52

16.2K 562 18
                                    


INIHATID ng tanaw nina Dana at Lenny ang pribadong speedboat na maghahatid kina Charles at Cielo sa mainland nang hapong iyon. Hindi pumayag ang magkasintahan na ihatid ng chopper patungong Maynila. Gusto ng mga itong sa barko sumakay pabalik sa Maynila.

Nang malaman ni Bernard ang plano ng anak ay agad nitong tinawagan ng overseas call ang mga magulang ni Dana kinabukasan ng umaga. Subalit ayon sa katiwala'y inaasikaso ng mag-asawa ang mga papeles pabalik sa Pilipinas. Naging dahilan iyon upang mapabilis ang alis nina Charles at Cielo.

"Malayo na sila. Let's go," ani Lenny na inakbayan si Dana at inakay patungo sa baybayin."Hindi nag-aksaya ng panahon ang Daddy, Lenny," wika ng dalaga. "Darating sila anumang oras mula ngayon."

Hinigpitan ng binata ang pagkakaakbay sa kanya. "Good. Mapapabilis niyong lalo ang ating kasal." He planted a soft kiss on her temple.

Marahang kumawala si Dana at umupo sa buhangin. Niyakap ang mga binti at tumanaw sa karagatan. Ilang sandali pa'y palubog na ang araw. Nagsasabog ito ng malamlam na pulang liwanag sa asul na dagat. Ang mumunting alon ay banayad na humahalik sa dalampasigan. Muling lalayo at muli ring magbabalik. Ang kapayapaang nakikita niya'y kabaliktaran ng naguguluhang puso't isip niya.

Nagtungo siya sa Paso de Blas sa dalawang kadahilanan. Una'y upang tulungan si Cielo na huwag matuloy ang engagement nito kay Lenny alang-alang kay Charles. Pangalawa, ay ang kuryosidad niya kay Don Leon Fortalejo.

Now, she ended up being Lenny's fiancée. Kung paanong doon nauwi ang lahat sa napakabilis na pangyayari'y hindi niya maisip nang lubusan. Though in her heart of hearts, wala siyang nararamdamang pagtutol.

"Hindi na biro ang ginawa mong pagsasabi sa mga magulang mong pakakasal tayo, Lenny..." wika niya sa mahinang tinig.

"Sa palagay mo ba'y nagbibiro ako nang sabihin ko sa iyong gusto kitang pakasalan?"Hindi kumibo si Dana. She inhaled softly and filled her lungs with air. "I–I had a boyfriend once..." marahang wika niya makalipas ang ilang sandali. Ang mga mata'y nanatiling nakatuon sa dagat. "A couple of years back..."

"It doesn't matter," ani Lenny sa matigas na tinig. "I had my share of women, too..."

A soft sigh came out of her lips. "I've heard the traditions... that—that Fortalejos married virgins. Paano kung sabihin ko sa iyong hindi na ako—"

"Shut up!" he cut her angrily. "I said it doesn't matter. Virgin or not, I'll marry you!"

Tumingala siya rito. Nakatunghay ito sa kanya. The handsome face was etched with controlled anger.

"There's no need to be angry," wika ni Dana sa bahagyang naiiritang tinig.

"Ayokong pag-usapan ang bagay na iyan. Ang tungkol sa ibang lalaki! My parents assumed that you are a virgin. Tama na iyon."

"Don't you want to know if their assumption was right?" banayad niyang tanong sa naghahamong tinig. May gusto siyang malaman kung bakit pakakasalan siya ng lalaking ito. May gusto siyang marinig mula rito.

Huminga nang malalim si Lenny. Sinipa ang isang di-kalakihang bato sa paanan."I would know..." Bumaba ang mga mata nito sa kanya, meaningfully. "Kung hindi sa isa sa mga araw na ito ay sa gabi ng ating kasal." Pagkuwa'y tumigas ang mukha nito. "But I wish to hell that this would be the last time that we talk about this!"

Again, she let out a sigh. "Pumayag ako sa alok mong magpakasal tayo, yet I don't know why..." Perhaps because I do love you. Tumingala siya at tumitig sa mukha nito. "And I never had a man in my life."

For a while, nanatiling nakatitig sa kanya si Lenny. His eyes glinted with pleasure. Pumuwesto ito sa tabi niya at pagkuwa'y inilatag ang katawan sa buhangin. Iniunan ang mga braso."I offered to marry you, yet I don't know why ..." he countered softly. Ang mga mata'y nasa mukha ng dalagang nakayuko sa buhangin.

"Because you love her, nieto... you never proposed to anyone before. Never thought about any woman before..."

He groaned and closed his eyes tightly. He would have uttered an oath kung wala si Dana sa tabi niya.

"Something's wrong?" nag-aalalang niyuko ni Dana ang binata.

Agad ang pagmulat ng mga mata ni Lenny. A smiled formed his lips. "Nada... nada. Certain thoughts just wouldn't go away." Inalis nito ang isang braso mula sa pagkakaunan at pinaglaro ang mga daliri sa braso ng dalaga.

"Beautiful..." he murmured, ang mga mata'y nakatuon sa magandang mukha ni Dana. Ang mamula-mulang buhok ay nilalaro ng hanging amihan. His one hand reaching up and caressed her cheek. "So beautiful."

Dana resisted the urge to close her eyes at damhin ang haplos ng likod ng palad ni Lenny sa pisngi niya. Kung nakakailang buntong-hininga na siya'y hindi mabilang ng dalaga.

"Hindi ko alam kung bakit napapayag mo akong magpakasal sa iyo," marahang sabi niya. "Wala tayong alam sa isa't isa. How could our marriage work?" Sa tagong bahagi ng puso niya'y naroon ang pangambang baka ang pagpapakasal nila'y matulad lamang sa nangyari sa mommy niya at sa papa ng binata.

Bago makapagsalita si Lenny, mabilis niyang idinagdag ang nasa isip. "Your father and my mother married in haste... married each other for all the wrong reasons..."

"We will make it work, querida," ani Lenny sa determinadong tinig, ginagap ang kamay niya at dinala sa mga labi. He kissed the insides of her palms that a shiver travelled up her spine. "Sa bahagi ko, I promise that it will work..."

"Napakadaling mangako subalit paano natin gagawin iyon? Ni wala tayong pundasyon. N-not even... love," she said the last word hesitantly.

"You're so lovely I could die, I like the sexy way you sway your hips when you walk, I could drown in your eyes I'm afraid I'd never find my way out," he said flippantly. Sinisikap na idaan sa biro ang kaseryosuhang nasa mukha ng dalaga.

"Purely physical," ani Dana na napailing. Tipid na ngumiti. Hinagod ng tingin ang kabuuan ng binata at gumanti ng biro. "I like your body, too. Actually, it was your butt in those tight old faded jeans..."

He chuckled. "You'd like me better with my jeans off..."

"Lenny!" She turned red.Inabot ni Lenny ang buhok niya. Nilaro iyon ng mga daliri. "There's chemistry between us, querida. There's spark everytime you're near... And I do not just feel sexual about you. Since I met you, you fill up my mind... my senses," he admitted. He cupped her nape and pulled her gently towards him. "Let's kiss. Don't trouble your mind with nonsense..."

Dana helplessly submitted to him. Felt his mouth on hers. Felt the power of his arms and the heat from his body. Mahigpit niyang iniyakap ang mga braso sa binata. Meeting his kiss and giving herself to its magic. She felt wild and reckless.

Lenny brushed his thighs against her. Making her aware how he felt at the moment. "Lenny!" she gasped in horror as she felt the indisputable evidence of his arousal against her. Bahagya niyang itinulak ang binata."Dana... Dana..." usal ni Lenny at sapilitang pinakawalan ang mga labi niya. Itinukod ni Lenny ang braso sa buhangin at tinitigan siya. He couldn't help smiling at the deep color filling her cheeks. Her skin flawless. To him, she was perfect. Like fantasy came to life. He had never felt anything like this. Never held any woman like this."Kasingkulay ng sunset ang buhok mo, alam mo ba iyon?" he said breathlessly. He ran his fingers through her copper hair. Contrast ang buhok niya sa maputing buhangin.Marahan ang pagbaba-taas ng dibdib ng dalaga. She didn't want to meet his eyes. Hindi niya gustong mabasa ng binata ang anumang damdaming nakapaloob doon. That she had never wanted any thing else in this world as much as she had wanted him now. Alam niyang sinisikap ni Lenny na pigilan ang sarili. She could still feel his arousal on her body. "I wish I could make you mine now," he murmured. His thumb finger touched her well-kissed lips."Oh, lord. Me, too..." She opened her mouth and boldly licked his finger with her tongue. He groaned. Something like an agony.Pagkuwa'y mabilis na tumayo at inabot ang kamay sa kanya. "Tayo na. Baka hinahanap na tayo sa villa," he said in a rough voice.She frowned at the sudden rejection. Hurt in her eyes. Napaungol si Lenny at hinatak siya patayo at niyakap nang mahigpit."Huwag mo akong tingnan nang ganyan. I want you... so much that I feel like bursting like now. A man could just take so much...""Tell me you love me, please... tell me, Lenny..." she prayed silently.

Kristine 16 - Hasta La Proxima Vez (Till Next Time) (UNEDITED) (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon