23

14.7K 549 47
                                    


PAGDATING nila sa Puerto Princesa ay nagpahatid ang dalawa sa pier kung saan magmula roon ay may ferry boat na maghahatid sa kanila sa Kristine Hotel and Resort.

"This is paradise, Dana!" bulalas ni Charles habang pinagsawa ang mga mata sa kagandahan ng natatanaw na isla na ilang sandali na lang at dadaong na sila. Kumikislap sa init ng araw ang puting buhangin. Natanaw nito ang restaurant sa dulo ng isang matarik na cliff.

"Yes," bulong ng dalaga.

May isang isla sa kalapit ng Palawan, Isabel. Pangarap kong maging akin ang islang iyon. Dalhin doon ang babaing magiging kabiyak ng aking puso...

Natupad ang pangarap mo, Leon, ang isip niya. Lamang ay hindi ako ang dinala mo sa isla.Si Isabel ang pinangakuan ni Leon. Hindi ikaw, Dana...

Hindi kayang tanggapin ng puso't isip niya iyon. She was there at sa kanya mismo sinabi ni Leon iyon. Napailing siya sa sarili. Nasisiraan na marahil siya ng bait.

"Sinong mapalad na babae ang dinala mo sa isla, Leon?" she murmured. And endured the pain in her heart.

Napalakas nang kaunti ang pag-usal niya na nilingon siya ni Charles.

"You've been acting strange, Dana. And most of the time, nakikita kitang nakatitig sa kawalan, misty eyed. What is wrong with you? I could see so much sadness in your eyes..."

She forced a smile. "Huwag mo akong pansinin, Charles. Ituon mo ang isip mo sa pagbawi kay Cielo." May kinuha mula sa bulsa ng pedal pusher niya ang dalaga. Inabot ang palad ni Charles at inilagay roon ang singsing. "Ibigay mo kay Cielo ang singsing na iyan, bilang engagement ring ninyo."

Nagsalubong ang mga kilay ng binata. "You took this from your grandmother's jewelry box para ibigay sa akin? I–I find this very insulting, Dana. I may not be able to buy a stone this big, but I can surely afford to buy her a ring..."

"Don't be such a daft, Charles. Of course, I know you can afford to buy Cielo a ring. Pero regalo ko sa inyo iyan. At hindi galing sa Lola Isabelita ang singsing na iyan. And believe me, mas nararapat na para kay Cielo ang singsing na iyan kaysa sa akin."

"Are you sure?" alanganin pa ring tanong ng binata.

"As sure as I'm standing here."

Hindi na kumibo si Charles. Inilagay sa bulsa ng pantalon ang singsing. Si Dana ay muling nahulog sa isang malalim na pag-iisip. Umiiling na muling pinagsawa ng binata ang mga mata sa kapaligiran.

Ilang sandali pa'y sumadsad sa wharf ang ferry boat at bahagya silang nauga. Nahawakan ng binata sa braso si Dana bago pa siya nasubsob sa railings.

"Time to get off from this boat, dreamer," matabang na sabi ni Charles at dinampot ang mga bagahe nilang dalawa.

Kinuha niya mula sa binata ang overnight bag nito. "I'll take this. Hindi naman mabigat."

Patungo sa hotel, Dana shared the admirations of the other guests. Karamiha'y mga foreigner. Kahit si Charles ay hindi mapigil ang mapasipol sa kagandahan ng paligid. Sa reception ay kumuha sila ng magkatabing single room. Parehong nasa third floor ang pinili nila.

"Gusto kong mag-shower muna, Charles. Sa ibaba na lang tayo magkita. Give me half an hour," wika niya sa binata habang binubuksan ng room boy ang mga silid nila.

"Sure."

Pagkasara sa pinto ng silid ay ibinagsak ng dalaga ang mga gamit sa sahig. Tinungo ang kama at nahiga sandali. Nakatitig sa kisame.

Nasa isla siya ni Leon Fortalejo. Ano ang mangyayari sa kanya rito? May pag-asa ba sina Charles at Cielo na lumigaya? Paano kung nagustuhan ng anak ni Bernard Fortalejo si Cielo? Hindi imposible iyon. Maganda ang pinsan niya. Ang pagiging submissive nito'y nakakaakit sa ibang mga lalaki.

Kristine 16 - Hasta La Proxima Vez (Till Next Time) (UNEDITED) (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon