49

14.8K 505 29
                                    


KANINA pa pinagmamasdan nang lihim ni Esmeralda ang lalaking natagpuan nilang walang-malay sa tabi ng dagat halos apat na linggo na ang nakararaan. Naroroon ito sa tabing-dagat at nakatanaw sa malawak na karagatan.

Wala pa rin itong maalala sa sarili. Bagaman natitiyak niyang Leon Fortalejo ang pangalan ng lalaki. Iyon ang nakasulat sa identification card na nakuha niya sa portamoneda ng lalaki mula sa bulsa ng pantalon nito.

Nag-aaral ito sa Colegio de San Juan de Letran sa Maynila. Alam niyang baril ang sanhi ng sugat nito sa balikat. Ang sugat sa noo nito'y hindi sanhi ng bala kundi ng kung anong matulis na bagay na tumama sa ulo nito.

May hinala si Nana Miling na baka magnanakaw si Leon at nabaril ito sa pagtakas. Iyon ay dahil sa isang malaking jewelry box na nakatali sa baywang ng lalaki.

"Napakalaking kayamanan nito, Esmeralda!" bulalas ng matandang babae. "Hindi lang mga alahas kundi may mga batong brilyante pa! Tiyak na magnanakaw ang inaalagaan at inaaruga natin!" nag-aalalang sabi ng matandang babae.

"Huwag ho natin siyang husgahan, Nana," mahinahon niyang sabi. "Hintayin nating magbalik ang isip niya."

"Paano kung masama siyang tao? Pawang babae tayo rito, ineng. Ikaw ang inaalala ko. Ang pinakamalapit nating kapitbahay ay sa kabilang dulo pa ng isla. Isang araw na lakad bago natin iyon marating..."

Subalit sa kaibuturan ng puso ni Esmeralda ay hindi niya pinaniniwalaang masamang tao si Leon. Ibinubulong ng puso niyang nagkakamali ng hinala si Nana Miling. Itinago nila ang mga bato at alahas at hindi ipinaaalam sa lalaki. Isasauli nila iyon sa sandaling magbalik ang memorya nito.

Ang tanging ibinigay niya rito'y ang portamoneda. Subalit kahit nang makita at mabasa ni Leon ang sariling pangalan ay wala itong maalala.

LUMINGON si Leon nang maramdamang hindi siya nag-iisa. Nakita niyang nakatayo sa tabi ng punong-niyog si Esmeralda. Isang tipid na ngiti ang ibinigay niya rito na ginantihan naman ng dalaga ng tipid na ngiti.

Humakbang ang dalaga palapit.

"Nakapaikot ang dagat sa islang ito, Leon," ani Esmeralda at umupo sa isang troso na nakahapay sa buhanginan. "Bakit ang bahaging ito ang malimit mong pasyalan?"

Huminga nang malalim ang binata. "Hindi ko maipaliwanag." Nilinga nito ang lampas-tao at malaking batong nasa harap. "Natitiyak kong nakarating na akong minsan sa islang ito. Pamilyar sa akin ang malaking batong ito at ang kapaligiran." Niligid nito ng tingin ang baybayin. "Gaano na kayo katagal na naninirahan sa islang ito?"

"May isang taong mahigit na," sagot ng dalaga na nagyuko ng ulo.

"Saan kayo nanggaling? Ang mga magulang mo?"Nagkalambong ang mga mata ng dalaga. "T-taga-Mindoro ang aking ina, Leon. Matagal na siyang wala." A little sob came out of her. "Ang Papa'y hindi na muling nagbalik mula nang umalis sa islang ito may walong buwan na ngayon." Hindi na mapigilan ng dalaga ang mapaiyak.

Nilapitan ng binata ang dalaga at umupo sa tabi nito. Kinabig patungo sa dibdib. "Huwag kang umiyak. Hindi ko gustong nakakakita ng babaeng umiiyak," banayad nitong sabi. Hinahaplos ang mahabang buhok sa likod. "Ano ang nangyari sa papa mo?"

Marahil dahil sa loob ng mahabang panahon ay tanging si Impong Sela ang kasa-kasama niya sa islang iyon kaya hindi naawat ni Esmeralda ang sariling maghayag ng buhay niya sa estranghero.

"Isang Amerikano ang aking ama," pagsisimula niya at kumawala mula sa mga braso nito. 

"Magtatapos na siya sa pagiging doktor nang magpatala bilang sundalo. Kasama siya ng mga Amerikanong dumaong sa Pilipinas. Sa pasasalamat niya'y nakasama siya sa lupon ng mga medics at hindi sa mga nakikipagdigma. Nagkakilala sila ni Mama at nagkapangasawahan. Nang huminto ang unang digmaang pandaigdig ay nanirahan sila sa Mindoro... sa bayan ni Mama. Doon ako ipinanganak. Nag-aral ng high school subalit hindi nakatapos...

Kristine 16 - Hasta La Proxima Vez (Till Next Time) (UNEDITED) (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon