57

19.8K 636 182
                                    


"HI," nakangiting bati ni Lenny nang pagbuksan siya ni Dana ng pinto. Mahigit tatlong linggo silang hindi nagkita. At nasa mukha nito ang pag-asam... at pananabik.

"Hi yourself," ganti ng dalaga. Alanganing ngumiti, pinipigil ang sariling yakapin ang binata. May pananabik na hinagod ito ng tingin. "C-come on in..."

Humakbang ang binata papasok. Inikot ang tingin sa buong kabahayan upang alisin ang tensiyon sa katawan. He had never been this tensed all his life. So unsure of what would happen next.

"So this is your grandmother's house..." wika nito kasabay ng pag-alis ng bara ng lalamunan. Nadaanan ng tingin ang portrait ni Doña Isabel sa may dingding. Matagal na natuon doon ang paningin.

"T-that's Lola Isabel..."Bumaba ang tingin ni Lenny sa pangalang nakasulat sa ibaba ng kuwadro. Humakbang ito palapit. "Leon..."

"Yes," she said breathlessly. "Don Leon painted that portrait in 1928..." Humakbang si Dana patungo sa entrada ng veranda.

Sumunod si Lenny. Ang mga mata'y hindi humihiwalay sa mukha ng dalaga. He felt a warmth spread through his body. A warmth that had nothing to do with the hot morning sun na kumakalat sa veranda. It had something to do with Dana. That last three weeks was like a death sentence. Now that he had seen her again, it was as if she breathed life into him again, revived and rejuvenated him in a way he would have thought impossible.

"Dito... dito sa verandang ito ipininta ni Leon si Lola Isabel, Lenny," she said excitedly. Tila binubuhay sa isip ang nangyari may pitumpung taon na ang nakararaan. "There," itinuro niya ang bahagi ng barandilya na nalililiman ng punong kaimito. "Diyan nakaupo si Lola Isabel nang ipinta siya ni Le—ng lolo mo..."

"Come here, sweetheart," he urged huskily.

Dana stopped bubbling. Nawala ang excitement sa mukha. Nahalinhan ng ibang emosyon. Ng pananabik... ng pag-ibig. She walked towards him as if she was walking on air.

Lenny encircled her in his arms. Held her tightly for a long while. Then placed a finger on her chin and raised her face.

"I can paint better than my grandfather, mi alma," he murmured. "I have painted you in my heart... in my dream... etched every line of you in my mind. Hindi iyon mapaglalabo ng panahon tulad ng portrait ni Doña Isabel. Hindi iyon mawawalan ng kulay sa loob ng puso ko..."

"Oh, I love you so..." She sobbed.

"Just as I love you..." May dinukot sa bulsa ng pantalon si Lenny. Isang nakalukot na tissue paper at ibinigay sa kanya. "Para sa iyo, wala akong panahong bumili ng jeweller's box. Gusto kong makarating kaagad dito nang mabilis."

She smiled at him. "Wedding ring?"

Umiling ang binata. "Gagamitin mo ang singsing pangkasal na ginamit ni Doña Esmeralda nang magpakasal sila ni Don Leon. Iyan ang engagement ring mo. Dapat ay ibinigay ko sa iyo iyan noong gabing ianunsiyo ko ang engagement natin..."

She delicately fingered the tissue paper at inilabas ang nakabalot doong singsing upang manlaki ang mga mata at mamangha lamang.

"Oh, god!"

Lenny mistook her amazement as appreciation. "Nakita ko iyan sa heirloom box ni Don Leon, Dana. May naka-engrave na 'Isabel.' That must have been intended for your grandmother. And you are Dana Isabella. Pinadugtungan ko ng 'l' at 'a' ang dulo."

Kinuha nito ang singsing sa kamay niya at isinuot sa daliri niya. "I had this feeling na iyan ang dapat kong ibigay sa iyo mula sa mga naroong alahas. Do you mind?"

Kristine 16 - Hasta La Proxima Vez (Till Next Time) (UNEDITED) (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon