16

14.3K 464 34
                                    


"DEAR diary... naguguluhan ako habang nalalapit ang araw ng kasal namin ni Eman, iyon ay sa pagbabalik ni Papa mula sa Amerika. Iniibig ko si Leon subalit paano ko magagawang saktan si Eman na sa mula't simula pa'y lubos na naging mabuti sa akin?"

Wala si Yaya Rosa at si Consuelo. Magkasama ang dalawa upang magsimba. Hindi siya sumama at nagdahilang masakit ang ulo. Ang totoo ay hindi niya magawang higit pang makihalubilo sa mga taong may kinalaman sa panahon ni Donya Isabel.

Sa unibersidad, bagaman nag-e-enjoy siya sa paraan ng pagtuturo sa panahong iyon ay nababaghan siya. May mga sandaling kinakabahan at natatakot siya. Iyon ay ang mga sandaling nararamdaman niyang hindi na siya mismo ang kumikilos at nagsasalita kundi si Isabel.

Gusto niyang hanapin ang daan... ang paraan upang makabalik sa sariling panahon. Subalit ano man ang gawin niya ay naroon pa rin siya. Matiyagang isinusulat sa diary ang nangyayari sa buhay niya sa araw-araw. Ang tanging dahilan upang hindi siya maghisterya ay dahil naroon si Leon. Habang tumatagal ay lumalalim ang damdamin niya para dito. At isa iyon sa mga bagay na nagdudulot ng matinding kaba at takot sa kanya.

She was afraid she might not want to leave his time.

"Isabel..."

Nahinto ang dalaga sa pag-aalis ng mga tuyong dahon sa halamanan sa azotea at napalingon. Si Leon. Sa isang kamay ay ang canvass. Pagkamangha ang nasa mga mata.

"I-ikaw pala, Leon." She smiled nervously. Her heart was pounding violently at the sight of the man.

"Bakit... bakit ganyan ang suot mo?" Bumaba-tumaas ang mga mata nito sa kabuuan niya. At ang pagkamangha ay unti-unting nauwi sa pagnanasa.

Napasinghap ang dalaga. Nang umalis sina Yaya Rosa at Consuelo ay sinamantala niya ang pagkakataon upang hubarin ang mahaba at mainit na baro't saya. Nakadama siya ng ginhawa nang isuot ang hapit na pedal pusher at midriff blouse.

Ibinaba ni Leon sa tabi ng halaman ang canvass subalit ang mga mata ay hindi inaalis sa kanya. Then he was walking slowly towards her. Ganoon din si Dana, wala sa loob na humakbang pasalubong.

"Dio, Isabel!" bulong nito nang magtagpo sila sa gitna ng azotea at ikulong sa mga bisig ang dalaga. "Te quierro... te quierro...." Then his hungry mouth claimed hers.

"Leon..." she murmured in his mouth. Kissing him back with equal hunger.

"You are mine, dulzura," humihingal na wika nito nang bitiwan ang mga labi niya. "You are mine..." Hinagkan siya sa noo... sa sentido... sa punong-tenga. "Hindi ako papayag na makasal ka sa iba..."

"Yes, Leon! Yes!" she cried passionately.

Hinawakan ni Leon ang mukha niya. Brown eyes bored into hers. "Sumama ka sa akin sa isla, Isabel. Magtanan tayo. Sumama ka sa akin..."

Tila nagising mula sa mahabang pagtulog ang dalaga. Mabilis na kumawala. Lumakad patungo sa barandilya ng azotea.

"I–I'm worried and scared, Leon..."

Humakbang si Leon patungo sa kanya. Hinawakan siya nito sa magkabilang balikat mula sa likod. Ginawaran nito ng halik ang ibabaw ng ulo niya.

"You don't have to feel that way. I'll take care of you, Isabel. Always... sa anumang paraan..."

Oh, god! Napapikit si Dana at isinandig ang sarili sa dibdib ng binata. Ano ba ang dapat gawin? Ang dapat sabihin? Sino na ba siyang talaga? Sa kanya ba nakasalalay ang kasaysayan nilang lahat sa hinaharap?

It pained her na anumang sandali ay mawawalay siya mula sa binata. Na kung sa ano mang paraan ay hindi niya alam.

"Anuman ang mangyari, Leon... gusto kong malaman mong mahalagang-mahalaga ka sa akin..." And I wish I could go back to the future with you.

Kristine 16 - Hasta La Proxima Vez (Till Next Time) (UNEDITED) (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon