SA tanghalian ay monopolado nina Jewel at Dana ang usapan. Katabi ni Dana si Charles na paminsan-minsang nagkokomento. And Dana tried her best to flirt with Charles. Si Lenny ay nanatiling tahimik na nakikiramdam. Si Cielo ay halos hindi galawin ang pagkain at nanatiling nakayuko.
"Are you ill, Cielo?" si Jewel sa nag-aalalang tono. "Hindi mo ginagalaw ang pagkain mo..."
Napilitang mag-angat ng ulo ang dalaga. "Ka-kanina pa... m-masakit ang ulo ko, Tita. K-kaya marahil wala akong ganang kumain..."
"Uminom ka na ba ng gamot?" agad na sabi ni Charles. Napaangat nang bahagya sa upuan. Si Dana ay malakas na sinipa sa ilalim ng mesa ang paa ng binata na bahagyang napaungol.
"C'mon, Charles," malambing na wika ni Dana sa binata. "Natural, uminom na ng gamot ang pinsan ko. Hindi na bata iyan."
"I–if you'll... excuse me..." Tumayo si Cielo at humingi ng paumanhin kay Jewel at kay Lenny. Sandali lang dinaanan ng tingin ang pinsan at si Charles.
"Sige na, hija," ani Jewel. "Magpapahatid ako ng mainit na sopas sa silid mo."Isang makahulugang tingin ang ibinigay ni Dana kay Charles bago niya ipinagpatuloy ang pagkain.
GABI ng party. Isa-isang nagsidating ang mga kapamilya. Ganoon din ang ilang malalapit na kaibigan.
Si Dana ay banayad na kumatok sa silid ni Cielo bago itinulak pabukas ang pinto. She greeted her cousin with a smile. "Hi. Tapos ka na bang mag-ayos?"
"Kanina pa," sagot nito na bahagyang gumanti ng ngiti. "You're stunning." Hinagod nito ng tingin si Dana sa simpleng ankle length semi-formal black and off-white combination dress. Sleeveless and straight-cut. May isang slit sa tagiliran na umabot hanggang sa kalahati ng hita niya. At dahil silk, humulma ang damit sa katawan ng dalaga. "But you always are," idinagdag nito. Kapagkuwa'y humarap sa salamin. "Do I look all right? I feel so tall na baka makapantay ko na si Lenny."
"Don't be silly. Lenny's almost six feet tall. And you are so pretty, Cielo," sinserong wika niya.
"Alam mong kinaiinggitan ko ang height mo... and of course, your chest." She surveyed her cousin's off-shouldered cream gown na bahagyang mababanaag ang cleavage nito. Cielo's shy and submissive but she knew when to flaunt her best asset.
Sa kabila ng tensiyon at insekyuridad ay natawa si Cielo. "And I you. I wish I weren't so tall."Dana rolled her eyes and laughed. Isang sulyap sa salamin at niyaya na niyang lumabas si Cielo.
"Natitiyak kong naghihintay na si Charles sa akin."
Hindi sumagot si Cielo pero nahagip ni Dana ang hapdi sa mga mata nito bago ito nagpatiuna sa paglabas.
Paglabas nila'y nakita kaagad sila ni Jewel at inakay sa bulwagan upang ipakilala sa mga miyembro ng pamilya. Both women were greeted cordially. Subalit tulad ng dapat asahan ay nakuha ni Dana ang atensiyon ng pamilya nang malamang anak siya ni Diana. Ganoon pa man, maliban sa bahagyang pagkabigla na mahusay na naitatago, all were polite and friendly. She almost didn't notice when Charles tactfully excused Cielo from the group.
LENNY looked around the large hall. Puno iyon ng mga kamag-anak at mga piling kaibigan. Nakita niya rin ang paglabas ng dalawang babae mula sa silid ng mga ito at nang ipakilala ng ina sa mga naroong kamag-anak at kaibigan. Sandali lamang niyang sinulyapan si Cielo, who in fairness, was a beauty in her own right. She handled herself well, too.
Subalit ang mga mata'y hindi niya magawang alisin sa pagkakatitig kay Dana. Noticing her every move. The striking looks were combined with a sharp wit. She was so at ease with his family.
"Maling babae ba ang ipinakilala ko sa iyo, Lenny?" Bahagya nang naitago ni Bernard ang kaaliwan sa tinig. He was surprised to see his son's face rapt. Ang atensiyon ay nakatutok lamang sa iisang babae. His ex-wife's daughter!
"De que estas hablando?"
Hindi pinansin ni Bernard ang sinabi ng anak. He turned his own eyes to the striking figure of the woman who caught his son's total attention.
"Lovely, isn't she?" ani Bernard. Mula sa nagdaang waiter ay umabot ito ng dalawang goblets at ibinigay sa anak ang isa. "The very image of her mother... That's what I thought when she first introduced herself. But she was different altogether..."
"What are you trying to say?" naiiritang tanong nito. Nagkibit ng mga balikat si Bernard. Took one swallow. And, "You are attracted to her.... Huwag kang magkaila," mabilis na idinugtong ni Bernard ang huling sinabi nang akmang magpoprotesta ang anak. "Ang nakapagtataka, you don't usually let the grass grow on your feet bago mo nilalapitan ang isang babae, Lenny," he said with a superior grin on his lips. Na lalong ikinairita ng binata.
"I don't believe this!" Bahagyang tumaas ang tono ng binata. "Narito sa bulwagan ang babaeng gusto mong mapangasawa ko pero kasabay niyon ay gusto mong lapitan ko si Dana at—"
"Calma, hijo," amused na tapik ni Bernard sa balikat ng anak. "You always have excellent taste, Leonard. You are my son. How could I ever think that you would be attracted to Cielo? You're off the hook, son." At sinabayan iyon ng talikod ni Bernard.
"Your father has come to his senses, nieto."
"Damn," usal ng binata.
BINABASA MO ANG
Kristine 16 - Hasta La Proxima Vez (Till Next Time) (UNEDITED) (COMPLETED)
RomanceDana Isabella-Diana and Joshua's daughter- was curiously reading her dead grandmother's diary nang sa pag-angat niya ng ulo'y kakaiba na ang kanyang kapaligiran. She was in the same house... the same room and the same bed... tamang oras, araw, at bu...