"NAPAKAGANDA ng islang ito," wika ng dalaga nang tapos na silang kumain at kasalukuyang umiinom ng kape. Nasa gilid sila ng cliff at nakadukwang siya sa ibaba kung saan malalakas ang hampas ng alon sa mga batuhan.
"You haven't seen the whole island yet," ani Lenny. And he was cursing himself silently. He couldn't take his gaze off her. "One of these days, ipakikita ko sa iyo ang buong isla. Ang gubat... at ang bahagi kung saan naroon ang wild animals, tulad ng Tamaraw, halimbawa. Dadalhin kita sa batis sa gitna ng gubat kung saan makikita mong umiinom ng tubig ang isang batang usa. And if you're lucky, you might get the chance to see the two of the remaining monkey-eating eagle."
Ibinalik ni Dana ang tingin sa binata. "How did Leon come to own this island?" Kumunot ang noo ni Lenny. Hindi ang inaasahan nito ang magiging reaction ni Dana. He was expecting her to get pleased and excited. Iniaalok nito sa dalaga ang bagay na para lamang sa iilan at piling mga tao—ang makita ang buong isla.
Ni hindi nito iyon inalok kay Cielo. Gayong isa ang pinsan ni Dana sa nagkapribilehiyong
maimbitahan sa Villa Kristine. At ni hindi nito naisip na samahan si Cielo sa mga lugar na sinasabi nito kay Dana.
And here she was, ang nasa isip ay si Don Leon. And for the life of him, hindi nito maintindihan kung bakit.
"Bakit ganoon na lamang ang interes mo sa grandfather ko? Bakit sa maraming pagkakataon mula nang dumating ka sa isla ay ilang beses mong binanggit ang pangalan niya?" Pagtataka at bahagyang iritasyon ang nasa tinig nito.
Muling ibinalik ni Dana ang tingin sa karagatan upang iwasan ang nanunuring tingin ni Lenny.
"Y-your grandfather intrigued me..."
"Sa paanong paraan?" Unti-unti ang pagsasalubong ng mga kilay ng binata. "Isang linggo pa lang halos mula nang dumating ka sa Pilipinas. At sa unang araw na dumating ka sa isla'y ang mausuleo na ang pinuntahan mo. At mahirap paniwalaang umalis ka ng hotel na masama ang pakiramdam para lang hanapin ang mausuleo ng Lolo."
"Nakisilong lang ako roon nang abutan ako ng malakas na ulan. It was so dark I didn't even know it was a mausuleo." Then she forced an airy smile. "At maraming mga tao ang interesado sa mga taong matagal nang nangamatay. Tulad na lang halimbawa ng mga bayani. Pinag-aaralan pa nga ang buhay—"
"Mga bayani iyon!" he almost snapped. "We are talking here about my grandfather, a private individual. And when we kissed this—"
"We didn't!" It was her turn to cut him in midsentence. Agad na namula ang mukha sa pagpapaalalang iyon ng binata.
"Didn't we?" panunuya nito.
"Oh, please, must we talk about it?" ani Dana na sinamahan ng bahagyang buntong-hininga. "It was a mistake. I hope you will forget about it."
"You whispered my grandfather's name while I was kissing you!" He couldn't be deterred.Napalingon sa paligid si Dana at baka may nakakarinig sa kanila subalit abala ang mga tao sa pagkain kung hindi man sa pagtingin sa paligid.
"At muli mong binanggit ang pangalan niya nang malingunan mo ako kahapon sa pinto," patuloy ni Lenny. "Na para bang ipinagkamali mong ako si Señor Leon. At ni hindi ka pa nagkakaroon ng pagkakataong makita ang mga larawan ni Señor Leon noong kabataan niya para maipagkamali mo ako sa kanya."
You're wrong, Lenny. I have seen your grandfather in person. At kung pinili kong sumama sa lolo mo, we wouldn't have this conversation now.
She sighed. "I–I have seen his photographs..."
"Where? Ipinakita sa iyo ng Mama?"Umiling siya. Sa nakikita niyang determinasyon sa mukha ni Lenny ay natitiyak niyang hindi ito hihinto hangga't hindi ito nasisiyahan sa isasagot niya. She decided to tell him half the truth.
"M-may tiyahin si Daddy... Actually, she was my grandmother's second cousin. S-she was ninety when she d-died three weeks ago..."
"Ano ang koneksiyon ng namatay na tiyahin ng daddy mo sa pinag-uusapan natin?""I inherited her house in Binondo. S-she left it to me. At doon ako tumuloy pagkagaling ko sa airport." Sinulyapan niya ang binata. Impatience all over his handsome face. "You may not believe this but s-she... she was Don Leon's first love."
"What?!" ang biglang bulalas ni Lenny.
"Her name's Doña Isabelita. I have her diary. Nakuha ko iyon sa silid niya at nakatala roon ang kasaysayan nila ng lolo mo."
"Are you sure she was referring to my grandfather? Don Leon Fortalejo?" hindi makapaniwalang tanong ni Lenny. Ang alam niya'y si Doña Esmeralda ang unang minahal ni Leon at pinakasalan.
"Nasa villa ang diary. You can read it, if you want."Sandaling hindi kumibo si Lenny, bago, "That doesn't answer my question why you seem to mistook me for my grandfather."
"M-may mga lumang photo album ang Lola Isabelita sa bahay niya sa Binondo. N-naroon ang larawan ng lolo mo." Ni hindi tiyak ni Dana na may larawan nga si Leon sa mga naroong lumang album. Hindi niya iyon tiningnan. Pero nakatitiyak siyang hindi maaaring walang larawan si Leon sa mga lumang album ni Doña Isabelita.
"Such a small world," wika ni Lenny makalipas ang ilang sandali kasabay ng pag-iling. "At buong-akala ng pamilyang ito'y si Doña Esmeralda ang una at tanging pag-ibig ni Señor Leon. Perhaps I'd like to read that diary one of these days."
Hindi isinatinig ni Lenny na sa basement ng villa ay may diary si Don Leon na natagpuan nito sa drawer ng lumang mesa, kasama ang ilang gamit ng matandang lalaki.
Naroon na iyon noong halos tatlong taong gulang pa lamang siya. Nang manganib ang buhay nilang mag-anak at pinatakbo siya palabas ng villa ni Bernard ay hindi niya maintindihan hanggang sa mga sandaling ito kung paanong sa basement siya nakapagtago. At hanggang sa magkaisip siya'y nalaman niyang hindi alam ng mga magulang ang tungkol sa basement.
But he had the feeling that Bernard knew about it. At alam kung saan niya kinukuha ang inireregalo sa ina sa tuwing sasapit ang anibersaryo ng kasal ng mga magulang.
Regular niyang nililinis ang basement dahil madalas siya roon. At sa pagkamangha niya'y natuklasan niyang may lihim na daanan patungo sa mismong silid ni Don Leon sa itaas, which he now occupied. He was ten years old nang hindi sinasadyang masandalan niya ang lihim na lagusan.
"My grandfather married Doña Esmeralda when he was almost twenty-eight. At may mga luma siyang larawan sa villa. I could show them to you one of these days." Magaan na ang tinig nito nang muling magsalita subalit tila nahahagip pa rin ni Dana ang pagdududa sa mga mata nito.
Dinampot ni Dana ang malamig nang kape at ininom.
"WOULD you mind, Ma'am, kung... kung iimbitahin ko si Charles sa party bukas ng gabi?" si Dana kay Jewel kinagabihan sa harap ng hapunan.
Nakita ni Dana sa sulok ng mga mata ang marahas na pag-angat ng ulo ni Lenny. Gayundin si Cielo na nasa kaliwang bahagi niya.
"No, I wouldn't mind, Dana," nakangiting sagot ni Jewel. "That was very remiss of me. Nalimutan kong may kasama kang naiwan sa hotel. Do invite him for me, hija."
"Sa nakalipas na mga taon," ani Lenny na nagsalubong ang mga kilay, "ang anniversary party ninyo ni Papa ay pribado kung hindi man pampamilya."
"Maraming nababago habang lumilipas ang mga taon, hijo." Jewel smiled sweetly at her son. "It has been a long time since your father and I last entertain. Sa nakalipas na walong taon ay lagi nang isine-celebrate naming dalawa lang ng papa mo ang aming anibersaryo. So we don't really mind if we have three guests sa party bukas." Nilinga ni Jewel si Dana. "Anyayahan mo siyang dumating maaga pa lang, hija. Tatawagan ko ang hotel upang ihatid ng service pickup si Charles."
"Thank you, Ma'am." Sa pagkakataong iyon ay hindi niya napigilang hindi sulyapan si Lenny. His face grim.
BINABASA MO ANG
Kristine 16 - Hasta La Proxima Vez (Till Next Time) (UNEDITED) (COMPLETED)
RomanceDana Isabella-Diana and Joshua's daughter- was curiously reading her dead grandmother's diary nang sa pag-angat niya ng ulo'y kakaiba na ang kanyang kapaligiran. She was in the same house... the same room and the same bed... tamang oras, araw, at bu...