PALABAS si Dana sa silid nang masalubong niya sa pasilyo ang isang katulong.
"Magandang umaga po, ma'am," bati nito. "Kakain na po ba kayo?"
"Nasa dining room ba ang mag-asawa?"
"Maaga pong umalis si Señor Bernard kasama si Señora patungo sa lawa, Ma'am. Mamimingwit marahil," sagot ng katulong.
"Ang... Sir Lenny mo?"
"Hindi ko pa ho nakitang bumaba. Baka nasa silid pa niya..."
"Aling silid ang okupado niya sa itaas?" Kasabay ng tanong niya'y ang pagtingala sa ikalawang palapag. Ang ikalawang palapag ng villa ay nakapaikot sa malaking sala. Ang pinakagitna ng bulwagan ay isang malaking aranya na nakasabit mula sa mismong kisame ng bahay.
"Iyon pong dating ginagamit ni Señor Leon." Tumingala rin ang katulong.
Kung nag-aalangan siyang panhikin ito'y nawala nang marinig ang pangalan ni Leon. "Alin doon?"
"Pangatlo po mula sa kaliwa, iyong dulo."
Nagpasalamat siya sa katulong. At nang lumakad ito pabalik sa dining room ay atubili niyang tinungo ang malaking hagdan at pumanhik. Muli niyang natingala ang malaking larawan ni Don Leon sa dingding.
"I missed you, Leon, kahit hindi ko na maaninag sa larawan mo ang Leon na nakilala ko back in time," she whispered softly. "At hindi ko iisiping kagagawan mong lahat ito... No. Because you are dead. And dead people are conscious of nothing at all. So you have nothing to do with my life... my meeting with your grandson. Nangyayari ang lahat ng ito dahil ito ang daloy ng buhay ko... ng buhay namin. Kung ano man ang mangyayari sa amin sa susunod na mga araw ay dahil iyon ang gusto naming mangyari... Ang tao ang gumagawa ng sarili nilang buhay..."
Humugot siya ng malalim na paghinga at ipinagpatuloy ang pagpanhik. Sa sitting room sa itaas ay kumaliwa ang dalaga. Binaybay ang pasilyong ang tanging pagitan sa ibabang bahay ay ang barandilya.
Huminto siya sa paghakbang sa ikatlong pinto. Alanganing itinaas ang kamay at marahang kumatok. Naghintay ng ilang sandali bago muling kumatok nang wala siyang marinig na kumikilos mula sa loob.
Pinihit niya ang seradura nang wala pa ring sumagot sa katok niya. Naroon ang kuryosidad na iyon ay dating silid ni Don Leon, pinihit niya ang seradura. Bukas iyon.
Itinulak niya at sumilip. Sinalubong siya ng banayad na musika. Soft jazz.
Nilakihan niya ang awang ng pinto. Natambad sa kanya ang malaking silid. Sa malaking four-poster bed ay naroon ang magulo pang higaang hindi pa naililigpit. The imprint of Lenny's head was still visible on his pillow. Sa paanan niyon ay isang malaking chest. Must be more than a hundred-year-old antique chest.
Sa isang antigong mesa'y naroon ang isang modernong computer. Walang TV set at component sa loob ng silid but she saw CDs and VCD. So the computer served all the purpose. Nakabukas iyon at doon nanggagaling ang musikang naririnig niya. Beside the antique table was a personal ref.
Maliban sa mga iyon ay wala nang ibang modernong kasangkapan sa loob ng silid. Ganoon ma'y higit iyong marangya kaysa sa silid ni Doña Isabel. Mula sa ibabaw ng isang bureau ay naka-display roon ang ilang picture frames ni Lenny. Lenny with that big stallion... Lenny with friends na sa tantiya niya'y kuha sa Texas. Lenny with his sisters and brother... with his parents; and Lenny on skating board. She could guess it was taken in Lake Tahoe in Nevada.
Humakbang siya patungo sa luma at magkadikit na malalaking aparador. Nakita niya ang repleksiyon ng sarili sa malaking salamin. Bahagya pa siyang nagulat. Tila siya magnanakaw sa ginagawa. Sa gilid ng aparador ay bookshelves na kapantay rin ng aparador ang taas.
Lumakad si Dana patungo sa bookshelves. Dalawang shelves lamang ang may nakahilerang libro. At sa tingin ng dalaga'y ang mga gamit ni Lenny noong ito'y nag-aaral pa.
Electrical engineering. Iyon ang tinapos ng binata sa ibang bansa. She saw the diploma gayundin ang certificate ng pagkapasa sa board.
Then something caught her eye. Sa dulo ng estante. Tumingala siya. Isa iyong lumang kuwadro...
"Leon..."
She moved closer and tried to reach the picture frame. Subalit hindi iyon abot ng kamay niya. She tiptoed at muling sinikap na abutin ang kuwadro. Subalit ni hindi niya naabot iyon dahil bukod sa mataas na para sa kanya ang huling shelf ay nasa bandang gitna pa ang kuwadro. Dumulas ang kamay niya at nawalan siya ng panimbang. At sa takot na matumba'y napakapit siya sa ilalim ng tabla ng panghuling estante.
Sa pagkabigla ng dalaga'y gumalaw ang buong bookshelves at umikot iyon kasama siya dahil nakahawak siya sa upper shelf.
Napatili nang wala sa oras si Dana. Nakabitaw sa pagkakahawak sa estante. Bumagsak siya at napalugmok sa sahig.
*************Kamusta ang lahat, nakatulog ako kagabi , grabe ang pagod much ko nitong mga nagdaang araw at patuloy pa. :( Enjoy sa pagbabasa mga beshie. Take care and God bless. - Admin A
If may comments kayo at free time please feel free to comments and votes char hahahaha - Admin A *****************************
BINABASA MO ANG
Kristine 16 - Hasta La Proxima Vez (Till Next Time) (UNEDITED) (COMPLETED)
RomanceDana Isabella-Diana and Joshua's daughter- was curiously reading her dead grandmother's diary nang sa pag-angat niya ng ulo'y kakaiba na ang kanyang kapaligiran. She was in the same house... the same room and the same bed... tamang oras, araw, at bu...