Dana.' Nasa azotea sila at ang matanda ay nakaupo sa isang lumang rocking chair. "...iiwan ko sa iyo ang bahay na ito." Inikot ng tingin ni Donya Isabel ang buong istruktura ng bahay. Memories in her rheumy eyes.

Sinundan ni Dana ang mga mata ng matandang babae. Walang ipinagkaiba ang bahay na iyon sa lumang bahay ni Juan Luna sa Badoc, Ilocos Norte, na nakita niya minsang nagkaroon ng field trip ang buong klase nila. Maliban sa higit na mas malaki ang bahay ng matandang babae.Muling ibinalik ni Donya Isabel ang tingin sa kanya. Ang kulubot nitong kamay ay ginagap ang palad niya.

"Maraming magaganda at malulungkot na mga kasaysayan mayroon ang bahay na ito, apo. Iyon ang dahilan kung bakit hindi ako napilit ng aking nasirang asawa na iwan at ipagbili ito."

She was very young, only thirteen, at wala pa sa isip ang sinasabi ng matandang babae. Ano ang gagawin ng isang batang tulad niya sa isang lumang bahay?

Kristine 16 - Hasta La Proxima Vez (Till Next Time) (UNEDITED) (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon