33

14.5K 533 18
                                    


"I WOULD have preferred the horses," ani Dana nang nasa daan na sila sakay ng Ford Expedition.

"Matatagalan tayo dahil hindi ka naman makapagpapatakbo nang mabilis. Besides, ang sabi mo'y gusto mo akong makausap."

"Yes, of course." Huminga muna siya nang malalim bago inumpisahan ang sasabihin. "Ilang araw nang narito sa isla si Cielo. Siguro'y napagpasyahan mo na kung pakakasalan mo siya o hindi..."

"What has it got to do with you?" Sandali itong lumingon sa dalaga. But she was looking outside the window.

"Just answer me..."

"What if I say yes and might marry her?"

She sighed. "Do you love her?"Umangat ang mga kilay ni Lenny. "Is this what is all about? You want to make sure if I love her?" he mocked.

"Huwag kang magtawa!" inis niyang sabi.

"But you are funny," patuloy ni Lenny. "Iyan lang ba ang ipakikipag-usap mo sa akin?"Muli siyang humugot ng pagkalalim-lalim na buntong-hininga. "Cielo's a sweet girl, Mr. Fortalejo—"

"So your cousin's a sweet girl. I can only agree to that. What now?"

"Wala siyang pag-ibig sa iyo. Sumusunod lamang siya sa mga magulang niya. At hindi ang katulad mo ang iibig sa isang tulad ni Cielo. So, please, sana'y mapagpasyahan mong huwag ituloy ang planong pagpapakasal..." she said passionately.

Umangat ang mga kilay ni Lenny. Inihinto ang sasakyan at humarap sa dalaga. "At ano ang katulad ko, Dana?"

Umiwas ng tingin ang dalaga. Tinawag siya nito sa pangalan niya sa unang pagkakataon. At sa sensuwal na paraan na tila gustong manayo ng mga pinong balahibo niya.

"You know what I mean."

"Forgive me but I could be cork-witted at times," he said in self-mockery. "but I don't know what you mean," patuloy nito. Ang kamay ay inilagay sa sandalan at umabot hanggang sa may bahagi ng headrest niya. At bahagyang dumukwang ito patungo sa kanya. "Linawin mo sa akin..."

Napapikit ang dalaga sandali. He was too close she could hardly breath. She could even smell the scent of his woodsy aftershave. At ni hindi niya masabi nang deretso ang gustong sabihin kung ganito kalapit ang binata.

"H-hindi ka kayang pakitunguhan ni Cielo. Magkaiba ang mundong nilakihan at ginagalawan 

ninyo..."

"She'd make a very submissive wife," patuloy ni Lenny. Nasa tinig ang panunuya.

"I–I'll bet you... you have women by the dozen swooning at your feet so—"

"Hindi ganoon karami." he was almost grinning. "And don't you think you could call me Lenny?""You don't need Cielo?" patuloy ng dalaga na hindi pinansin ang huling sinabi nito. "You will make her life miserable."

Umangat ang mga kilay ng binata. "How can you pass judgment?"

"Because I know! She was in—" love with someone else. Muntik na niyang masabi. Kapagkuwa'y bumaba ang tinig niya. "If only you love her and she loves you, then it is another story. But as it is—"

"Is love your standard of making two people happy, Dana?" muling putol ni Lenny sa sinasabi niya. At bago pa siya makasagot ay muling nagsalita ito. "That's very romantic of you..."

"Don't mock me!" she snapped. "Take the case of your father and my mother. They had their marriage annulled because they didn't love each other so much..."

"And have you regretted that they had separated? You could have been born in this family as my father's daughter. Being a Fortalejo isn't a joke, dulzura," he taunted softly.

Si Dana'y muntik nang mawala sa pagtitimpi kung hindi sa ginamit nitong endearment. Napaangat ang mukha niya at tumitig sa binata na tila ba muli siyang nagbalik sa panahon ni Leon.

Si Lenny man ay nasa magandang mukha ng dalaga ang mga mata. There was something in her eyes he couldn't comprehend. And her lips slightly parted as if waiting to be kissed. Maybe that was what this woman wanted. Like anybody else.

He reached for her nape and caressed it softly. Dana sighed dreamily. Lenny bent his head and touched his lips to hers, half-expecting her to push him. But she remained passive and he could even hear the soft sigh that came out of her. He moaned softly as he tasted the corner of her lips.

Dana was stunned and exhilarated. She closed her eyes at umusal nang wala sa loob. "Leon..."

Natilihan ang binata. Marahas na bumitaw sa paraang bahagyang naitulak ang dalaga. His eyes were in slits as he gazed down at her ashen face.

"You're sick!" Inabot nito ang susi sa ignition at muling pinaandar ang sasakyan.

Dana was shocked. Ano ba ang nangyayari sa kanya? Paano siyang nakalimot nang ganoon lang? At bakit nagugulo ang isip niya sa pagitan ni Leon at ng apo nito? And Lenny kissed her. She allowed him to kiss her! Not really kissed kiss. Still it was a kiss.

Gusto niyang pamulahan sa kahihiyan. And here she was, nakikiusap na huwag nitong pakasalan si Cielo. Baka isipin ng lalaking ito na ipinagsisiksikan niya ang sarili sa halip na ang pinsan.

Hanggang sa makarating sila sa hotel ay walang kibuan ang dalawa.

"T-thank you..." wika niya bago bumaba, ni hindi makuhang salubungin ang mga mata nito.

"Hanggang anong oras kayo mag-uusap ng boyfriend mo?" galit nitong tanong. "Tinatawag mo rin ba siyang Leon sa tuwing hinahagkan ka niya?"

This time she really blushed. Mabilis na lumabas siya ng sasakyan at nagmamadaling pumasok sa hotel lobby.

Si Lenny ay iniuntog ang ulo sa headrest. Damn woman for getting into his nerves!

"SHE couldn't do that, Dana!" protesta ni Charles nang marinig ang sinabi ng dalaga.

Huminga nang malalim si Dana. "Alam kong mahal ka ni Cielo, Charles. Nararamdaman ko iyon. Takot siya sa mama niya at sinabi niyang pati si Tito Rustico ay nakiusap sa kanyang sundin na ang mama niya. And on top of all that, maybe she got infatuated with Leonard Fortalejo at sa karangyaang nakikita niya."

"I don't believe Cielo to be that shallow," wika ng binata sa helpless na tono. "She loves me, Dana..."

Matagal bago kumibo si Dana bago, "I have a plan, Charles..."

"What plan?"

"Gusto kong paniwalain natin ang pinsan kong ibinaling mo sa akin ang pagtingin mo..." Inawat niya ang binata nang tangkain nitong tumutol. "Gusto kong magselos siya at baka sa pamamagitan niyon ay biglang mag-iba ang isip ni Cielo. I saw her face fell nang bigyan ko siya ng pahiwatig tungkol sa atin..."

Napaungol si Charles. "Baka lalo lamang makasama ang gagawin natin, Dana..."

"Got a better idea?"

Kristine 16 - Hasta La Proxima Vez (Till Next Time) (UNEDITED) (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon