SI LENNY nang mga sandaling iyon ay padabog na sumakay sa passenger seat sa unahan. Nilinga ang nabiglang si Cielo sa likuran ng Land Cruiser.
"So we've met, at last," wika nito sa tonong hindi naman talaga interesadong makilala ang babaeng ipinagkasundo sa kanya ng ama. Naroon siya sa pang-oobliga ng ama. "Maligayang pagdating," matabang nitong dagdag.
"H-hi..." mahinang sagot ng dalaga at hindi mapigilan ang bahagyang panlalaki ng mga mata nang matitigan ang binata.
Ito ba ang magiging kasintahan niya kung sakali? Oh, dear! Her future husband was jaw-dropping gorgeous! Ang maiitim na matang lalo pang pinaitim ng makakapal na pilikmata ay tila nanunuot sa buong pagkatao kung makatingin.
At nang maisip na matagal siyang nakatitig sa lalaki ay mabilis na nagyuko ng ulo ang dalaga. Pinamulahan ng mukha.
Lenny's lips twisted in a facsimile of a smile. "Your name's Cielo." It was more of a confirmation.Sinuyod ng tingin ang kabuuan ng dalaga. She looked sweet and pretty and shy. Napuna agad niya ang pamumula ng mukha nito sa matagal na pagkakatitig sa kanya.
"Yes." Unti-unting tumingala ang dalaga at nahihiyang sinalubong ang tingin ng binata. "And you're... Leonard?"
"Call me Lenny," he said arrogantly. "Iyon ang tawag ng lahat sa akin. Where's my driver?"
"Claiming my baggage..." mabilis na sagot ni Cielo. Nagsalubong ang mga kilay sa tono ng binata. Subalit bago pa nito ma-entertain sa isip ang unfiancélike na tono ni Lenny ay natanawan na nito ang driver.
Inilagay ng driver sa likod ng sasakyan ang dalawang bagahe ng dalaga. Pagkatapos ay sumakay na. "Ako na po ba ang magmamaneho, Sir?"
Tumango si Lenny. Wala siya sa mood na mag-drive. "Ideretso mo sa Kristine Cement sa Sucat, Arsenio. Sa penthouse muna kami tutuloy bago kami magtungo sa Paso de Blas bukas ng hapon."
"Yes, Sir."
Si Cielo ay pinigil ang pagnanais na itanong kung nasaan ang Paso de Blas. Pinili nitong manahimik na lang at sumandal.
Habang tumatakbo ang sasakyan ay inihilig ni Lenny ang ulo sa sandalan at pumikit. Wala siyang balak kausapin ang babae sa likod. If his father wanted him to get acquainted with this woman, so he would. Subalit tatanggapin ng babaeng ito ang paraan ng pakikitungo niya rito.
At sa nakikita niya ay hindi siya mahihirapang pakisamahan si Cielo. Shy and submissive to the bone. And a virginal beauty. Gusto niyang humalakhak sa bahaging iyon. She was a virgin—that at least was confirmed by her parents to his father. Isa iyon sa mga tradisyon ng pamilya. A virgin wife.
But he didn't care about traditions. He had stopped counting kung ilang virgins na ang nagdaan sa kanyang mga palad. Virgin, but innocent no more, na wala nang hinangad kundi ang mapaugnay sa kanya for all the same reasons—he was good-looking and very rich. The heir to the Fortalejo empire.
Karamihan sa mga iyon ay sadyang itinutulak ng mga ina na mapalapit sa kanya. Ang karamihan ay galing din naman sa mayayamang pamilya na gustong tiyaking mananatili silang mayaman sa sandaling naidikit ang pangalan sa mga Fortalejo.
"You are very young to be so cynical, Lenny." si Romano, minsang magkasama silang tatlo ng asawa nito sa bar ng Monique Hotel.
"Can't blame me, buddy. I haven't met someone like Bobbie." Sinulyapan at kinindatan niya si Bobbie.
A proud laugh came out of Romano at inakbayan ang asawa. "She's one in a million, my dear cousin. Not to mention that she has given me a son."
"Don't believe him, Lenny," ani Bobbie sa seryosong tono. "Maraming tulad ko sa mundong ito. Hanapin mo at kapag natagpuan mo'y huwag mong pakawalan subalit huwag mong ikulong. Don't let money and power come between you and the woman you love..."
BINABASA MO ANG
Kristine 16 - Hasta La Proxima Vez (Till Next Time) (UNEDITED) (COMPLETED)
RomanceDana Isabella-Diana and Joshua's daughter- was curiously reading her dead grandmother's diary nang sa pag-angat niya ng ulo'y kakaiba na ang kanyang kapaligiran. She was in the same house... the same room and the same bed... tamang oras, araw, at bu...