18

14.2K 497 75
                                    


SA MISMONG sandaling iyon ay nagdesisyon si Dana.

"P-pakakasal ako sa iyo, Eman," she said in a quivering voice.

No!

Itinaas ni Eman si Dana at niyakap nang mahigpit. Gustong pakawalan si Isabel kay Leon subalit hindi niya kayang mawala ang dalaga. Buong buhay niya ay minahal niya si Isabel. Walang naging ibang babae kundi ang dalaga.

Maramot marahil siya upang itali si Isabel sa kanya sa kabila ng alam niyang ibang lalaki ang iniibig ng dalaga. Subalit ang konsolasyon ay ang dalaga ang nagpasya at marahil ay matututuhan din siyang mahalin ni Isabel.

Makalipas ang mahabang sandali ay kumawala sa mga bisig ni Eman si Dana.

"M-may isasauli ako sa kanya, Eman... s-sandali lang ako.."Tumango ang binata. Nasa dibdib ang matinding kaba na baka magbago siya ng pasya subalit hindi nito mapipigilan ang dalaga sa gustong gawin.

Halos takbuhin ni Dana ang hagdan. Napahinto siya ilang baitang mula sa ibaba nang makita sa puno ng hagdan si Consuelo.

"Hindi mo ako pinakinggan," wika nito. "Ang sabi ko'y huwag kang maglaro sa pag-ibig dahil ikaw ang masasaktan... At hindi rin ako nagkamali nang sabihin kong hindi lang puso mo ang iyong sasaktan. Silang dalawa, Isabel..."

She smiled bitterly at nagpatuloy sa pagbaba. At halos takbuhin niya ang silong patungo sa silid ni Leon. Nasa mga maleta na nito ang lahat ng mga gamit at paalis na. At gusto niyang mamatay sa galit at hapdi na nasa mga mata nito.

"L-Leon..."

"Bumalik ka na sa itaas, Isabel," wika nito sa walang-emosyong tinig.

Pinigil niya ang pagbagsak ng mga luha. "H-hindi ako para sa iyo, Leon..."Mapait na tumango ang binata. "Nakita't narinig ko mismo, 'di ba?"

"Bukod kay Eman ay may iba pang dahilan," she sobbed. Pinahid ng likod ng palad ang mga luha. "Tingnan mo akong mabuti, Leon..."

"Paraanin mo ako, Isabel. Walang dahilan upang mag-usap pa tayo..." galit nitong sabi.

"Ako ba ang Isabel na nakilala mo noong una kang dumating sa bahay na ito?"

"Bakit kailangang gusto mong dagdagan ang paghihirap ko? Hindi pa ba sapat ang sakit na idinulot mo sa akin?"

"Leon, h-hindi ako si Isa... ako si—Oh, god!" she sobbed helplessly. "Paano ko bang ipaliliwanag sa iyo ito..."

"Bakit kailangan mong magpaliwanag? Nakapagpasya ka na, hindi ba?" wika nito sa gumagaralgal na tinig.

She sniffed. Muling pinahid ng palad ang mga luha. "Yes," she whispered.

She felt drained and numbed yet she couldn't stop the tears from falling. Ano nga bang paliwanag ang kailangan? May sapat bang paliwanag upang maibsan ang sakit na dulot niya sa kanilang lahat?

"Perhaps this was meant to be." Hinubad niya ang singsing sa daliri. Inabot ang kamay ng binata at inilagay iyon sa palad. "May karapat-dapat pagbigyan ang singsing na iyan, Leon. H-hindi ako... h-hindi sa panahong ito."

Mahigpit na ikinuyom ni Leon ang kamay. Nakulong doon ang singsing. Tumiim ang mga bagang nito. At nakita ni Dana ang namumuong luha sa mga mata ng binata sa kabila ng galit at matinding pagdaramdam.

"Adios, Isabel..." Mabilis na itong tumalikod.

"Leon..."

He turned. Hope in his eyes. And she fought hard not to reach for him. Kung makukulong siya sa mga bisig nito ay baka magbago ang pasya niya.

Kristine 16 - Hasta La Proxima Vez (Till Next Time) (UNEDITED) (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon