36

14.4K 512 11
                                    


UMAGA pa lang ay abala na ang mga tao sa paghahanda sa party kinagabihan. Ang catering service ay paroo't parito sa malawak na hardin. Inakay ni Dana si Charles na maglakad-lakad.

"This place is even more beautiful, Dana!" bulalas ni Charles habang pinagmamasdan ang buong paligid. Ang sama ng loob na hindi agad nito makakausap si Cielo ay sandaling nahalinhan ng paghanga sa kapaligiran.

He pointed to the fields beyond the stream and to the rolling hills beyond. Green and verdant. 

"Look at this place, Dana. Pulsing with beauty and promises of an undemanding life. Napakalaking kaibahan sa buhay sa Amerika..."

Ibinaling naman nito ang mga mata sa kabilang bahagi ng lupain kung saan napakaraming puno ng niyog at iba pang mga punong-kahoy at mga bulaklak.

"Why, I could live here all my life!"

"Yes," sang-ayon ng dalaga na sinundan ng tingin ang bawat hinahayon ng mga mata ni Charles. 

"Ang sabi ni Mrs. Fortalejo, ang nearest neighbor ay ang de Silva Farm, which is miles away. At ganoon din ang pinakabayan ng islang ito kung saan doon naninirahan ang ibang mga tauhan."

Isang malalim na buntong-hininga ang pinakawalan ni Charles. Lumukob ang kalungkutan sa mukha. Huminto sa may ilalim ng matandang punong-sampalok at sumandal doon.

"I have never felt so insecure in my whole life, Dana," wika nito. "Sa palagay mo ba'y ganoon kalaki ang pag-ibig ni Cielo sa akin upang ipagpalit ang lahat ng ito? Sooner or later, sa kanya na rin ang karangyaan at kagandahang nasa paligid sa sandaling pangatawanan niyang pakasal kay Lenny."

"Oh, Charles." Dana was so affected by the loneliness in his voice that she reached him. Inabot ang kamay at mahigpit na hinawakan, unknowingly brought his hand to her chest. Sa ginawang iyon ng dalaga'y nagkalakas-loob si Charles na abutin siya at yakapin. Taking any comfort that he could from a friend.

"Mula nang umalis ka sa hotel at dito na nagtuloy ay walang sandaling hindi ko inisip si Cielo, Dana. The pain is unbearable knowing that I am going to lose her anytime soon."

Mula sa itaas ng villa ay dalawang pares ng mga mata ang lihim na nagmamasid sa dalawa. Isang hindi maunawaan ang sarili kung bakit ganoon na lamang ang galit na nadarama sa nakikita. At isang nanlulumo at humuhulagpos ang mga hikbing lumayo sa bintana at dumapa sa kama.

"Huwag mong sabihin iyan, Charles. Wala pang definite na plano si Lenny. At hanggang walang announcement sa kanilang kasal ay huwag kang mawalan ng pag-asa. At huwag kang mag-alala, gagawa ako ng paraang makausap mo nang sarilinan si Cielo."

Hindi matiyak ng dalaga kung ang katatagan ng tinig niya'y para sa pinsan at kay Charles o para sa sarili. Somehow, sa kaibuturan ng puso niya'y naroroon ang hindi maunawaang damdaming hindi niya rin gustong pakasalan ni Lenny si Cielo, but somehow, for some personal reason.

Kristine 16 - Hasta La Proxima Vez (Till Next Time) (UNEDITED) (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon