"IS ANYTHING the matter?" si Charles sa dalaga na nakatitig sa kawalan. Hawak pa rin sa kamay ang telepono na ilang sandali nang naibaba sa kabilang linya. "What is wrong? I hope it isn't bad news?" Kinuha nito sa kamay niya ang telepono at ibinalik sa cradle.Dana blinked the tears that threatened to fall. Sapilitang ngumiti at tumingala sa binata.
"N-no... it isn't bad news." humakbang siya patungo sa kinaroroonan ng bag at inilagay sa balikat. "Tayo nang bumalik sa Binondo, Charles. Baka naroon na si Attorney Palomares."
Nagtataka ma'y walang-kibong sumunod sa dalaga si Charles. Nanatiling tahimik si Dana sa loob ng sasakyan. Sa paningin ng binata ay tila kay layo ng iniisip. Napapailing si Charles na nag-
concentrate sa pagmamaneho.
PAGDATING nila sa bahay sa Binondo ay naghihintay na roon si Attorney Palomares. Tulad ni Charles ay hindi miminsang nagbalik ang abogado sa bahay subalit sarado iyon. Ipinagpasalamat ni Dana na hindi na nagtanong ang abogado kung saan siya nagpunta.
"At siyanga pala, hija," wika ng abogado pagkatapos pirmahan ni Dana ang pagsasalin sa kanya ng bahay at lupa ni Doña Isabelita. "Dala ko rito ang susi sa safety deposit ni Doña Isabelita sa bangko." Iniabot nito sa kanya ang susi. "You know bank procedures. Identifications and all that..."
"Ano pa ba ang nasa safety deposit, Attorney?" she asked warily. "Kayo na rin mismo ang nagsabing walang pera ang Lola Isabelita..."
Nagkibit ng mga balikat ang abogado. "Para sa mga tulad ni Doña Isabelita, Dana, ang mga alaala'y kasinghalaga ng kayamanan. Maaaring iyon ang laman ng safety box. Memoir."
She could only agree to that. "Dadaan kami sa bangko, Attorney. At siguro'y may ilang araw din akong mawawala." sinulyapan niya si Charles na tahimik na nakamasid sa kanila. Bago sila umuwi'y natawagan na niya ang Kristine Cement at sinabing nasa Paso de Blas si Bernard Fortalejo at ang anak nito, kasama ang isang bisitang dalaga. "Saka na lang ho natin pag-usapan ang renovation..."
"Ikaw ang bahala, hija. Magpapaalam na ako."
"THANK you," nakangiting sabi niya sa manager ng bangko nang ilagay sa harap niya ang laman ng safety deposit box ni Doña Isabelita.
"You're welcome, Miss Romulo," magalang na sabi nito. "Puwede mong suriin ang laman dito, kung gusto mo."
"It's unnecessary, thank you." Tumayo siya at inilahad ang kamay upang kamayan ang manager. Pagkatapos ay tumalikod na siya palabas ng bangko.
"That small box?" si Charles nang nakasakay na siya sa kotse. "Nakita mo na ba ang laman niyan?"
"Ngayon ko pa lang bubuksan," aniya. But the jewelry box was so familiar, gusto niyang idugtong, but held herself.
May kung ilang sandaling tinitigan niya ang jewelry box bago sinimulan niyang tanggalin ang buhol ng pink ribbon na nakapaikot dito. She was about to lift the lid nang...
"Dyan... dya... rann...!" nakatawang sabi ni Charles.
"Shut up!" nakangiti niyang siko sa binata. Ipinagpatuloy ang pagbubukas. She inhaled softly nang makita ang ilang pirasong mga alahas ni Doña Isabelita. The ones that she'd seen on her chest drawer.
"Your grandmother's jewelries." si Charles nang malingunan ang laman ng kahon. "Wow! Look at those stones, Dana. Hindi biro ang halaga ng mga iyan. Malalaki at tiyak na genuine ang mga bato."
Tumango siya. Muli'y lumukob ang lungkot sa buong pagkatao niya. Hindi ganoon karami ang mga alahas. Subalit ang halaga'y labis-labis upang matustusan ang mga pangangailangan ng matanda sa nakalipas na apat na taon. Doña Isabelita had not died a pauper. Hindi lang gustong galawin ng matanda ang mga bagay na inaakala nitong para sa kanya.
Sinikap niyang huwag lumabas ang mga hikbi sa bibig niya. I don't deserve this, grandma. Hindi ko nagawa ang gusto ninyong mangyari. I am so sorry..."
She closed her eyes at sumandal. Iginalang ni Charles ang pananahimik niya at may ilang sandali ring nasa ganoong ayos si Dana. Kapagkuwa'y nilinga ang binata.
"Can I ask a favor, Charles?"
"Anytime."
BINABASA MO ANG
Kristine 16 - Hasta La Proxima Vez (Till Next Time) (UNEDITED) (COMPLETED)
RomanceDana Isabella-Diana and Joshua's daughter- was curiously reading her dead grandmother's diary nang sa pag-angat niya ng ulo'y kakaiba na ang kanyang kapaligiran. She was in the same house... the same room and the same bed... tamang oras, araw, at bu...