20

17.7K 550 125
                                    


"HOW ARE you, darling?" si Joshua na sa palagay niya'y naghihikab pa.

"Fine, Dad. Puwede kong makausap si Mommy?" Sinulyapan niya si Charles na nakatingin lang at nakatayo sa may tabi ng bar counter.

"Dana..." si Diana sa kabilang linya. Namamalat pa ang tinig mula sa pagtulog. "You've been there five days. How have you been doing?"

"Okay lang, Mommy..." aniya. Ilang beses na tumikhim bago muling nagsalita. "Mom, I know this isn't the fine time to ask you this... pero importanteng malaman ko..."

"What are you talking about, darling?" Napasandal sa headboard si Diana, nilingon ang asawang tumayo at pumasok sa banyo.

"W-who—who is Leon Fortalejo, Mom?" she asked after a while. Sunod-sunod ang kaba sa dibdib.

Nagsalubong ang mga kilay ni Diana pero agad na sumagot. "Bernard's father..."I should have guessed.

"Bakit naitanong mo si Leon, Dana? Have you met Cielo's fiancé? Magkasama ba kayo? Nakita mo ba ang tila buhay na larawan ng matanda sa reception ng Kristine Cement building?" sunod-sunod na tanong ni Diana.

Hindi niya sinagot ang mga tanong ng ina at nagpatuloy, "H-have you had the chance of... of meeting him while you were married to Bernard?"

"No. He's been dead for a couple of years or so when I met Bernard. Did you call us in the wee hour just to ask who Leon Fortalejo is?"

"Mom, this is important." Nasa tinig niya ang pakiusap. "Hindi lang minsan mong nasabing hindi mo gusto ang mga antigong bahay. Why, Mom?"

Nagsalubong ang mga kilay ni Diana kasabay ng paghikab. "Nothing except that they give me a creep..."


"Why should they? Have you seen that many old houses?"

"One is Tiya Isabel's house, Dana. I don't like that house you inherited. Though Villa Kristine is bigger and grander, it had the same effect on me. Those houses gave me a creep. I don't know why," sagot ni Diana. "Darling, what is this? Has this got something to do with Cielo's forthcoming marriage to Bernard's son? Inutusan ka ba niyang alamin ang tungkol sa pamilya Fortalejo? That is so unlike her..."

Huminga siya nang malalim. She was satisfied and disappointed at the same time. May mga sinabi si Diana na nasagot ang maraming tanong sa isip niya. She even wondered kung ang naranasan niya'y posible sanang naranasan ni Diana kung hindi lang nito tahasang tinatanggihan ang pagdalaw kay Doña Isabel? Lalo at ito naman talaga ang medyo hawig sa matandang babae.

Subalit tumatanggi ang kabilang isip niya. Mag-asawa na ang mga magulang niya nang makilala ni Diana si Donya Isabel.

"Just plain curiosity, Mommy," sagot niya. May gusto siyang malaman subalit hindi niya alam kung ano. She was expecting Diana to supply her some answers to questions she didn't even know what. "Hindi pa kami nagkikita ni Cielo mula nang maghiwalay kami sa airport. At hindi ko alam kung paano siya makakausap."

"Try Kristine Cement, Dana. May penthouse si Bernard sa building." Ibinigay niya ang address, ganoon din ang Corinthian mansion ng mag-asawang Marco at Emerald de Silva. "Emerald de Silva's Bernard's niece... Iyon lang ang maibibigay ko sa iyo. Malibang sa isla sa Paso de Blas inimbitahan ng anak ni Bernard ang pinsan mo."

"Paso de Blas, Mom?"

"Yes. Heto ang daddy mo at may gustong sabihin sa iyo." Iniabot ni Diana ang telepono sa asawa.

"Hi, Dad."

"Hija, may dumating na telegrama rito kahapon lang galing sa isa pang pinsan ng Lola Antonia at Lola Isabel mo. She was a very distant cousin and equally very old though your Tiya Isabel was much older...."

Unti-unting bumangon ang matinding kaba sa dibdib ni Dana. Umaasang ang nasa likod ng isip niya'y hindi ang sasabihin ng ama.

"Hindi mo pa siya nakikita, Dana," patuloy ni Joshua. "We weren't that close either dahil nga hindi naman naglululuwas iyon sa Maynila. But I met her perhaps four times in my life. Sa Laguna siya nakatira dahil tagaroon ang kanyang asawa..."

"S-sino siya, Daddy?" Hinanap ng mga mata niya ang upuan. Hindi kakayanin ng mga binti niya ang maaaring sasabihin ng ama.

"Si Tiya Consuelo, hija," sagot ni Joshua. Dana closed her eyes tightly at napahigpit ang pagkakahawak sa telepono. "Cielo's great grandmother. Apo niya ang Tiyo Rustico mo sa kaisa-isang anak na lalaki. Strange, but she didn't ask for Cielo. And I wonder why she wants to see you instead."

Oh, God... oh, God!

"I–I t-thought Cielo's great grandmother died a long time ago, Daddy? T-that she died giving birth to Tiyo Rustico's father...."

"Dana Isabella!" bulalas ni Joshua sa kabilang linya. "Saan mo naman kinuha ang kaalamang iyan? Maybe she is very old, a couple or so younger than your Lola Isabel, but she's still living, hija. Baka ang ibig mong sabihing namatay na ay ang asawa niyang si Eman. My very distant Uncle Eman died five years ago with Rustico's father in a car accident. We never were able to attend his burial. Kararating lang natin noon dito sa Amerika..."

Hindi makaapuhap ng sasabihin si Dana. Nanunuyo ang lalamunan niya at namumuo ang luha sa mga mata.

"Sinasabi ng telegrama na gusto kang makita ni Tiya Consuelo, hija," muling sabi ni Joshua. "I wonder why she never mentioned Cielo. Visit her, Dana. Kumuha ka ng papel at ibibigay ko sa iyo ang address ng matanda."


*****************Happy weekends mga beshie. Pasensya na at busy na ako now daming work eh char hahahaha sana all maraming time para magpahinga. Parang nagugutom na nga ako eh kaya lang need mag work at mag update baka magtampo kayo sa akin eh ignore n'yo na ako char hahahaha. PM n'yo ako mga beshie if may time kayo at need ko ng sponsor for my milk tea char hahahaha . Enjoy reading mga beshie. See you on Monday. Take care and God bless. - Admin A ************

Kristine 16 - Hasta La Proxima Vez (Till Next Time) (UNEDITED) (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon