THE NEXT day ay nakilala ni Dana ang mag-asawang Bernard at Jewel. Kasabay siyang nag-almusal ng mga ito. Nalaman niyang maagang umalis ng bahay sina Lenny at Cielo. Ipinasyal ni Lenny ang pinsan niya.
She found Mrs. Fortalejo very pretty in an exotic way despite the age. She must be as old as her mother and couldn't help to compare both women. At wala siyang itulak-kabigin kung ang pisikal na atraksiyon ang pag-uusapan. But she couldn't take her eyes off Bernard Fortalejo.
Hindi lang dahil sa kabila ng edad ay naroon pa rin ang hindi maitatwang appeal. But because he was Leon's son. Lenny definitely got his looks from both his father and grandfather. Maliban sa mga mata na kinuha mula kay Mrs. Fortalejo. She'd trade everything just to have those exotic eyes.
And she wondered what would these couple say kung sasabihin niyang nakita, nakasama, at nayakap at nahagkan siya ni Leon Fortalejo?
Then she had a sudden curiosity sa lalaking pinakasalan at hiniwalayan ng mommy niya. She wondered why. Not that he regretted that Joshua was her father. Far from it. Nothing and no one could replace his father in her heart. She loved him and he loved her.
Bernard cleared his throat sa obvious na pagtitig ng dalaga sa kanya. Jewel smiled silently.
"So, you and Cielo are cousins?" si Bernard at inabot ang tasa ng kape at humigop."Yes, Sir. Her father's my Dad's distant cousin. And oh, I'm Diana's daughter. Your ex-wife."Sukat sa sinabi niya'y naubo si Bernard habang hinihigop ang kape. Wala sa oras na naibagsak nito ang tasa pabalik sa platito. Mabilis na inabutan ng cloth napkin ni Jewel ang asawa dahil tumapon sa polo shirt nito ang kape.
"I'm sorry if it surprised you both," hinging-paumanhin ng dalaga sa mababang tinig. She was sorry she blurted it out like that pero mas mabuti na iyong malaman ng mag-asawa mula sa kanya kung sino ang inaruga nila.
"Surprise is an understatement, young lady," ani Bernard na babahagya pa lang naka-recover sa pagkabigla. Pinunasan ng napkin ang kapeng tumapon sa damit. Pagkatapos ay hinagod ng tingin ang dalagang nasa harap. She was like Diana in some ways. Very beautiful and straightforward. Yet different altogether. Kapagkuwa'y nilinga ang asawa. "No wonder she looked so familiar..."
Tumango si Jewel na ang pagkabigla'y hindi rin naitago. "Such a small world," banayad nitong sinabi with a hint of irony in her voice. Pero natakpan iyon ng totoong ngiti. "Looking at you now, para kong nakita ang mommy mo many years ago." Hindi kailanman lalabo sa alaala ni Jewel ang sandaling nagpaalam si Diana at sabihin sa kanyang malaya na silang dalawa ni Bernard. Para dito, that was the turning point of their lives.
"Magkahawig kayo ni Diana, hija. Hindi ko lang kaagad naiugnay nang una kitang makita kahapon ng umaga." si Bernard, still couldn't believe na sa tinagal-tagal ng panahon ay magkakaroon uli ito ng ugnayan kay Diana.
Life really was full of surprises. He should know better.
Isang ngiti ang pinakawalan ni Dana at tinusok ng tinidor ang melon sa plato. "So they all tell me and unfair to my Dad. I've got some of his physical traits."
"Well, I couldn't agree to that," nakangiti nang wika ni Bernard. Humingi ng panibagong tasa sa katulong at muling nagsalin ng kape. "Joshua and I never had the chance to meet properly. How are your parents?"
"They're fine, Sir. Thank you for asking. They knew I would soon be meeting you because of Cielo." Binalingan niya si Jewel. "Have you met my Mom?"
"Yes, of course," sagot ni Jewel. Bahagyang nailang. May ibang pahiwatig sa ilalim ng tanong ng dalaga.
"And just as I thought that nothing in this life would surprise me anymore," ani Bernard na bahagyang tumawa. And then wisely coursed the conversation to a safer topic. Cielo for one. Kung paano silang naging magpinsan.
Tapos na silang kumain nang magpaalam si Dana. "Gusto kong magpasalamat sa pagtanggap ninyo sa akin dito, Ma'am... Sir," aniya na pinong ngumiti. "Pero kailangang makabalik na ako sa hotel. Baka nag-aalala na sa akin ang kasama ko."
"There's no need for you to go back to the hotel, hija." si Bernard na pinunasan ng napkin ang bibig. "Tatlo ang guest rooms sa bahay na ito. And we are inviting you to stay..." Nilingon nito si Jewel na tumango rin.
"My husband's right, Dana." Tumango si Jewel at tumayo na. Sumunod si Bernard at si Dana. "Malayo ang pagitan ng hotel at ang villa para sa inyo ni Cielo."
Alanganing pinaglipat-lipat ni Dana ang mga mata sa mag-asawa. "If... if it's all right with you—"
"You are very much welcome to stay." si Jewel at hinawakan ang dalaga sa balikat bilang kumpirmasyon ng sinseridad. "Besides, may party na gaganapin dito sa villa sa makalawa ng gabi. Anniversary naming mag-asawa. You are invited."
"Oh!" marahang bulalas ni Dana. "It is actually a small party, Dana. Two or three close friends and relatives. Yaong naririto lamang sa Pilipinas. Those who could actually come in an instant notice." Isang buntong-hininga ang pinakawalan ni Bernard at sinulyapan ang asawa. Tinapos ang pagkain at tumayo."Magtatampo ang tatlong mga anak naming nasa Amerika. Kagabi lamang namin napagpasyahang mag-asawa na magdaos ng maliit na party sa makalawa. Hindi pa namin nasasabi ito kay Lenny. At ang balak naming mag-asawa ay samantalahin ang pagkakataon upang ianunsiyo ang engagement ni Lenny kay Cielo. Hinihintay lamang namin ang go-signal ng aming binata," ani Jewel.Sukat sa sinabing iyon ni Jewel ay bumangon ang pag-aalala sa dibdib ni Dana para kay Charles."Maiiwan ko na kayong dalawa." Nilapitan ni Bernard ang asawa at hinagkan sa pisngi. "I have to change my shirt fast, darling. Kanina pa sa labas ang pilot at ang chopper. May meeting ako sa KC ng alas-onse. Can you handle the catering service or shall I ask my secretary to—""Ako na ang bahala roon," assurance ni Jewel at humakbang kasabay ni Bernard patungo sa hagdan."In that case, sa mismong gabi ng anniversary natin na ako darating. Sunod-sunod ang mga meetings ko, darling." Inakbayan nito ang asawa.
BINABASA MO ANG
Kristine 16 - Hasta La Proxima Vez (Till Next Time) (UNEDITED) (COMPLETED)
RomanceDana Isabella-Diana and Joshua's daughter- was curiously reading her dead grandmother's diary nang sa pag-angat niya ng ulo'y kakaiba na ang kanyang kapaligiran. She was in the same house... the same room and the same bed... tamang oras, araw, at bu...