4

16.9K 531 10
                                    

"REALLY?" si Cielo sa kabilang linya sa excited na tinig. "Oh, Dana, I am so glad. Kahit paano'y mababawasan ang mga worries ko. Sabi ni Mommy, sasalubungin daw ako ni Leonard Fortalejo sa NAIA. And I am so scared..."

"Oh, well, kasama mo ako kapag humarap ka sa kanya," pampalakas-loob niya. "Pero ako ma'y sasalubungin ni Attorney Palomares sa airport, Cielo. Iyon ang sabi ni Daddy."

"Basta," tila batang sabi nito. "Ang mahalaga'y magkasama tayo sa maraming oras sa eroplano. At higit sa lahat ay iyong kaalamang nasa Pilipinas ka rin."

BISPERAS ng pag-alis ng magpinsan pauwi sa Pilipinas nang magkaroon ng hindi inaasahang panauhin si Dana.

"Charles? Halika, tuloy ka." Nagulat siya sa pagdating ng binata sa kanila. "Have a seat." Itinuro niya ang wicker chair sa balkon.

"Thank you, Dana," nakangiting wika ng binatang ang ama ay Filipino at ang ina ay American.

"What brought you here? May sadya ka ba sa akin?" deretsang tanong niya at naupo sa katapat na silya.

Tumikhim sandali si Charles bago nagsalita. "I–I don't want to give her up that easy, Dana." Ang tinutukoy nito ay ang kasintahang si Cielo. "I am going with you..."

"What!" Napatuwid sa pagkakaupo ang dalaga.

"She told me you are going, too. Though for some other reason. At gusto kong sumama sa inyo pagbalik sa Pilipinas."

She groaned. "Oh, Charles. Gustuhin ko mang huwag matuloy ang pagpapakasal ni Cielo kay Leonard Fortalejo ay wala rin akong magagawa dahil hindi naman susundin ni Cielo ang payo ko. At hindi rin iyon makikinig sa iyo. Takot ang pinsan ko sa mama niya. At sa sandaling malaman ni Tita Elvie na kasama ka ni Cielo ay idineklara mo ang World War III. At kawawa naman ang pinsan ko..."

"They didn't have to know, Dana. Mauuna lang kayo ng ilang oras sa Pilipinas. Kukunin ko ang next flight. At may bahay ang papa ko sa Quezon City na tinatauhan ng tiyahin ko. I'll be staying there at pag-iisipan ko kung paano ko mapapahinuhod si Cielo na magtanan kami roon."

"I doubt that."

"Huwag mong alisin ang pag-asa ko." Isang mabuway na determinasyon ang nasa tinig nito. "Ilang libong milya ang layo ng Pilipinas sa Amerika, baka sakaling hindi na iyon abot ng manipulasyon ng mother ni Cielo."

"Oh, dear..."

"Please, Dana," pakiusap ni Charles. "Alam kong mahal ako ni Cielo. At mahal na mahal ko rin siya. Ginawan mo na rin lang ng paraang kami ang magkatagpo at magmahalan, lubusin mo na ang tulong. Hindi ko maintindihan kung bakit ganoon na lang ang pagnanais niyang huwag sumuway..."

She took a deep breath. Gusto niyang sabihing hindi ilang beses na sinaktan ng Tita Elvira niya ang anak sa sandaling hindi nito nagustuhan ang ginagawa ni Cielo. Bukod pa sa emotional blackmail na ginagawa nito sa anak—na kung gagamitin lang ng papa nila ang utak ay giginhawa sila. At na sana ay hindi ito nagdo-double job sa Amerika bilang nurse sa isang ospital at nanny sa natitirang ilang oras sa araw hanggang gabi.

"Alam ba ito ni Cielo?"

"Una kong sinabi sa kanya. She was hysterical in saying no. Na papatayin siya ng mama niya 'pag nalamang sumunod ako. But as I said, I just couldn't give her up that easy. I love her so much, Dana. Kaya ko naman siyang buhayin. May stable job naman ako sa bangko..."

Tumango ang dalaga. Nagkakilala sila ni Charles nang minsang magbukas siya ng savings account sa bangkong pinagtatrabahuhan nito. Ang binata ang nasa new accounts. Nagulat na lang siya nang minsang tawagan siya sa telepono. Kasunod niyon ay ang pagdalaw ng binata sa kanila. At gusto niya si Charles. He had this endearing personality. Hanggang sa magsimula itong magpahayag ng damdamin sa kanya.

She didn't want to lose a friend sa pamamagitan ng pagsasabing wala siyang gusto sa binata maliban sa pagiging kaibigan. So, tactfully, ipinakilala niya si Cielo rito. Gumawa ng mga dates kung saan sa bandang huli ay hindi siya nakakasama, for various reasons that she made up. At naging instrumento siya sa paglalapit ng dalawa.

At hindi siya nagkamali. Bagay ang pinsan at si Charles. She was too spirited for the gentle Charles. Mas bagay rito si Cielo, who was so submissive and soft-hearted. Everything had been perfect for the two, kung hindi lang muling nakatagpo ng Tito Rustico niya si Bernard Fortalejo. Then her social climber aunt manipulated everything.

Muli ay humugot siya ng malalim na paghinga. "All right, sumunod ka sa amin sa Pilipinas. Pero pag-isipan muna nating mabuti ang lahat, Charles. Ibigay mo sa akin ang address at phone number mo sa Quezon City at tatawagan kita kapag naayos ko na ang dapat kong ayusin sa Manila."

Agad ang pagsilay ng ngiti at pag-asa sa mukha ni Charles. 

Kristine 16 - Hasta La Proxima Vez (Till Next Time) (UNEDITED) (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon