SA SASAKYAN ay walang-kibuan ang dalawa. She could feel the sexual tension between them. Gusto niyang mapahiya sa ginawa subalit hindi naman kumikibo si Lenny kaya nanatiling panatag ang loob niya.
Inihatid siya ng binata sa puno ng hagdan.
"If it were possible that we marry today, I would have done so..." wika nito sa pabulong na paraan.
"Para magawa mo ang gusto mong gawin sa akin, ganoon ba?" she teased.
"I could easily do that without the sanctity of marriage," he said arrogantly. "Tulad kanina, 'di ba?"
Pinamulahan si Dana roon at agad na naningkit ang mga mata upang pagtakpan ang embarassment. "You concei—" Hindi niya nakuhang tapusin ang sinasabi dahil tinakpan ng daliri ni Lenny ang mga labi niya.
"Don't be embarrased. Alam mong totoo ang sinasabi ko dahil pareho tayo ng nararamdaman. But I want to do the right thing, mi alma. I want to make slow and sweet love to you aboard Precious. On our honeymoon. We will set sail to the Carribean..." wika nito kasabay ng pagkibit ng mga balikat. "I don't know why I suddenly feel so honorable when days ago I would have wanted to make you mine anywhere and anytime. Maybe you're a witch. You cast your magic spell on me." He grinned.
She smiled at him. Her heart swelled with love. "I–I'm taking a shower..." The words she wanted to hear left unspoken. Subalit ang sinasabi at ginagawa nito'y nakasisiya na sa kanya. Higit sa lahat he was marrying her.
"Hurry up. Hihintayin kita sa dining room."
Patalikod na si Lenny sa hagdan upang magtungo sa kusina nang madaanan ng mga mata niya ang mga portrait na nakasabit sa dingding.
He thought of Dana's portrait hanging on the wall next to him. The thought pleased him so and smiled.
GALING sila ni Lenny sa de Silva farm nang araw na iyon. Nakilala na siya ng mag-asawang de Silva noong anniversary party nina Bernard at Jewel. Naipakilala na siya bilang ang fiancée ni Lenny. Subalit hindi ang katotohanang anak siya ni Diana.
Maliban sa initial surprise ng mag-asawa ay malugod siyang tinanggap ng mga ito. Nauwi ang usapan sa pagkumusta sa mga magulang ng dalaga.
Pagkatapos nilang mananghalian ay ipinasyal siya ng binata sa ilang bahagi ng isla. It would take more days bago niya maikot at makitang lahat ang kabuuan ng Paso de Blas. She was sure hotel guests would pay a king's ransom makita lamang ang makapigil-hiningang tanawing ipinakita sa kanya ni Lenny. Ang huling pinagdalhan sa kanya'y ang batis sa gitna ng gubat.
"This lake is private, too," ani Lenny na inalalayan siyang bumaba mula sa kabayo. Pumitas ng isang ligaw na bulaklak at inilagay sa buhok niya. "This place is so special for my Uncle Zandro and Auntie Jenny. Some of their wedding anniversaries were spent in this place."
"Why?" she asked curiously, pinagsawa ang mga mata sa kagandahan ng lugar. Maliban sa lagaslas ng munting waterfall at awitan ng mga ibon ay wala nang maririnig. There were wild flowers everywhere sa iba't ibang naggagandahang kulay.
Nagkibit ng mga balikat ang binata. "They never told us why... but we could guess." He grinned. A malicious boyish grin. "Want us to duplicate whatever it was that happened here many years ago? We could make it better..."
"Lenny!" Mabilis siyang tumalikod subalit nahagip ni Lenny ang braso niya.
"You're blushing, querida..." He chuckled. Yumuko at dinampian ng halik ang mga labi niya. But the kiss became long, and sweet. And when it ended, Lenny's breathing was shallow and uneven. "You're a temptation..."
BINABASA MO ANG
Kristine 16 - Hasta La Proxima Vez (Till Next Time) (UNEDITED) (COMPLETED)
RomantizmDana Isabella-Diana and Joshua's daughter- was curiously reading her dead grandmother's diary nang sa pag-angat niya ng ulo'y kakaiba na ang kanyang kapaligiran. She was in the same house... the same room and the same bed... tamang oras, araw, at bu...