"TAWAGAN mo sa kabisera si Dr. Caballo, Elsie. Kailangan ko siya rito, ahora!" utos ni Lenny sa dalagitang katuwang sa villa.
"Opo, Sir."
Sina Bernard at Jewel na pababa ng hagdanan ay parehong nagkatinginan nang makita ang anak at may buhat na babae.
"Sino ang babaeng iyan, Lenny?" si Jewel na sandaling nahinto sa pagbaba.
"No se, Mama." Tiningala ni Lenny ang pababang ina. "Nakita ko siya sa mausuleo. Sa mismong nitso ng Lolo, soaking wet. And she's running a high temperature."
"Take her to the guest room, hijo," utos ni Jewel sa anak. Pagkatapos ay tinawag ang isang katulong. "Kumuha ka ng cotton robe sa aparador ko, Seling."
Ipinasok ni Lenny sa guest room si Dana at inihiga sa kama. Kasunod nito ang mga magulang.
"Lumabas kayong mag-ama at tatanggalan ko siya ng basang damit," utos nito sa dalawa. Kapagkuwa'y muling ibinaling ang tingin sa walang-malay na si Dana. "What could have happened to her?"
"Gamit niya ang kabayo ng hotel. Must be one of the guests," sagot ni Lenny na sandaling itinuon ang mga mata sa mukha ni Dana bago pumihit patungo sa pinto. "Tatawagan ko ang hotel."
"She reminded me of someone, darling," ani Bernard na titig na titig sa mukha ng dalaga. "Anyway, lalabas na muna ako. Do you want your coffee brought here?"
"Yes, please."
"ANO ang sabi ng reception?" tanong ni Bernard sa anak nang maibaba nito ang telepono.
"She arrived yesterday afternoon, Papa. Her name is Dana Isabella Romulo. At may kasama siya, a certain Charles Arboleda."
"Dana and Charles!"
Napalingon ang mag-ama kay Cielo na nasa ibaba na ng hagdan.
"Kilala mo sila?" magkapanabay pang tanong ng mag-ama na nagkatinginan.
"D-Dana's my... my cousin. And... and Charles'—" hindi itinuloy ni Cielo ang akmang pagpapakilala sa boyfriend. "N-nasa hotel ba sila?"Nagsalubong ang mga kilay ni Lenny. "So, tama si Arsenio. Nang dumating ka'y may kasama kang isa pang babae. At ang pinsan mo iyon?"
"Y-yes—" nagyuko ng ulo si Cielo. Ilang araw na mula nang magkita at magkasama sila ni Lenny subalit hindi pa rin nito matutuhang mapalagay sa harap ng binata. The man was too sure of himself... too arrogant. Hindi nito kayang pakibagayan. "I–I want to see her," wika ng dalaga at nag-angat ng mukha. Sinikap itago ang excitement sa tinig. "If... if someone would take me to the hote—"
"Nasa guest room ang pinsan mo, Cielo," wika ni Lenny na ang mga mata'y patuloy sa pang-uuri sa dalaga.
"Dana's here? In this house?"
"Hindi mo pa siya makakausap dahil wala siyang malay at inaapoy ng lagnat. Now, if you are kind enough to tell us about your cousin and this—Charles, then I am very willing to listen," he said with a hint of sarcasm in his voice.
"Hijo." si Bernard. "Pag-usapan natin ito sa komedor. Hayaan mong makapagkape si Cielo. Halika, hija..."
Nakahinga nang maluwag si Cielo at sumunod sa nakatatandang Fortalejo.
"KUMUSTA siya, doktor?" tanong ni Lenny nang matapos matingnan ng manggagamot si Dana.
"Tinurukan ko siya ng pampababa ng lagnat, Mr. Fortalejo," sagot nito habang inililigpit ang mga gamit. "And she might sleep through the day. Pagkalipas ng apat na oras ay ipainom ninyo ang tabletang ito." Ipinakita nito sa lahat ang ilang tableta na nasa night table kasama ang reseta
"...and every four hours thereafter. At kung hindi bumaba ang lagnat niya hanggang mamayang hapon ay kailangang mai-confine siya. I'm afraid it could be pneumonia." Inikot nito ng tingin ang mag-anak na nasa silid, kasama si Cielo na humakbang at naupo sa gilid ng kama ni Dana. "Tutuloy na muna ako."
"Thank you, Alfred." Tinapik ni Bernard sa balikat ang doktor at sinamahan sa labas.Si Cielo ay tumingala kay Jewel. "I–I will nurse her, Mrs. Fortalejo."
"No. I don't think—" si Lenny na naputol ang sinasabi nang hawakan ng ina sa braso.
"Of course, Cielo. Magugulat ang pinsan mo kung sa pagbabalik ng malay niya'y mamulatan niyang nasa isang estrangherong silid siya. Mabuti na ngang nasa tabi ka niya sa sandaling magkamalay siya, 'di ba, hijo?" isang warning look ang ibinigay ni Jewel sa anak.
Hindi kumibo si Lenny pero lumabas ng silid.
BINABASA MO ANG
Kristine 16 - Hasta La Proxima Vez (Till Next Time) (UNEDITED) (COMPLETED)
RomanceDana Isabella-Diana and Joshua's daughter- was curiously reading her dead grandmother's diary nang sa pag-angat niya ng ulo'y kakaiba na ang kanyang kapaligiran. She was in the same house... the same room and the same bed... tamang oras, araw, at bu...