42

18.7K 585 184
                                    


SA MAY pasilyo ay hinarap ni Bernard ang asawa. "Does it bother you that your son chose Diana's daughter as his future wife?"

"Wary is the right word, Bernard," sagot ni Jewel. "Hindi alam ng mga magulang ni Dana ang nangyayari at hindi natin kayang hulaan kung paano nila tatanggapin iyon. Isa pa'y hindi ko naiintindihan ang anak mo sa bilis ng mga pangyayari." Sinabayan nito ng iling ang buntong-hininga.

Iniharap ni Bernard ang asawa at itinaas ang mukha. "Hindi nangangailangan ng mahabang panahon ang pag-ibig, darling. I fell in love with you when you first came to the farm. That feeling hasn't changed... I love you more in every passing day... Happy anniversary, sweetheart." He planted a soft kiss on her lips.

"Happy anniversary, too, Bernard. And thank you so much for loving me," she said, her heart swelled with love. "You talked of loving, sa palagay mo ba'y nagkakagustuhan ang dalawang iyon?"

Bernard smiled knowingly. "I bet my life on it."

HAPON na nang magising si Dana ng sumunod na araw. Madaling-araw na nang matapos ang party. At nakilala na yata niyang lahat ang mga Fortalejo at ang malalapit na kaibigan ng pamilya.

Nang makapag-ayos ay lalabas na sana siya nang masulyapan ang telepono sa mesa. Naisip na tawagan ang mga magulang upang maibalita ang nangyari nang nagdaang gabi.

"Well, it's about time." si Joshua sa kabilang linya sa tonong bahagyang ikinapitlag ng dalaga. 

"Tatawagan kitang talaga, naunahan mo lang ako. Katatawag lang ng Tita Elvira mo. She was so angry. Bernard Fortalejo has called off Lenny and Cielo's engagement. Ipinahiwatig ni Bernard na ang anak niya'y engaged sa mismong pinsan ni Cielo and that the engagement was formally announced. What does it mean, Dana?"

"Daddy," simula niya, clearing her throat at the same time. "Narito si Charles. Sumunod siya sa amin ni Cielo. You know they love each other and..."

Sinabi niya ang pangyayari sa ama. Wala siyang ibang maidadahilan sa bilis ng mga pangyayari. Isa pa'y hindi niya gustong magsinungaling. She was expecting him to understand, kung hindi man matuwa na fiancé na niya ang isa sa mga Fortalejo na kung tutuusin ay hindi naman na mga estranghero para sa mga magulang.

"No!"

Napasinghap si Dana. Startled by the vehemence in his father's voice. Minsan ma'y hindi siya ginamitan ng ganoong tono ng ama.

"Bale-wala para sa akin ang engagement ninyo, Dana. And I couldn't care less kung naanunsiyo na iyon sa buong lupa," ani Joshua. Nanginginig ang tinig sa galit. "I want you to pack your bags, Dana Isabella, and take the first flight back home immediately!"

"But, Dad—"

"That bastard can't use you. I can't allow this..."

"M-maybe I have missed telling you something, Daddy," aniya. She had to lie. "I... I won't be conned into this engagement kung... kung wala akong p-pagtingin kay Lenny." Then she immediately checked herself if it really was a lie. And to her horror, natagpuan niya ang sariling idinagdag, "I love him, Dad."

"No, Dana! No."

Dana couldn't imagine his father's face. Wala siyang natatandaang nagalit ito nang matindi sa kahit na kaninong tao. Ang ama niya ang pinakadiplomatikong taong nakilala niya. Anger was his father's last resort to dealing things.

"That bastard can't take you away from me. Hindi ako papayag na ang mag-ina ko'y parehong nadawit sa pamilyang iyan! The hell I care if they own the world but not my daughter!"

"Daddy!"

"And I don't believe for one moment that you love that man, Dana," patuloy nito. Tumaas-baba ang dibdib sa galit.

Si Diana ay walang-kibong nanatiling nakamasid sa asawa. Hindi alam ang sasabihin at iisipin. Tulad ng anak, she had never seen her husband this angry, and it puzzled her so much.

"He is a very good-looking man," patuloy ni Joshua. "And of course, very rich. Iyon marahil ang naka-attract sa iyo just like any girl next door. But you don't definitely love him!"

"But—"

"Not another word, Dana Isabella," babala ni Joshua. "Get out of that place and fly back home right away. It is an order."

At bago pa siya makasagot ay nawala na sa linya ang ama. Nanlulumong ibinalik ng dalaga ang telepono sa cradle nito. At wala sa loob na umupo sa gilid ng kama.

Gulong-gulo ang buong isip kung bakit ganoon na lang ang galit ng ama.

"Hi. I didn't have the chance to congratulate you last night..."


***************Kamusta ang lahat char hahahaha , isang nakakapagod na naman na araw ang lumipas char hahahaha. Sana ayos lang lahat. Take care at God bless mga beshie. :) - Admin A ***************

Kristine 16 - Hasta La Proxima Vez (Till Next Time) (UNEDITED) (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon