55

15.7K 507 47
                                    


"NO, HINDI ako sasama sa inyo pabalik ng Amerika, Daddy," matigas na tanggi ng dalaga. Nasa lumang bahay sila sa Binondo.

"And you can't make me. Itinapon ko ang passport ko sa dagat. And I won't cooperate to get a new one no matter what you do!"

Manghang tinunghayan ni Joshua ang anak. "Itinapon mo ang passport mo sa dagat!" hindi makapaniwalang sabi ni Joshua. "I can't believe you are defying me nang dahil lang sa lalaking iyon, Dana Isabella."

Inikot ni Dana ang paningin sa buong bahay. "Kailangang asikasuhin ko ang pagpapaayos sa bahay na ito. Alam ninyong iyon ang dahilan kung bakit ako narito sa Pilipinas."

"Subalit hindi na ngayon iyan ang dahilan mo. Hindi mo gustong lumayo sa lalaking iyon!" ani Joshua na sinisikap magpakahinahon.

Matabang na ngumiti ang dalaga. "Lalayo, Daddy? Sa palagay ba ninyo'y hindi ako kayang puntahan ni Lenny sa Amerika?"

"He couldn't even come near you! I am warning you, Dana Isabella. Huwag mo akong piliting gawin ang hindi nararapat."

"Josh, please." si Diana na nagsalita sa unang pagkakataon. "Hindi ba natin ito mapag-uusapan nang mahinahon? Isa pa'y tama ang anak mo. Napakadali para sa anak ni Bernard na puntahan si Dana sa Amerika."

"Sa palagay mo ba'y kailangan ng kahinahunan diyan sa anak mo sa pagkakataong ito?" baling nito sa asawa. "And have you gone mad?" disbelief in his eyes habang nakayuko sa asawa. 


"Ikaw... Ikaw, higit kanino man ang dapat na magpayo diyan sa anak mong kalimutan na niya ang lalaking iyon!" Pagkasabi niyo'y mabilis na bumaba ng bahay si Joshua.

Si Diana ay tiningala ang anak. "You should understand your father, Dana. I was Bernard's wife for more than two years bago niya ako napangasawa. Hindi marahil kayang tanggapin ng ama mo na ang pamilyang sinikap kong kalimutan sa unang panahon ng pagsasama namin ay kasasangkutan mo ngayon."

"So what?" Dana said in frustration. "Napakababaw na dahilan niyon, Mommy. Lenny and I love each other. Iba naman ang kaso namin sa inyo. Matagal nang nangyari iyon and you have a happy life with my father now. So I don't understand why he doesn't want me to be happy, too."

"Sa ngayon ay hindi iyan madaling maunawaan ng daddy mo, anak. Give him time..."Hindi sumagot si Dana. Wala sa loob na natitigan ang larawan ni Doña Isabelita sa may hagdan. No, she thought frantically. I won't spend my life alone. Ipaglalaban ko ang pag-ibig ko sa kanya, Lola Isabel. No matter what happens...

DALAWANG linggo na mula nang makabalik sila sa Maynila. Una niyang inayos ang pagpapakabit ng linya ng telepono sa lumang bahay. At siya mismo ang nagpaalam kay Lenny na nasa Maynila pa sila at walang balak na bumalik ng Amerika ang mga magulang niya nang hindi siya kasama.

"I missed you so, my darling..." si Lenny sa kabilang linya. Palakad-lakad sa loob ng silid. "Bukas ay babalik na ang Mama't Papa sa Maynila. Sasama ako sa kanila. I want to see you..."

"Me, too. Pero hindi—" Hindi natapos ni Dana ang sasabihin nang hablutin ni Joshua mula sa kamay niya ang telepono at ibalik sa receiver.

"Daddy!"

"Tigilan mo na ang kalokohang ito, Dana!" galit na sabi ni Joshua. "Hindi ako papayag na magkaroon ka ng kaugnayan sa lalaking iyon."

"I don't understand you anymore, Daddy!" she said back. Sinisikap na huwag umiyak. "Bakit kahit sa telepono'y ayaw mong magkausap kami?"

"He doesn't love you and you don't love him!"

"Bakit kailangang pangunahan mo ang damdamin namin sa isa't isa?" she sobbed softly."Ano ang alam mo sa pag-ibig, Dana? Tulad din ng mommy mo nang una niyang makatagpo si Bernard Fortalejo. She thought she loved him. Subalit ano ang nangyari? Her marriage with Bernard was a total disaster. Kung wala ako ay baka tuluyang sinira ng mommy mo ang sarili niya..." patuloy ni Joshua. Nasa tinig ang pagsisikap na ipaintindi sa anak ang gustong mangyari.

"And like his father, Lenny was handsome, debonaire, irresistible. You didn't stand a chance and fell for him..." dagdag nito.

"Kung ang gusto ninyong tukuyin ay ang mga pisikal na katangian ni Lenny, then why didn't Cielo fall for him!"

"Good for her," matabang na sabi ni Joshua. "It seemed that your cousin was more sensible than you are..."

"Oh, Dad," she said helplessly. "I don't want to hate you for doing this to me..."Napaangat ng tingin si Joshua at tinitigan ang anak. Hindi makapaniwalang marinig iyon mula sa kanya. Pain crossed his eyes.

Isang malakas na buntong-hininga ang pinakawalan ni Dana. "Dad, I love you. At alam kong wala kang hangad kundi ang kaligayahan ko. But I want you to understand that he is my happiness."

"No." Muling bumalik ang galit at determinasyon sa tinig ni Joshua. Mabilis na umiwas ng tingin upang hindi makita ng anak ang takot at kalungkutang nasa mukha. "Ayoko nang pag-usapan pa ang bagay na ito, Dana Isabella. Forget him. Dahil kahit ano ang mangyari'y hindi ako papayag na mapangasawa mo ang anak ni Bernard." Tumalikod na ito pagkasabi niyon.

"I hate you, Daddy!"

Joshua flinched. Sandaling nahinto sa paghakbang, masidhi ang kirot na gumuhit sa dibdib. He squared his shoulders at nagpatuloy sa paglabas.

Si Diana ay lihim na nakamasid sa mag-ama. Naaawa sa anak. Subalit hindi nito magawang kontrahin ang asawa. Una pa lang na malaman nilang inanunsiyo ni Leonard Fortalejo ang engagement nito at ni Dana ay nagpakita na ng matinding pagtutol si Joshua.

Walang maipipintas si Diana kay Joshua bilang asawa. Nakasentro sa kanilang mag-ina ang buong buhay nito. He loved her, loved them both to a fault.

And she loved him... truly loved him. Wala silang ginusto ng anak na hindi ibinigay ni Joshua. Nalulungkot man siya sa nangyayari ngayon sa mag-ama'y hindi niya magawang salungatin ang asawa.

Sa kauna-unahang pagkakataon sa buhay nila'y ngayon lamang may tinanggihan ang asawa. At hindi niya magawang kontrahin ito.



**********Kung ayaw n'yong mabitin ay pwede kayong bumili ng libro mga beshie hahahaha. Kung ako lang may maraming time pinost ko na ito ng isang buo eh kaya lang work is life ako sa panahon ngayon. Kaya sorry na agad sa mga nagsasabing palaging bitin at magaling daw ako mambitin, hindi po totoo iyon nagkakataon lang na sakto lagi char hahahaha - Admin A ***************

Kristine 16 - Hasta La Proxima Vez (Till Next Time) (UNEDITED) (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon