I love thee with the breath, smile, tears of my life! And if God chose, I shall but love thee better after death...
ISANG ngiti ang ipinukol ni Julianne sa mga ikinakasal matapos nitong sabihin sa mikropono ang sulat na iyon mula kay Elizabeth Barret Browning.
The wedding was so simple. Walang entourage ng mga abay o best man o ng mga flower girl and boy.
Just the two of them, sa harap ng magkakasal.
"I love you, Dana Isabella. Perhaps loved you since the beginning of time," bulong ni Lenny. "I wonder why those words sound so inadequate?"
"They sound adequate enough for me, Lenny," she said breathlessly. "This is the happiest moment of my life..." Niyuko nito ang wedding ring sa daliri niya.
"That is your 'something old,' querida," he whispered huskily. "That wedding ring is yours for life. When time comes, and I hope I'll be the first, dahil hindi ko kayang isiping mawawala ka, muling ibabalik sa heirloom box para sa susunod na karapat-dapat na magsusuot niyang muli. But that engagement ring will never be removed from your finger at anytime..."
"Oh, Len..."
Isang halik ang ibinigay ni Lenny sa bride niya sa gitna ng palakpakan ng mga piling panauhin."Congratulations, nieto... nieta..."
Napasinghap si Dana. Napatingin sa asawa. Another of her imaginations? "D-did you say something?"
Lenny grinned. Hinapit sa baywang ang asawa. "I said congratulations, wife..." Inakay na nito ang asawa patungo sa mga nagnanais bumati.
HINDI napansin ni Joshua na nawala sa tabi niya ang asawa. Lumakad si Diana papasok sa villa hanggang sa loob ng library. Tiningala ang larawan ni Don Leon na nakasabit sa dingding.
"You tyrant old man, nangyari din ang gusto mo..." she said smiling. "I am only sorry I haven't met you..." she added a little sadly. Nagbuntong-hininga. She gave the old portrait a long look bago banayad na tumalikod.
Palabas na siya sa library subalit imahinasyon man o hindi, she could hear a familiar gurgle of laughter. Umiiling si Diana sa sarili. Mga taon na ang lumipas mula nang nakakarinig siya ng mga tinig.
"I want to get out of this place, old man. This house makes me feel sick!" wika niya, yet she was smiling.
"SINO ang hinihintay natin?" si Lenny sa asawa. "At bakit hindi mo inihagis iyang bouquet mo sa mga dalaga?"
"May ipinasundo ako, Len. Lola Isabel's cousin. Na-late lang siya. Hindi niya nakita ang kasal natin. I hope she's still—" Hindi niya gustong isiping wala na si Consuelo. Itinuon niya ang mga mata sa driveway. Mula sa road bend ay nakita niya ang pagdating ng pickup na inutusan niyang magtungo ng Laguna.
"She's here!"
"She's here who?" nagtatakang wika ni Lenny.
Hawak sa tagiliran ang wedding dress ay patakbong sinalubong ni Dana ang sasakyan. Nagsasalubong ang mga kilay na sumunod si Lenny sa asawa.
Si Dana na ang nagbukas ng pinto sa passenger seat ng pickup. Inalalayan sa pagbaba si Consuelo.
"You're late," nakangiting akusa niya. Puno ng kasiyahan ang dibdib. Hindi mapigilang yakapin ang matandang babae.
"Binabati kita, Isabel," wika ng matandang babae. "Nang makita kitang muli'y alam kong matatagpuan mong muli ang pag-ibig. Pag-ibig na talagang para sa iyo. Hangad ko ang kaligayahan mo...."
"Alam ko, Consuelo... alam ko." nilingon niya si Lenny na lumapit. "Ang aking asawa, Consuelo, si Lenny..."
"Leon!" banayad na usal ni Consuelo, kasabay ng ngiti.
Iniabot ni Lenny ang kamay sa matandang babae at hinagkan iyon. "Ako po ang apo ni Señor Leon, ma'am. Nakilala po ba ninyo ang Lolo?"
Mula sa tuyot na mga labi'y ngumiti ang matanda. "Si, hijo... si." Makahulugang nilingon nito si Dana. "Muy simpatico, tulad mo rin..."Lenny wondered why he blushed. He smiled. "Halika at ipakikilala ko kayo sa mga magulang ko..."
"Pero tila nakagayak na kayo sa pag-alis, hindi ba, hijo?"
"That can wait, ma'am. Gusto kong marinig mula sa inyo, first hand, ang tungkol kay Señor Leon..."
Nilingon ni Consuelo si Dana na kumindat. Pagkuwa'y lumapit. Ibinigay sa matanda ang sariwang kumpon ng mga bulaklak pangkasal niya.
"Para sa iyo, Consuelo... sa inyo ni Eman..." pabulong niyang sabi.Makahulugang ngumiti si Consuelo. Sinamyo ang mga bulaklak. Si Lenny ay inakbayan ang asawa sa kanan at inakay sa kaliwa ang matandang babae.
"Muchos gracias, gran, for such happiness..."
"De nada, nieto... de nada..."
WAKAS
******************Thanks sa walang sawang pagsuporta mga beshie. Enjoy reading mga beshie. Hanggang sa susunod na kuwento ulit. Matutulog muna ako at masakit na talaga ang ulo ko. Happy weekends in advance everyone. Take care and God bless. - Admin A ***********
BINABASA MO ANG
Kristine 16 - Hasta La Proxima Vez (Till Next Time) (UNEDITED) (COMPLETED)
RomanceDana Isabella-Diana and Joshua's daughter- was curiously reading her dead grandmother's diary nang sa pag-angat niya ng ulo'y kakaiba na ang kanyang kapaligiran. She was in the same house... the same room and the same bed... tamang oras, araw, at bu...