NAPABALIKWAS ng bangon si Dana. Tumatagos sa kuwadra-kuwadradong capiz ang nakasisilaw na liwanag ng araw. Napaupo siya sa kama.It was all a dream.
Mabilis siyang bumangon. Maliligo siya at mag-aayos at hihintayin niya si Attorney Palomares. Nang bigla ay kumawala ang pagsinghap sa bibig niya nang matuon ang pansin sa sahig.
Ang suot niya kagabi! Ang magandang baro't saya.
"No... no!" usal niya kasabay ng paglipad ng mga mata sa tokador. Naroon ang payneta... ang abaniko. At mula sa repleksiyon niya sa salamin ay nakita niyang suot pa rin niya ang pang-ilalim na kamison at ang bikini briefs niya.
Panggigilalas at panlulumo ang naramdaman ni Dana at napaupong muli sa gilid ng katre. Binalikan sa isip kung ano ang nangyari kagabi. Madaling-araw na halos nang matapos ang kasayahan. Hindi siya hiniwalayan ni Eman at hindi na rin niya muling nakita ang estrangherong lalaki.
Nang makapasok siya sa silid ay agad niyang inalis ang payneta sa buhok at inihagis sa aparador. At pagkatapos ay init na init na hinubad niya ang baro't saya and left nothing on but the "camison" and her briefs, and hit her pillow. At marahil ay agad siyang nakatulog dahil sa matinding pagod.
Mabilis siyang tumayo at padaskol na binuksan ang aparador. Nakasabit doon ang mga damit na hindi niya kilala!
She pushed them aside angrily. Hinanap ang sariling gamit. Sa dulo ng aparador ay naroon ang mga damit niya at kasama sa mga nakatupi ay ang mga pantalong maong at iba pa niyang gamit.
She sighed in relief and pulled her silk robe.Ni hindi siya nag-abalang suklayin ang buhok. Gusto niyang lumabas at kausapin ang mga taong tinawag siyang Isabel kagabi.
Tahimik ang kabahayan paglabas niya. Subalit naririnig niya ang abalang kalye. Ang tunog ng mga kalesa. Tulad kagabi ay nanungaw siya upang manlumong higit. Wala iyong ipinagkaiba kagabi maliban sa araw ngayon at nakikita niyang maliwanag.
May mga taong naglalakad sa kalye sa kakaibang mga kasuotan. They were all theatre-like. Parang nasa isang period movie. May mga kalesang nagpaparoo't parito. May isa o dalawang vintage cars ang nagdaan.
Nang tanawin niya ang bahay sa kabilang kalye ay higit siyang namangha dahil wala ang groserya sa ibaba. At kakaiba ang mga lampposts.
What happened to the concrete Meralco posts?
Nananaginip pa rin ba siya?
Umalis siya sa pagkapanungaw at nagtuloy siya sa sala. Malinis na malinis iyon. At may mga tamang kasangkapan at gamit sa bawat lugar. Isang antigong telepono ang nasa ibabaw ng bilog na mesa sa sulok. Then she saw the grand piano na tila bagong-bago. Nilapitan niya iyon, binuksan at tinipa. Nasa tono.
Then the clock on the wall caught her attention. Umaandar ang pendulum. 10:30 ng umaga.
Angrily, tumakbo siya palabas sa azotea and hit the stairs. Kung nananaginip pa rin siya ay kailangan niyang magising! Magpatihulog kaya siya sa hagdan? That probably would wake her up. Subalit may isang bahagi ng isip niya ang tumatanggi. Paano kung hindi siya nananaginip?
Now, that scared her.
Dahan-dahan siyang bumaba. Nasaan ang ama niya? Nasaan ang babaeng nalaman niyang si Yaya Rosa, at si Consuelo, na sa daloy ng usapan nila kagabi ni Eman ay pinsan niya?
Nasa ibaba na siya ng hagdan sa labas ng bahay at naisip na pasukin ang silong. Tagos-tagusan iyon hanggang sa kabilang dulo ng bahay sa may hagdanan sa delantera malapit sa gate.
Humakbang siya patungo sa munting silid na alam niyang laging gusto ng Lola Isabel niya na malinis. Bukas iyon nang bahagya. Itinulak niya ang pinto at pumasok. Maliban sa maliit ay walang ipinagkaiba iyon sa karaniwang silid. May mga gamit.
BINABASA MO ANG
Kristine 16 - Hasta La Proxima Vez (Till Next Time) (UNEDITED) (COMPLETED)
RomanceDana Isabella-Diana and Joshua's daughter- was curiously reading her dead grandmother's diary nang sa pag-angat niya ng ulo'y kakaiba na ang kanyang kapaligiran. She was in the same house... the same room and the same bed... tamang oras, araw, at bu...